Dianna's POV Kanina pa hindi mapakali si Dianna, wala ngayon si Craig may inasikaso ito. Nanlaki ang mga mata ni Dianna nang nararamdaman na naman ang paghilab ng kaniyang tiyan. Kanina pa siya palakad-lakad at paikot-ikot sa sala. “Senorita pumunta na kaya tayo sa hospital? Delikado ang manganak dito sa mansyon masilan pa naman ang pagbubuntis ninyo,” mungkahi ni Manang Tesa. Magkasama si Charles at Craig kaya wala talaga ni isa sa dalawa ang makatulong sa kaniya ngayon, kanina niya pa rin tinatawagan si Craig maski si Charles pero out of coverage area ang dalawa. “Manang pakikuha nga po iyong cell phone ko, naka-charge sa kuwarto,” pakisuyo ni Dianna sa matanda. Kinakabahan si Dianna dahil hindi pa naman ngayon ang due date niya, pitong buwan pa lang ang kaniyang tiyan ngayon. Napaig

