Chapter Two

1520 Words
Dianna's POV "Lexus! Kristine!" malakas na tawag ni Xander sa dalawa. Pakiramdam ni Dianna tumigil ang pagtibok ng kaniyang puso, at pakiramdam niya nanigas siya sa kaniyang kinauupuan. Not now... Hindi malaman ni Dianna kung ano ang magiging reaksyon niya kapag makaharap niya si Lexus ngayon. At hindi niya napigilan na tumayo at mabilis na tumakbo sa pinag-iwanan ni Dianna sa kaniyang kabayo at mabilis na sumakay rito. Nanginginig ang kamay niya habang mahigpit na nakahawak sa talo. Narinig niya pa ang pagtawag nina, Xander, Timothy at Erik sa kaniya pero hindi na siyang nag-abalang lingunin ang mga ito at tinahak ang daan pabalik sa mansyon. Pinahid n Dianna ang mga luhang nag-uunahan sa paglandas sa kaniyang pisngi. Hindi niya namalayan na sobrang bilis na pala ang takbo ng kaniyang kabayo. Hindi niya pa rin pala kayang harapin ang dalawa kahit na, limang taon na ang nakalipas pero—parang sariwa pa ang sakit sa puso niya. Pero pakiramdam ni Dianna parang may mali hindi niya lang pamangalanan kung ano iyon. Pagkatapos naibalik sa kuwadra si Dark ay nagmamadaling pumasok siya sa loob ng mansyon, mabuti na lang at busy ang mga tauhan nila. Nagkulong sa kaniyang silid, mabuti na lang at wala ngayon si Roxanne at si Tita Flor. "Akala ko nakalimot na ako nang tuluyan! Pero bakit kanina noong nakita ko sila ay masakit pa rin!" umiiyak na sambit ni Dianna sa sarili. Unang araw palang niya rito sa rancho ay ang malas naman ng bungad sa kaniya. Kailangan niyang makapag-isip ng matino. Isa pa may bumabagabag sa kaniyang isip, ang huling napag-usapan nila ng kaniyang ama bago siya inihatid nito sa airport. "Ikaw ang susunod na mamahala sa kompanya natin sa Maynila, alam na ito ng Tita Flor mo na siyang kasalukuyang namamahala roon," pagbibigay alam ng kaniyang ama. "P-pero..." hindi na niya natapos ang sasabihin nang nagsalita itong muli. "No more buts, Dianna! This time gamitin mo ang iyong napag-aralan sa sarili nating kumpanya! Maliwanag?" maotoridad na utos ng kaniyang ama. Hindi niya ito kayang suwayin, hindi dahil takot siya rito ayaw niyang bigyan ng sama nang loob ang kaniyang ama. Nangako siya noon na susundin niya ang lahat ng gusto nito para sa kaniya kahit labag man sa loob niya na umuwi dito ay wala siyang magagawa. Nagtaka lang siya bakit naisipan ngayon ng kaniyang ama na magretiro at siya mismo ang mamahala sa napakalaking kompanya nila. Pumasok siya sa banyo at naligo. Pagkatapos makapag-ayos ay bumababa si Dianna.. Nasa huling baitang na siya ng hagdan nang— nakikita niyang kampanteng nakaupo si Lexus sa may sofa. Agad na tumayo ito nang napansin siya. "Ano ang ginagawa mo rito?" tanong ni Diannama kay Lexus. "Kumusta ka na, Dianna?" tanong ni Lexus na hindi pinansin ang tanong niya. He's still the same... Kailangan niya yatang harapin ito para matapos na sakit at makalaya na siya mula sa mapait na nakaraan. "As you can see, I'm very much okay, Lexus." Naglakad si Dianna palapit sa lalaki. Kahit ang totoo gusto niyang makita at makausap din ito. Ngumiti ito sa kaniya, ngumiti siya nang mapakla dahil doon. Mas lalo yata itong naging guwapo sa kaniyang paningin. Lumabas ang dalawang biloy nito tuwing ngingiti ito at lalong naging singkit ang mga mata. Kung si Roxanne pa ang tatanongin kamukha raw ni Lexus iyong korean singer-model na si Rain. Umupo siya sa katapat nitong upuan. Umupo na rin ito pareho silang walang imik na para bang nakikiramdam muna kung sino ang may balak na magsalita sa kanila. Naiilang pa rin siya sa paninitig ni Lexus sa kaniya. Aaminin niya, may nararamdaman pa siya sa lalaki kahit limang na taon na ang nakalipas hindi pa rin nawala ang naramdaman niya sa kaharap. "So, magtitigan lang ba tayo?" natatawang sambit niya. Kahit ang awkward ay pilit niyang pagaanin ang ang nararamdaman. Pilit na pinapagaan ang namamayaning tensyon. Malaki rin ang pinagbago ni Lexus, mas naging manly na ito kung tingnan ngayon, but his fashion sense is still same as before, nawala lang ang teenager imaged nito. "I didn't expected you to be there earlier," tukoy ni Lexus kanina sa may ilog. Napataas ang kilay niya sa narinig. Hindi raw in-expect! "Pero mukhang hindi ka naman nagulat nang nakita mo ako," walang pag-alinlangan na sagot ni Dianna.. Alam niyang aware naman ito na umuwi siya. Ito pa ba ang mawawalan ng balita tungkol sa kaniya? Knowing Lexus daig pa nito ang imbestigador. After all pinsan ito ni Roxanne sa father side. At alam niyang hindi kayang magpigil ng babaeng iyon na ibalita sa paborito nitong pinsan na nandito siya sa rancho. Tumayo ito tila may gustong sasabihin pero nag-aalinlangan kung itutuloy ba nito o hindi. "Alam kong may gustong kang sasabihin, Lexus kung ano man iyan sabihin mo na," seryosong turan ni Dianna kay Lexus. "M-mahal na mahal ko si Kristine... Sana matanggap mo na—siya na ang mahal ko," nakayukong sabi ni Lexus. Hindi tuloy niya alam kung totoo nga ang sinasabi nito o hindi. Pero kahit totoo man o hindi ang sakit pa rin pala. Kung nakakamatay lang ang sinabi ni Lexus baka kinakain na siya ng mga bulate ngayon. Pilit niyang huwag manghina sa sinabi nito, nanatiling tahimik lamang siya hinihintay ang susunod na nakakamatay na sasabihin nito. "Akala ko ikaw ang mahal ko, siguro dahil nangungulila lamang ako noong wala siya, at sayo nabaling ang atensyon ko." Tiningnan siya ni Lexus sa mga mata. Sinalubong niya ito ng tingin. "Minahal mo rin ba ako noon?" Tumulo ang luha ni Dianna nang nakikitang umiling si Lexus. "A-ano ako? libangan? Pampalipas ng oras habang wala sa tabi mo ang babaeng totoong mahal mo?" hindi niya napigilang isumbat dito. "Mahal na mahal pa rin kita hanggang ngayon, Lexus!" Tumayo siya at yumakap rito. Nagpakatotoo na siya, kahit alam niyang talo na naman siya. "D-Dianna... tama na please!" pakiusap ni Lexus. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap dito. "Minahal kita pero— hindi isang uri ng pagmamahal na para sa dalawang taong nagmamahalan, minahal kita bilang isang kapatid o kaibigan." Kinalas ni Lexus ang pagkakayakap niya rito. Mas lalo siyang nasaktan sa ginawa ng lalaki. "Someday... you will thank me for this," makahulugang turan ni Lexus. Nangunot ang noo ni Dianna sa narinig. Alam niyang may dapat siyang malaman pero siya mismo ang ayaw niyang alamin pa kung ano ang nakatago sa kaniyang sarili. "Kaya ako nandito para—magkaroon tayo ng closure, kalimutan mo na ako," dagdag pa ni Lexus, tumayo ito lumabas ng mansyon. Para siyang tanga na humahagulhol na nakasalampak sa may sahig. Sobrang sakit na marinig iyon sa lalaking sobrang minahal niya at mahal na mahal niya pa rin hanggang ngayon. Akala niya makakalimutan niya ito pero nagkamali pala siya. Abnormal yata itong puso niya. Kailangan ba maging ganito kasakit ang pagmamahal? Alam ni Dianna na may alam ang kaniyang ama sa relasyon nila noon ni Lexus, pero wala lang itong imik. She was only seventeen years old noong nahulog ang loob niya sa lalaki. Bumisita ito sa rancho dahil nakaratay ang ama ni Roxanne noon dito. Ayaw ng kaniyang Tito Francis na sa hospital magpagaling dahil na rin sa kagustohan ng kaniyang ama ay dito sa Rancho nagpagaling ito. Agad na nahumaling ang batang puso niya sa kay Lexus noon. Lexus was already eighteen years old. Ang alam niya sa Maynila ito nakatira. Madalas itong bumibisita sa Rancho. Naging malapit sila sa isa't isa dahil na rin pinsan din ito ni Roxanne sa father side siya naman pinsan ni Roxanne sa mother side. Alam niyang may mahal na ito. Pero hindi niya alam kung sino, nakalipas ang ilang buwan niligawan siya ng lalaki. At siyempre patago ang kanilang naging relasyon at ang kanilang tagpuan ay ang tree house sa tabing ilog. Maalaga ito at maalalahanin, at higit sa lahat may respeto sa kaniya. May sinsabi rin ang pamilya nito sa lipunan ang alam niya may sariling kompanya ang mga magulang nito sa Maynila. Hanggang isang araw—nasaksihan niya ang hindi niya dapat masaksihan. Lexus was having an intimate moment with someone's else. Ang masakit pa roon pa sa lugar kung saan itinuring niyang espesyal na paraiso para sa kanilang dalawa. Ilang linggo rin siyang hindi lumabas ng kaniyang kuwarto hanggang pumunta sila ng kaniyang ama sa Australia. Lexus tried to talk to her but she refused . At ito nga ang una nilang pag-uusap sa nakalipas na limang taon.  Siguro closure lang ang kulang para makapag-move on din siya. Alam niyang mahirap, she was indenial noong nasa Australia siya. She treasured her relationship with Lexus as well as their friendship pero totoo nga na may masakit ang magbulaglagan kaysa harapin ang katotohan. Alam ni Dianna na hindi lang naman siya ang nahirapan, siguro everything happens for a reason. Malungkot na ngumiti si Dianna, kahit kanina pa nakaalis si Lexus nakatingin pa rin siya sa pintuan nilabasan nito. Kung gusto niyang makalimot kailangan niyang tulungan ang sarili niya. Huwag ipilitan ang lahat dahil sa bandang huli siya lang din naman ang masasaktan, at bakit pakiramdam ni Dianna nangyari na ito sa kaniya noon? "Ano ito deja vu?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD