Dianna's POV Walang nagawa si Dianna kundi ang gawin ang gusto ni Samantha, dinampot ni Dianna ang maliit na notebook at ballpen hindi pa man siya nangangalahati ng biglang may tatlong sunod-sunod na putok ng baril na umalingawngaw. Napamura naman si Samantha, "Punyeta!" Napatigil din si Dianna sa pagsusulat, nahuli niya ang pasimpleng pagsenyas ni Melody sa kaniya. Kumunot-noo si Dianna, nang nakuha ang ibig sabihin ni Melody. "Boss, si Alegre nakatakas!" imporma ng kapapasok lang na tauhan ni Samantha, putok ang kilay nito. "Paano nakatakas? Mga inutil!" singhal ni Samantha sa lalaki, "habulin ninyo!" Mabilis naman na tumalima ang dalawang lalaki na halatang parang binuhbog. "Marami kang dapat ikuwento Coreen sa akin," sa isip ni Dianna. Dinukot ni Samantha ang cell phone nito at

