Kabanata 14 Malawak ang mall na pinuntahan namin. Sa sobrang lawak ay halos hindi mo na malilibot ang buong mall sa isang araw lang. May mga rides din na pwedeng sakyan ng mga bata at mga matatanda. Maraming mga tao ang namamasyal sa mall kaya napa-higpit ang kapit ko sa tuxedo ni Boss dahil baka mamaya ay maligaw ako. Paniguradong hindi na ako makakalabas dito. Maraming tao ang nakatingin sa aming dalawa. Wari'y pinagmamasdan ang bawat galaw namin. Karaniwan sa mga tumitingin sa amin ay mga babae. Kada lumalampas kami sa kanila ay lagi silang nagbubulungan. Minsan nga ay nakikita kong ini-irapan ako ng mga babaeng nakakasalubong namin at tsaka sila tatawa na para bang nang-i-insulto. Gusto kong umiwas o kaya magtago pero hindi ko magawa. Naiilang ako dahil hindi ako sanay sa ganitong

