LALABAS na sana siya sa silid ng magulang ni Aeon nong makita niya ang binata sa hagdan kausap ang mommy nito. Kadarating lang kasi ni tita Mandy galing sa Italy at ipinakita sa kanya ang pasalubong na mga damit at gamit para sa baby nila ni Aeon. Pati siya ay may mga pasalubong din. "Xarra left me. I need to find her and explain my side. I know she was mad at me for kissing Liberty, I want her to know that was a part of the plan… to make everything's alright for us and for our baby. Isa pa wala lang sa'kin ang halik na iyon dahil siya lang naman ang babaeng gusto kong halikan." Mabilis pa sa alas kwatro na pumasok ulit siya sa loob at sinapo ang dibdib niya dahil sa biglaang pagkabog no'n. Umiling-iling siya, hindi dapat siya kiligin mula sa narinig kay Aeon kasi galit siya dito pero hi

