Kabanata 12 Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata pero agad ko rin itong ipinikit nang masilaw ako sa liwanag na nanggagaling sa may bintana. Kinusot kusot ko ang mata ko para makapag-adjust ang paningin ko. Nanlaki agad ang mga mata ko ng mayroon akong naalala. Teka, kailan pa ba ako nagkaroon ng bintana sa kwarto ko? Ang pagkakaalam ko'y sa salas lang mayroong bintana ang apartment na tinitirhan ko. Napabalikwas ako nang bangon. Hindi ko ito bahay. Nakidnap yata ako. Sisigaw na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan sa may kanang bahagi ng kwarto. Napatakip ako ng bibig dahil sa sobrang gulat. May lumabas na sobrang gwapo at sobrang kisig na nilalang. Isa siyang greek god. Isang greek god na habulin ng lahat ng kababaihan at pati beki. Napakagat labi ako. Imbis na iiwas k

