Kabanata 28 "Ang tagal mo naman sa Cr, Hera. Teka, bakit yata mugto ang mga mata mo? Umiyak ka ba?" nag-aalalang tanong ni Mich. Hindi ko pinansin ang pagtatanong ni Mich sa akin. Pabalyang umupo agad ako sa bakanteng upuan. Wala na ang dalawang katabi ko kaya mabilis akong nakaupo ng ayos. Marahil ay nagsasayaw na naman sila Emily. Hinagis ko ang bag sa aking tabi at naiinis na ipinaltok ko ang aking cellphone sa sahig kaya nagkahiwalay hiwalay ang bawat parte nito. Hindi ko naramdaman ang panghihinayang sa nasirang gamit bagkos ay galit at sakit ang aking nadarama. Wala na namang pakinabang ang cellphone na iyon para sa akin kaya pwede nang itapon. Napahawak ako sa parte ng aking dibdib ng naramdamang kumirot ito. Hindi ko aakalaing may iba sya! s**t! Akala ko ako lang pero hindi

