PROLOGUE
PUMASOK sila ng kaibigan sa isang sikat na Hotel kung saan may isang event na gaganapin. Wala sana siyang balak sumama, busy siya sa paghahanap ng bago niyang trabaho, but she cannot say 'no' to Charlton kaya pinagbigyan niya na lang ito.
Hatak-hatak ang kanyang kamay ay dinala siya nito sa isang grupo ng mga guwapong kalalakihan.
"Hello there." Untag sa mga ito ni Charlton.
Lumipat ang tingin ng mga lalaki sa kanilang magkaibigan. ‘Yung iba ay nakilala niya na noon pero may isa do'n na hindi niya pa nakikilala ng personal pero sa isip at puso niya ay kilala niya na ito, matagal na.
"Aeon," Tawag pansin ni Charlton sa lalaking walang emosyon sa mukha. Tumingin ito sa kaibigan niya at itinaas ang dalawang kilay na para bang nagtatanong ng 'Bakit?' "I want you to meet my friend, Xarra Salcedo. Ikaw na lang kasi ang hindi niya nakikilala."
"Okay, nice to meet you, Miss Salcedo.”
Napapitlag siya sa boses ng lalaki. 'Yung boses na malamig pero ang sexy sa pandinig. Inangat nito ang isang kamay sa tapat niya kaya lang mas nakatutok ang atensyon niya sa gwapong mukha ng kaharap. Hanggang sa ibinaba na lang nito ang kamay.
"Hey, hindi mo man lang ba papansinin si Aeon? Gusto mo bang masambunutan ng mga babaeng hindi nagkaro’n ng chance makilala ang pinsan ko?"
"Ha? Ano... Hmm, ano kasi…”
"That's fine, no need to explain." Mataman lang siyang tinignan ng lalaki saka muling ibinalik ang mata sa mga kausap nito.
"Ano ka ba naman Xarra? Parang wala ka na naman sa sarili.”
Hinila na ulit siya ni Charlton kung saan naroon ang mga pagkain.
"Pasensya na, nabighani kasi ako kay Aeon. Totoong tao ba siya? Bakit sobrang guwapo?" Charlton chuckled. "Kaya lang hindi mabanat ang mga labi niya para ngumiti."
Hindi niya akalain na gano'n pala si Aeon sa personal. Para bang hindi approachable at medyo intimidating ang lalaki.
"Gano'n talaga si Aeon hindi talaga uso sa kanya ang mag-smile pero mabait naman ang pinsan ko.”
Tumang-tango lang siya sa sinabi ng kaibigan.
Kinalikot niya ang camera na nakasukbit sa leeg saka tinignan ang mga larawan ng iba't-ibang klase ng bulaklak at halaman do’n. Maya-maya lang ay muling naglikot ang kanyang mata para hanapin ang lalaking nagpabighani sa kanya.
"Baka matunaw 'yan." Pinaikutan niya lang ng mata si Charlton nung mapansin ang malalagkit na tingin niya kay Aeon. Inangat niya ang kanyang camera saka ninakawan ng mga shots si Aeon. "Magagalit sa’yo 'yan kapag nakita kang ninanakawan siya ng mga litrato.”
Nilingon niya si Charlton saka inilabas ang kanyang dila at ibinalik muli ang atensyon sa kanyang camera para lamang mamilog ang kanyang mata dahil nakikita niya sa lense na naglalakad sa gawi niya ang taong biniyayaan ng pagiging perpektong nilalang.
"Oh-oh, here he is. I think I need to leave. See you around, Xarra." At ang kaibigan niyang maganda ay iniwan siyang mag-isa.
"What do you think you were doing, woman?" Bakas sa boses ng lalaki ang pagkairita sa kanya.
Dahan-dahan niyang ibinababa ang camera at nginitian ito kahit pa ramdam niyang nanginginig ang mga labi ay pinilit niya pa rin ngumiti.
"Hindi naman ikaw ang kinukuhanan ko."
"Sa bibig mo na mismo na nanggaling na kinukuhanan mo nga ako ng mga litrato, Miss Salcedo."
"Ang sabi ko hindi, bingi ka ba?”
Luminga ito sa paligid na para bang sinisigurado na walang nakarinig sa sinabi niya, saka naglakad palapit lalo sa kanya.
"Alam mo bang pwede kitang idemanda dahil d’yan sa ginagawa mong pagnanakaw ng mga litrato?"
"Walang batas na nagsasabing bawal kuhanan ng mga litrato ang kahit na anong bagay."
"Pero hindi ako bagay, Miss Salcedo." Nakakatakot na bulong nito. "I can sue you anytime I want."
Agad niyang naamoy ang mabangong hininga ng binata na tumama sa maganda niyang mukha.
"Wala akong ginagawang against sa’yo Aeon kaya hindi ako natatakot.”
“Uh, really? Kaya pala halos hubaran mo na ako the way you look at me kanina," Nag-init ang magkabilang pisngi niya dahil totoo iyon! "Tapos kinuhanan mo pa ako ng mga litrato without my permission."
"I can delete your photos.” She lied. Masyadong magaganda ang mga kuha niya kay Aeon para burahin lamang iyon. "And to tell you this, hindi kita pinagnanasaan ‘no!”
"Then look at me in the eyes if you weren’t.”
Galit na nag-angat siya ng tingin sabinata para lamang maramdaman ang malambot na bagay na dumampi sa kanyang labi! Bumaba ang tingin niya sa magkalapat nilang labi. Mukhang ito ay nagulat din at ito mismo ang lumayo sa kanya saka ngumisi.
"You kissed me!" Dinuro niya ito. "You rape my lips!"
“Woah!”
"Sasampahan kita ng kaso!”
"We would like to acknowledge the presence of our former Vice-President Matthew Stewart, together with his lovely and beautiful wife, Mrs. Mandy Lane-Stewart!”
Sabay na dumako ang mata nila ni Aeon sa dalawang tao na magkahawak ang kamay na pumasok. Nakikita niya na ito sa mga magazine at showbiz news pero iba pala talaga kapag personal mo nang nakita.
"Don't look at my dad." Sita sa kanya ni Aeon.
"Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ko nga kilala 'yung daddy mo." Inirapan niya ito sabay inangat ang camera para kuhanan ng litrato ang mag-asawa. "They are perfect!” Xarra is in awe!
Kukuhanan niya sana ng litrato ang mga ito nang iharang ng lalaki ang palad sa lense ng camera niya.
"My mom will sue you kapag pinagpatuloy mo pa 'yang pagnanakaw ng litrato sa daddy ko."
"Sila ang parents mo?" Namamangha na tanong niya at biglang napatayo. "Mas gwapo sa’yo ang daddy mo kasi lagi siyang nakangiti."
Dumilim bigla ang gwapong mukha ni Aeon at pinukol siya ng masamang tingin. Grabe rin itong lalaking kaharap, hindi na nga palangiti ang sama pa makatingin.
“Okay, mas guwapo ka na sa dad mo at mas maganda rin ang katawan mo sa kanya. Ilan packs ba ang meron ka?" Ngumisi syia dito. "May abs ka?"
"Shut up."
"Siguro wala kang abs."
"I said shut up!"
"Wala kang abs kaya ayaw mong ipa-aray!” Mahigpit na hinawakan nito ang palapulsuhan niya at hinila papasok sa isa pang room na naro’n. “Ho! Bitiwan mo nga-aray naman!" Reklamo niya ulit ng ibalandra siya sa kama. "Nakakadami ka na ha!” Singhal niya habang hinihilot-hilot ang wrist na numumula. Ang sensitive ng balat niya sa totoo lang!
Nag-angat siya ng tingin kay Aeon nang makitang nasa sahig na ang suot nitong coat. He’s unbottoning his polo shirt at the moment. Tuluyan na siyang pumatong sa kama at nagtalukbong. Kinakabahan!
"Aeon, ano ba ‘yan…huwag ka ngang maghubad sa harap ko! Kung naiinitan ka maligo ka o kaya itutok mo ang katawan mo sa aircon. Huwag mong ibalandra ang katawan mo sa harap ko kasi hindi ko pinagpapantasyahan ang mga lalaking walang abs."
"Look at me." Utos nito pero hindi niya sinunod. "Don't make me wait, Miss Salcedo."
Maya-maya lang ay marahas na hinila ng binata ang kumot na nagtatakip sa buo niyang katawan at literal na napanganga nang makita ang isang Aeon Stewart na nakatayo sa harap niya, proud na proud ibandera sa kanya ang mga pandesal nito sa tiyan!
"Ma-may abs ka!” Para syiang naglalaway habang pinagmamasdan ang magandang katawan ng binata. "May abs ka nga!”
"Stupid." He murmured.
Inirapan niya ito at akmang tatayo na nang paibabawan siya nito.
"I'll let you touch every inch of me then after this, ayoko nang makita ka ulit, understand?"
Nanigas ang katawan niya nang maramdaman ang matigas na bagay sa bandang hita niya. Is that his belt?
"Yung belt mo, natutusok ako.”
Iniharang niya ang dalawang kamay sa pagitan nila para hindi tuluyang magdikit ang kanilang katawan.
Nanatiling nakatingin lang ito sa mukha niya, samantalang siya ay halos hindi na makahinga sa posisyon nila.
“Aeon, m-may tao… kanina pa tumutunog 'yung doorbell." Tumingin siya sa may pintuan at napatili ng idinagan ng binata ang katawan sa kanya.
"Let's have some fun Xarra. I know you want this."
"Anong you want this? Umalis ka nga!” Tinulak niya ito at dali-daling tumayo. "Baliw ka ba?"
"Open the door.”
Imwinestra nito ang pintuan na para bang wala lang dito kung may makakita man ditong nakatopless, siya naman si tanga ay binuksan nga ang pinto.
"What the hell, Aeon?!” Isang galit na guwapong lalaki ang bumungad sa kanila ng buksan niya ang pinto. "Magbihis ka na. Kanina mo pa pinaghihintay ang mga tao!” Bumaling ang daddy ni Aeon sa kanya. "Who are you?" He asked her.
"Xarra Salcedo po." Nakayukong sagot niya. "Pasensya na sir, si Aeon po kasi bigla na lang akong dinala rito nung sabihin kong mas guwapo kayo kesa sa kanya.”
Narinig niya ang mahinang pagtawa ng lalaki at nung mag-angat siya ng tingin ay wala naman siyang nakitang emosyon sa mukha nito.
"Let's go dad.”
Binangga pa siya ni Aeon ng lumabas sa silid. Bastos din talaga ang lalaking ‘to!
"Follow us Xarra, I will introduce you to my wife."
"Dad," Boses ‘yon ni Aeon na halatang hindi sang-ayon sa sinabi ng ama.
"Ipapakilala ko lang siya Aeon ,besides Xarra looks good. Hindi naman siguro siya gagawa ng ikakapahiya niya. Right, Xarra?”
Tumango lang siya sa daddy ni Aeon at sumunod lang sa mag-ama.
"Muli, ay aming pong ipinakikilala ang susunod na punong lungsod ng ating Siyudad, Mayor Aeon Stewart!”
Halos mabali ang leeg niya nang lingunin si Aeon na paakyat na ngayon sa stage. Gusto niya ng mabingi sa lakas ng palakpakan at hiyawan ng siguradong mga kaibigan ng binata.
"Mayor? Ang walang hiya na 'yan magiging mayor?" Inis na usal niya at umupo sa upuan sa tapat.
Crush niya talaga ang binata dati pa, pero may pagkamagaspang pala ang ugali nito. Totoo pala ang napanood niya no'n sa TV news about his candidacy.
Ibinigay ng host ang mikropono sa binata upang bigyan ito ng pagkakataon magsalita.
"Marami po ang nagtatanong kung bakit ang isang Aeon Stewart ang napili bilang punong lungsod, samantalang wala naman daw po akong alam sa pulitika. Ano nga ba para sa isang Aeon Stewart ang pulitika?”
Huminto ito saglit at tumingin sa magulang nito na nakaupo sa harap kasama ang kambal nitong isang sikat na artista sa bansa, si Saleen.
"Ang sabi sa’kin ng daddy ko ang pulitika ay parang isang laro kung saan maraming tao ang involve at kung saan masusubok ang tiwala mo upang piliin ang tamang taong karapat-dapat maging kakampi para makasama mo sa isang laban. And to cut the story short, ako si Aeon Stewart ang napili ng ating kasalukuyang Punong Lungsod upang ipagpatuloy ang magandang laro na kanyang nasimulan. Asahan po ninyo na mas magiging ma-unlad pa ang ating lugar kapag ako po ang pinagkatiwalaan niyong maging susunod na Mayor ng ating Siyudad!"
Isang malakas na palakpakan na naman ang namayani sa lugar at halata sa mga naroon ang pagsuporta sa binata lalo na sa mata ng pamilya nito. Proud na proud ang mga ito kay Aeon.
Napahawak siya sa kanyang dibdib nang magtama ang mata nila ni Aeon at nagwala na parang tigre ang puso niya nang makita ang pag-angat ng isang sulok ng labi nito na para bang sinasabing...
'I am Aeon Stewart, don’t try to mess with me.’