Chapter Three

1235 Words
Dianna's POV Mabuti na lang at busy ang mga kasambahay nila at hindi siya nakita sa isang situwasyon na parang pinagsakluban ng langit at lupa. Ito na yata ang pangalawa sa pinakamasakit na naranasan niya. Kahit hinang-hina pinilit niyang tumayo mula sa pagkasalampak sa sahig. Halos hindi siya makahinga gawa ng barado ang kaniyang ilong dahil sa pag-iyak. Iniyak niya ang lahat ng sakit, pagod na rin siyang magkunwari na okay lang kahit ngayon lang magpapakatotoo siya kahit sa sarili niya, pagkatapos nito handa na siyang pakawalan ang lahat. Akmang aakyat na siya ng hagdanan ng biglang bumukas ang malaking pinto at narinig niya ang maingay na pinsan. Wala na siya sanang balak na lingunin o makipag-usap dito dahil ayaw niyang makita nito ang mukha niya. At sa tingin niya na halatang-halata ang pamamaga ng kaniya mga mata. "Dianna!" malakas na tawag ni Roxanne, sa kaniya. Naudlot ang kaniyang paghakbang sana paakyat. Wala na siyang pagpipilian pa kung hindi harapin ito. Ngayon pa ba siya mahihiyang makita siyang ganito? Na namamaga ang kaniyang mga mata?  Dahan-dahan siyang lumingon kay Roxanne. Napatigil ito sa paglapit sa kaniya nang masilayan ang mukha niyang parang namatayan.Naka-formal attire ito at nakapusod ang mahabang buhok. Bakas sa mukha nito ang awa, wala itong alam kung bakit sila naghiwalay ni Lexus noon. After niyang nakita ang lalaki sa tree house noon ay hindi na siya nakipagkita at nakipag-usap pa rito. Huling nakita niya ang lalaki noong namatay ang papa ni Roxanne, kahit nakipaglamay ito at nakikita niya wala siyang lakas ng loob na kausapin ito. Ang masakit pa kahit ito mismo hindi man lang siyang sinubukang kausapin na parang wala lang nangyari. Alam niyang nakita siya nito noon na nandoon at nasaksihan ang kababalaghan na ginawa nito. Hindi niya lubos akalain na nagawa iyon sa kaniya ni Lexus she admired him so much, maalaga ito at marespeto. "Ano ang nangyari sa iyo, Dianna? Magang-maga ang mga mata mo?" nag-aalalang tanong ni Roxanne.. Nilapitan siya nito at niyakap. Napahagulhol naman siya. "W-wala na miss ko lang si mama," pagsisinungaling ni Dianna, kay Roxanne, kahit malabong paniwalaan siya nito. Isa pa sa mga dahilan kaya sumama siya sa kaniyang ama sa Australia noon ay dahil sa kaniyang ina. Hindi niya alam kung na saan na ito ngayon. The last time na nakita niya ang kaniyang ina noong grade one pa siya. Halos hindi niya maalala ang mukha nito. Hindi niya alam kung ano ang problema basta isang araw lahat ng mga larawan nito sa mansyon ay wala na. NOOng bata pa siya nang nagising siya, at nakikita ang picture ng mama niya pero kahit isang alaala ay wala siyang matandaan. Bumitiw sa pagkakayakap sa kaniya si Roxanne at tiningnan siya nang maigi. "Naalala mo na ang mama mo?" nanlalaking matang tanong ni Roxanne, masyadong obvious si Roxanne. Tumango siya bilang sagot dito. Mas matanda si Roxanne sa kaniya ng tatlong taon. At mula pagkabata ay palagi na niya itong kasama. Palagi niya itong tinatanong kung bakit umalis ang ina niya sa mansyon pero— wala rin daw itong alam sa mga nangyari noon. "P-pero hindi ko maalala ang mukha niya, ang naalala ko lang iyong malambing niyang boses na kinakantahan ako bago matulog, iyon lang." Yumakap si Dianna ulit sa pinsan niya. Ang weird lang, kahit nakita ni Dianna noon ang picture ng mama niya pero hindi tumatak sa kaniyang isip.  "A-at nagkita na kami ni Lexus kanina," dagdag na sabi ni Dianna kay Roxanne. "W-what? Saan kayo nagkita?" gulat na tanong ni Roxanne. Inalalayan siyang tumayo ni Roxanne at iginiya paupong sofa. n Bumuntong-hininga muna siya bago magkuwento rito. "Pumunta ako kanina sa tree house..." panimula ni Dianna. "Bakit ka pumunta roon ng mag-isa?" agaw ni Roxanne bago pa man niya matapos ang sasabihin. "S-sorry alam ko naman na..." "Alam mong hindi ka puwedeng pumunta roon ng mag-isa!" panenermon ni Roxanne. Paano niya kaya matatapos ang sasabihin kung panay agaw eksena ito sa kaniya? "Magkasama ba sila?" dagdag pa ni Roxanne. Kahit nagtaka man sa narinig na tanong ni Roxanne, isiniwalang-tinig na lamang niya ang pagtataka. Umiwas siya ng tingin sa kay Roxanne. Badtrip talaga ito kahit kailan. "S-sino?" medyo pumiyok pa siya sa pagsalita. Kahit may ideya naman siya kung sino ang itinutukoy ni Roxanne.  "Sino pa ba?" nakataas-kilay na sabi ni Roxanne. Nagtanong pa talaga itong pinsan niya, kahit wala namang alam noon si Roxanne, nang minsan na nag-usap sila noon nabanggit nito na may girlfriend si Lexus. "S-si Kristine ang kasama niya at si X-Xander," nakangiwing sagot ni Dianna kay Roxanne. Kitang-kita niyang ngumisi ito nang nakakaasar. "Oh! The Santillan's siblings," mapaklang sambit ni Roxanne.  Kung tama ang pagkakatanda ni Dianna, crush na crush noon ni Roxanne si Xander, Kristine older brother. "Ano ang napag-usapan ninyo rooon ni Lexus?" biglang tanong ni Roxanne. "Umalis ako nang nakita ko sina Lexus at Kristine," pagkukuwento ni Dianna. "Kaya pala para kang namatayan? Pero hindi ba ikaw ang nakipaghiwalay kay Lexus?" Pumikit siya at sumandal sa sofa. Ngumiti siya nang mapakla. Ito kasi ang pagkakaalam ng lahat na siya ang nakipaghiwalay sa lalaki. Na siya ang nang-iwan, na bigla na lamang siyang umalis at sumama sa kaniyang ama patungong Australia. Hindi rin siya nakapagkuwento sa pinsan alangan naman na e-epal at magda-drama rin siya dito noon. "Bakit? Hindi mo ba natanong ang pinsan mo kung bakit ako sumama kay papa?" Iminulat ni Dianna ang mga mata at tiningnan ng seryoso ang pinsan. "Alam ko na may dahilan ka pang iba, Dianna ayaw kong himasukan noon ang relasyon ninyo ni, Lexus pareho ko kayong pinsan at mahalaga sa akin, naghihintay lamang ako na kayo mismo ang kusang magkuwento kung ano ba talaga ang nangyari sa relasyon ninyo noon," mahabang sagot nito. Siguro panahon na rin na sabihin niya dito ang buong katotohanan kung ano ba talaga ang nangyari sa kanila ni Lexus noon. "He cheated on me," pag-amin ni Dianna kay Roxanne. "W-what?" hindi makapaniwalang bulalas ni Roxanne. "I saw him with other woman, they are both naked, inside the tree house," hindi siya kumurap habang sinasabi ito sa pinsan gusto niyang makita ang magiging reaksyon ni Roxanne. Kitang-kita niya na halos hindi makapaniwala ito sa sinabi niya. "B-bakit hindi mo man lang sinasabi sa akin ang totoo?" panunumbat ni Roxanne. Ayaw niyang masira ang imahe ni Lexus sa pinsan nito. Kahit siya hindi niya rin alam kung paano at bakit nito ngawa sa kaniya. Hindi iyong ponagmukha siyang tanga! Mas kaya niya pang tanggapin na hindi na siya nito mahal kaysa nahuling may kasamang ibang babae! Ang sakit-sakit! She loves him so much! "Ayaw kong maging pabigat pa noon sa inyo." Tumayo na si Dianna at iniwan ang pinsan sa sala na shocked na shocked sa nalaman. Ayaw na niyang balikan pa ang nakaraan, tama na iyon siguro na sinabi niya ang totoong dahilan kung bakit siya umalis noon at kung bakit siya patuloy na nasasaktan ngayon. Kahit masakit pero— wala naman siyang magagawa kung hindi naman kayang suklian ng lalaking mahal niya ang pagmamahal niya rito. Sabi nga ng iba learn to let go, kapag hindi para sayo tigilan mo na, pakawalan at magparaya. Pero—sadyang makulit ang puso niya, bakit ba kasi ayaw nitong pakawalan na lang? Napahawak siya sa kaniyang ulo ng biglang sumakit ito nang matindi, napasigaw pa siya dahil doon narinig niya pang tinawag ni Roxanne ang pangalan niya bago tuluyang nandilim ang kaniyang paningin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD