CHAPTER FORTY-Six KAHIT nabitin silang pareho ni Carlos naging masaya naman ang gabi nilang dalawa. Katabi nilang matutulog ngayon for the first time ang dalawa nilang anak napagitnaan nila ang dalawang bata nagkatingan pa sila at parehong napangiti. "Yehey! I am so very happy right now!" maaayang sigaw ng anak niyang si Drei Napahagikhik naman si Dianne. "We are now a happy family," dagdag ni Dianne, nagtawanan naman ang mag-ama. Pagkatapos nagkulitan at nagkuwentuhan ay nakatulog na ang dalawa. Parehong gising pa sila ni Carlos at tahimik na pinagmamasdan ang mahimbing na pagtulog ng mga anak nila. "Thank you for everything," turan ni Carlos. Ngumiti siya rito. "Thank you rin, sa pag-alaga kay Dianne kahit wala ako noon." Natulog siyang may ngiti sa mga labi. Ito ang unang pagka

