Dianna's POV TATLONG araw na ang nakalipas matapos ang kanilang simpleng engagement party ni Carlos at bukas babalik na sa Batangas sina Roxanne kasama si Papa Danilo niya, halos hindi si Dianna nakatulog nang gabing iyon. Tikom din ang mga bibig ng kaniyang magulang, ewan niya lang kung may alam ang kaniyang kambal pero knowing her sister Coreen baka matagal na nga nitong alam na ang kaniyang Papa Danilo ang tunay na ama ni Leon. Nahhati ang nararamdaman niyang awa sa mag-ama, nasabi na rin ng kaniyang amang si Danilo na ayaw raw dalhin ni Leon ang apelyido ng sariling ama. Naintindihan naman niya ang pinanghuhugutan ng lalaki, siya ba naman ang itakwil at isisi rito ang lahat, baka hindi niya ring kayang palitan ang apelyido niya. Iba talaga maglaro ang tadhana at kapalaran sa mag-am

