Kabanata 26

2052 Words

Kabanata 26 "Hoy, Hera! Hintayin mo ako." hinihingal na sabi ni Mich. Tumigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang aking pangalan. Pumihit ako patalikod para harapin si Mich na ngayon ay nakayuko habang hinihingal. Nakapamaywang na pinanlakihan ko sya ng mata. "Ang bagal mo kasing kumilos.Saan ka ba nagpunta? Kanina nasa likod lang kita tapos nawala ka na agad. Akala ko nga umuna ka na." Ngumuso lang sya sa sinabi ko.Nag-tataka talaga ako sa babaeng 'to. Bigla-bigla na lang nawawala. "Pasensya na may asungot kasing humarang sa dinadaanan ko eh." nakalabing paliwanag niya. "Asungot? Iyong manliligaw mo? Hinarang ka na naman ng isang gwapong nilalang?" nang aasar na sabi ko. Nang marinig niya ang sinabi ko ay pinanlakihan niya ako ng mata pagkatapos ay inirapan niya ako ng todo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD