Kabanata 27

4134 Words

Kabanata 27 Kasalukuyan kong ipinapasok ang aking mga gamit sa bag. Mabilis ang bawat pag-galaw na ginagawa ko, kailangan ko na kasing magmadali dahil kanina pang nag-iintay sina Mich sa parking lot. Kanina pa sana ako nakapunta sa parking lot pero ilang minuto pa akong napatulala ng matagal dahil sa pag-iisip kay Boss Tyron.Hindi pa kasi sya natawag at nagtetext sa akin.Pa-tatlong araw niya na akong hindi ki-no-kontak.Kagabi pa ako hindi mapakali sa kakaisip na baka may nangyari na sa kanyang masama. Sinubukan ko syang tawagan at i-text pero hindi niya naman sinasagot kaya maghapon na akong lutang sa pag-aalala sa kanya. Malalim na humugot ako ng hininga. Baka busy lang talaga sya. Ipinilig ko ang aking ulo para maalis sya sa aking isip. Kahit sandali lang. Ayoko munang mag-alala.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD