Carlos' POV “ANO! Lumaban ka!” nanggagalaiting sigaw ni Carlos kay Leon. Halos nabaliw na siya sa pangungulila kay Dianna pati na rin ang kaniyang mga anak tapos ito pa ang nadiskubre niya? Hindi niya lubs akalain na si Leon lang pala ang nagtago kay Dianna, paano nga naman nila makikita ang katawan ni Dianna kung may walanghiyang taong kadugo niya ang nagtago rito? Habang miserable siya itong traydor niyang kapatid ay kapiling ang ina ng kaniyang mga anak. “Paano mo ito nagawa sa akin Kuya? Paano mo naatim na ipagkait sa akin at sa mga anak ko si Dianna?” galit na panunumbat ni Carlos kay Leon. “Masyado kang makasarili! Traydor! Napaigik si Leon sa sunod-sunod na pagsuntok ni Carlos dito. Kung hindi niya lang ito kapatid ay baka mapatay niya ito sa bugbog. Nalingon si Carlos sa

