Carlos' POV "Coreen!" bulalas ni Carlos, nang nahimasmasan sa pagkabigla. Binalingan siya ng tingin ni Coreen. "Kaya ko pang magpigil sa ngayon." Kahit matagal niyang hindi nakasama si Coreen, at kahit pa sabihin na kababata niya ito, ang hirap pa rin hulaan ang nasa isip nito. Alam niyang hindi basta-bastang babae ito, minsan mas nakatatakot pa ito sa ama nito. Nakahinga nang maluwag si Carlos nang ibinaba ni Coreen ang nakatutok na baril nito kay Leon. "Ipagdasal mo Leon na katanggap-tanggap ang dahilan mo kung bakit mo itinago si Dianna, ilang ulit mo ba akong dudurugin?" malamig na turan ni Coreen at mabilis na humakbang palabas ng pintuan. "Damn! Muntik na ako roon, walang duda na isa ngang Alegre si Coreen," pahayag ni Charles. "But..." alinlangan na dagdag ni Charles. Napati

