Dianna's POV LULAN ng itim na SUV Mecedes-Benz, tahimik lamang siya. She can't believed that her own father kidnapped her! Iba talaga ito mag-isip, hindi na nakapagtataka kung saan siya nagmana. "Kailangan ba talagang kidnapin ako para sumama sa iyo?" Nilingon niya ang ang kaniyang ama. Inayos nito ang suot na sumbrero at tumikhim. "Sasama ka ba sa akin kung bigla na lang akong nagpakita sa iyo?" Pumikit siya para pigilan ang inis na nararamdaman. "Bakit ngayon ka lang nagpakita?" Mukhang hindi man lang ito tumanda. Ngumiti lang ito at tiningnan siya. Ang tagal niyang hindi ito nakasama. Miss ma miss na niya ito. "Ayaw kong malaman nilang buhay ka pa, Dianna," mahinang sagot nito. Nabuhay sa takot at kaba sa kaniyang dibdib. Hindi pa ba tapos? Akala niya tapos na ang lahat? Tin

