GINAGAP niya ang kamay ng ama na animo'y mahimbing na natutulog sa loob ng pribadong kwarto ng Hospital kung nasaan ito namamalagi. May mga aparato na nakakabit dito na nagsisilbing materyal na instrumento upang madugtungan pa ang buhay nito. "Dad, sana gumising ka na. Alam kong naririnig mo ako, I'm sorry daddy kung binigyan kita ng sakit ng ulo. Hindi ko rin po talaga inaasahan na susuwayin ko kayo, siguro gano'n po talaga minsan ang mga anak. Hindi namin namamalayan na nasasaktan na pala kayong mga magulang dahil lang sa sariling kagustuhan na ginagawa namin, pero labag naman po pala sa inyo." Humilig siya sa kama, sa tabi ng kamay ng ama. “Daddy, gusto ko pong sabihin sa inyo na pinagsisisihan ko na lahat ng nagawa kong pagkakamali. Handa ko na po ituwid lahat ng baluktot na paniniwa

