Kabanata 13 "I'm sorry, Boss" malungkot na sabi ko. Ipinungay ko pa ang mga mata ko para malaman niyang nagsisisi ako. "Please, patawarin mo na po ako. Hindi na po mauulit. Hindi ko na po talaga kayo kakagatin sa ilong. Please, huwag mo na pong bawasan ang sahod ko. Pakiusap Boss." pamimilit ko sa kaniya. Pero ang hinayupak kong boss ay inirapan lang ako ng todo. Napalabi na lang ako. "Please" tinapunan niya lang ako nang masamang tingin dahil sa pamimilit ko sa kaniya. Napabuntong hininga na lang ako. Tumayo ako mula sa pagkakaluhod. Pabalya akong umupo sa sofa niya. Nakangusong pinagmamasdan ko lang si Boss habang naglalagay siya ng Band aid sa ilong niya. Napanguso ako. Hindi ko maiwasang ma-guilty sa ginawa ko. Nakakahiya talaga. Kung bakit ba naman kinagat ko pa siya sa ilong. Nap

