NANLILISIK ang mga mata ni Celine na nakatingin sa kanya. Pakiramdam niya gusto na siyang lapain ng kaibigan ilan sandali pa. Nasa sala sila ng condo unit niya at nag iinum-inuman. Kadarating lang nito galing sa bakasyon na wala siyang ideya kung saan. "Alam mo Xarra, hindi na talaga kita kilala. Bakit ka pumayag sa kasal na ‘yan? Nawala lang ako ng ilang araw pero heto ka't magpapakasal nalang bigla-bilgla sa Austin na iyan!" Sermon sa kanya nito. "Hindi mo naman ako naiintindihan Celine eh, ginagawa ko lang ang lahat ng ito para sa magulang ko para sumaya na sila." "Hindi mo man lang ba inisip ‘yang kaligayahan mo? Naiintindihan ko na mahal mo ang magulang mo pero mali talaga itong naging desisyon mo. Mag-isip isip ka Xarra, may ilang oras ka pa para mag-isip." Malakas itong bumuntong

