Dianna's POV Every time na nakatutulog si Dianna, she's always dreaming. Sa panaginip niya may tumatawag sa kaniyang 'mama' ang weird lang. Hindi alam ni Dianna kung ang anghel na nasa sinapupunan niya iyon ang palaging nagpapakita sa kaniyang panaginip. Pero parang may mali, it was two children. A boy and a girl. Tuwing napapanaginipan niya ang dalawang batang iyon, sobrang bigat ng kaniyang dibdib pagkagising. NAKANGITING nakaharap sa may malaking salamin si Dianna, marahan niyang hinamas ang umbok ng kaniyang tiyan. She's 5 months pregnant right now. Halos tatlong buwan ang itinagal niya sa hospital. Nakatutuwang ang bilis ng recovery niya. Lahit nalagay sa peligro ang kaniyang buhay, sobrang thankful niya dahil ang batang dala-dala niya ay hindi bumitiw. Sa kuwento ni Charles sa

