"BAKIT ka umalis?" Napaigtad siya nang marinig ang boses ni Aeon. "Bakit hindi mo ako ginising?” Umupo ito sa katapat na upuan niya, kumakain kasi siya ng almusal. "A-ayoko kasing distorbohin 'yung tulog mo sir boss mayor." Sagot niya nang hindi ito tinitignan. Nahihiya siya sa ginawa nila kagabi at ilan beses nilang ginawa ang bagay na 'yon! "Bakit hindi ka makatingin sa’kin, Miss Salcedo? Samantalang kagabi ang lakas-lakas ng…” "Stop!" She glared at him. "And eat." Inurong niya rito ang isang plato na may pancake. "Kainin mo 'yan para hindi masayang." Sinunod naman ni Aeon ang sinabi niya. Buti pa itong lalaking 'to ang aliwalas ng mukha samantalang siya ay halatang walang tulog dahil sa kagagahan niya. "Hindi ka ba nakatulog?" He asked. "H-hindi masyado." "We can go back to my

