NANGHIHINANG tinignan niya ang pataas na kalsada kung saan kailangan nilang lakarin dahil may mga kabahayan pa do'n na gustong makita ni Aeon. "Claudette." Tawag niya sa dalagita na dinadamayan siya sa mabagal niyang paglalakad. "Bakit ate Xarra?" "Itulak mo nga ako paakyat napapagod na talaga ang mga paa ko. Bakit kasi kailangan pa tayong sumama kay sir boss mayor." Umupo siya sa ilalim ng puno at uminom ng tubig. "Come here, magpahinga muna tayo wala pa naman sila." Tumingin naman ito sa likuran nito. "Nandyan na kaya sila boss Aeon, look." Matamlay na tinignan niya kung saan ito nakatingin. Ang gwapong-gwapong si Aeon lang naman ang nakapagpatayo sa kanya at nagpabilis na naman ng pintig ng puso niya! Nakasuot ito ng puting cap at ray ban sunglasses kaya tuloy mukha itong artista

