Dianna's POV "Dianna!" bulalas ni Coreen nang tinanggal ng may hawak dito ang telang nakatakip sa mga mata ng kaniyang kambal. Akmang lalapit ito sa kaniya nang mabilis na hinawakan muli ng dalawang tauhan ni Samantha si Coreen. "Ano na Dianna? Magmamatigas ka pa rin ba?" nakataas-kilay pang tanong ni Samantha, habang si Melody ay tahimik lang na nakatayo sa likod ni Samantha. "Walang-hiya ka talaga Samantha!" Nagulat si Dianna nang sumigaw si Coreen. "Isa ka pa!" Kitang-kita ni Dianna ang paglapat ng kamay ni Samantha sa pisngi ng kaniyang kapatid. "Itali iyan!" sigaw nito sa dalawang lalaki na may hawak sa kambal niya. Wala siyang nagawa kundi ang tingnan lamang ang kaniyang kambal habang nagpupumiglas sa humahawak dito. "Humanda ka sa akin Samantha kapag nakawala ako rito!" galit

