Dianna's POV MASAKIT ang ulo ni Dianna, nang nagising siya. Medyo disoriented pa siya, kinapa niya ang kaniyang ulo at naramdamang may nakabalot na tela rito. "Ano ang nangyari?" mahinang tanong ni Dianna, sa kaniyang sarili. "Mabuti naman at nagkamalay ka na, Dianna pinag-alala mo kami nang husto ni Mama," tila nabunutang-tinik na wika ni Roxanne, sa kaniya. Kahit hindi ito magsalita halata sa maamong mukha ni Roxanne na nag-aalala ito. Kahit ano'ng layo at iwas ni Dianna kay Roxanne hindi niya kayang tiisin ito. Nagtatakang tiningnan niya ito. "Bigla-bigla ka na lang natumba kanina, mabuti na lang at hindi ka tuluyang nahulog sa hagdan at tanging maliit na sugat lang sa noo ang natamo mo," pagkukuwento ni Roxanne sa kaniya. It happens again. "W-wala kang naaalala?" nagtatakang t

