NAGISING si Kylie dahil sa ingay ng alarm clock niya. Inis na hinampas niya ang tuktok ni'yon para huminto at nangangamot sa ulo na napilitan siyang bumangon. Gusto pa sana niyang matulog pero hindi pwede.
Wala naman siyang pakialam sa immersion nila, ang tanging iniisip niya ay si Rome. Ayaw niya na isipin nito na wala siyang paninindigan at walang isang salita.
Umalis na siya sa ibabaw ng kama at dumiretso sa banyo para maligo. Pagkatapos naupo siya sa harap ng vanity mirror niya para mag-ayos. At nang makapaglagay ng konting make-up, nagbihis na siya ng pang corporate. Bitbit ang mga gamit niya na lumabas ng kwarto.
Didiretso sana siya sa kusina para mag-almusal nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Nang makita niyang si Rome ang tumatawag ay agad niya iyong sinagot.
"Ro—"
"Ms. Alcantara," anito na nagpatigil sa kanya.
"Y-yes, Sir?" napilitan siyang gamitin ang tawag niya rito sa opisina dahil professional ang ginawang pagtawag nito sa kanya.
"Please buy me a coffee. Dark coffee, no sugar," sabi nito pagkatapos ay agad na rin pinutol ang linya.
Kunot ang noong tinitigan niya ang screen ng cellphone niya. Iniisip niya kung ganito rin ba si Rome sa sekretarya nitong si Mayet. Pero kahit na ganu'n lang ay masaya pa rin si Kylie kasi kailangan siya nito.
"Hindi ka po mag-uumagahan muna, Ma'am Kylie?" tanong sa kanya ni Sundy nang hindi siya tumuloy sa dining room.
"Hindi na. May kailangan akong bilhin at baka magalit ang dragon kong boss," aniya na humakbang na palabas ng bahay at nagpahatid sa driver sa opisina.
Bago siya nagadiretso sa opisina ay dumaan muna sila sa mamahaling bilihan ng kape. Inorder niya ang gustong kape ni Rome. At nang mabili na niya ay agad na siyang dumiretso sa opisina.
Pagkarating niya sa building ay agad siyang dumiretso sa pribadong opisina ni Rome. Nahinto siya sa pagpasok nang madatnan niya doon ang isa sa kaibigan ni Rome na si Jerusalem.
Halata sa mukha nito ang pagkabigla nang makita siya. Hindi niya alam kung bakit pero wala siyang pakialam 'dun. Humakbang siya papasok sa loob.
"Good morning, Sir. Here's your coffee." Inilapag niya iyon sa lamesa nito.
"Salamat, Ms. Alcantara."
"Welcome, Sir," pagkasabi ni'yon ay agad na rin siyang lumabas ng kwarto at dumiretso sa pwesto niya na nasa labas ng opisina ni Rome.
Inabala ni Kylie ang sarili niya at nakalimutan ang pagkain ng almusal. Eksaktong tanghalian nang matapos siya sa pag-aayos ng mga file ni Rome sa cabinet.
Napatingin siya sa bumukas na pinto ng opisina ni Rome at iniluwa niyon si Rome at ang kaibigan nitong si Jerusalem. Ngayon lang din natapos ang mga ito sa pag-meeting ng silang dalawa lang.
Huminto si Rome sa harap ng table niya. "May meeting ako at sasama ka sa'kin," anito.
"Ako sasama? Bakit?"
Nangunot ang noo nito. "You are my sub-secretary, natural lang na ikaw ang isama ko sa mga meeting ko inside or outside the company."
"O-okay, Sir."
"Let's go." Nauna na ang mga itong naglakad papunta sa elevator.
Dali niyang kinuha ang bag niya tsaka sumunod sa mga ito.
Sa isang mamahaling restaurant ginanap ang meeting. Nakaupo siya sa kanan ni Rome habang nakikinig at tini-takedown notes niya ang mga mahahalagang bagay na naririnig niya.
"Nagbago ka na pala ng sekretarya mo, Mr. Santhunder," maya'y sabi ni Mr. Salamanca pagkatapos ng pag-uusap ng mga ito at ngayon ay kumakain na sila ng tanghalian. Si Mr. Santhunder ay siyang may-ari ng sikat na brand ng damit hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa labas ng bansa.
"Mahilig ka talaga sa magaganda," sabi pa nito.
Napatikhim si Rome pagkatapos nito sumimsim ng wine. "She's just my sub-secretary, Mr. Salamanca. Actually nag-ojt lang siya sa company."
Amaze na tumingin sa kanya si Mr. Salamanca. "Really? That's nice."
Halos magkaedad lang si Rome at si Mr. Salamanca, pero lamang lang ng isang paligo si Rome pagdating sa kagwapuhan.
"Sana sa company ko ka na lang nag apply for immersion. Kahit ilang damit ibibigay ko kung gusto mo," pagbibiro nito pero alam niyang may laman ang sinasabi nito.
Muling tumikhim si Rome. "Actually, Mr. Salamanca, Kylie is my stepdaughter. Natural lang na sa kumpanya ko siya mag-aapply. Isa pa, darating din ang araw na tutulong siya sa pag-manage ng company ko."
Natigilan si Mr. Salamanca. "Oh! Ganu'n ba?" Tila ito napahiya sa nalaman.
Lihim na napangiti si Kylie. Alam niyang pinoprotektahan siya ni Rome mula sa manyakis na kasosyo nito sa negosyo.
"Kapag gusto mo ng mga damit, You can go to any branch here in the Philippines. Just tell me and I'll give it to you the dress of anything you desire," sabi ni Mr. Salamanca sa kanya.
Tipid niya ito g nginitian. Gusto rin niya iyon dahil alam niyang hindi rin biro ang halaga ng mga damit na nasa ilalim ng brand nito. Isa pa, pwede niyang isama si Olga para makapag-shopping silang dalawa. Sasagot na sana siya nang muling magsalita si Rome.
"Thank you, Mr. Salamanca, But I can provide Kylie with the clothes she wants."
"I know, Mr. Santhunder, I'm just offering your daughter."
Nakita niya ang paggalaw ng panga ni Rome sa sinabi ng lalaki at nanatili na lang itong tahimik.
"Basta pumasyal ka lang sa kahit saang branch. I will inform my employees about you," baling ni Mr. Salamanca sa kanya.
Nginitian niya ito. "Thank you so much, Mr. Salamanca."
"You're welcome, Kylie."
Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam na rin si Mr. Salamanca at sila naman ay bumalik na sa opisina.
Papasok na sana si Rome sa opisina nito nang huminto at humarap sa kanya.
"May kailangan ho ba kayo, Sir?" tanong niya rito.
"About Mr. Salamanca, I want you to stay away from him. Huwag kang tatanggap ng kahit na anong libre mula sa kanya."
Napakunot noo siya. "Sinasabi mo ba 'yan bilang boss ko o bilang stepfather ko?" tanong niya rito.
"Both."
"Wala naman akong nakikitang mali kung tumanggap ako ng libre sa kanya dahil siya namam ang nag-offer."
"Kylie, hindi mo alam ang kabilaang issue tungkol kay Mr. Salamanca. He likes someone like you."
"Someone like me? Anong ibig mong sabihin, Rome?" lalong nangunot ang noo niya.
"What I mean... maganda ka, sexy at bata. Ang mga katulad mo ang tipo ni Mr. Salamanca."
Nagagandahan sa kanya si Rome! OMG! Gusto magtatatalon ni Kylie sa sobrang saya dahil sa mismong bibig nito niya narinig na nagagandahan ito sa kanya.
Napatingin siya kay Jerusalem na nasa tabi lang nito at muling itinuon kay Rome.
"So, nagagandahan at naseseksihan ka sa'kin?"
Saglit na natigilan si Rome. "Ms. Alcantara, pinapaalalahanan lang kita at wala akong ibang intensyon sa sinabi ko so, don't assume." Iyon lang at tumuloy na itong pumasok sa pribado nitong opisina at agad na sumunod si Jerusalem.
"SO, NAGAGANDAHAN ka sa anak-anakan mo?" taas ang kilay na tanong ni Jerusalem pagkasara ng pinto.
"Don't misunderstand that, Jer. Wala akong ibang ibig-sabihin sa sinabi ko. Isa pa, totoo naman na magandang bata si Kylie dahil nagmana siya kay Tanya," pagdadahilan niya.
"Hmmm... okay," anito na nakakapanlokong naka ngiti.
Nangunot ang noo niya. "Anong nginingiti-ngiti mo?"
Nagkibit ito ng balikat. "Kung hindi ko lang alam na stepdaughter mo siya, iisipin kong pinoprotektahan mo siya para sa sarili mo."
"Tang'na mo! Hindi pumapatol sa halos mag dalawang dalawang dekada ang tanda ko."
"Huwag kang magsasalita ng tapos dahil sa nakikita ko magagawa mong bumigay sa tukso ng dahil sa batang 'yan."
Natigilan siya at napapaisip kung bakit nito nasabi ang mga bagay na 'yon? Magagawa nga ba niyang magpatangay sa tukso kay Kylie?
Mabilis siyang umiling. No, hindi siya magpapadala kay Kylie sa tukso. Hinding-hindi mangyayari 'yun tulad ng ipinangako niya kay Tanya.
"Ang dami mong napapansin. Tapos na ang meeting, umalis ka na," pagtataboy niya sa kaibigan.
"Umiiwas ka lang sa usapan. Anyway..." Sinipat nito ang suot-suot na orasan. "I have to go, may hahabulin pa akong meeting with my Dad's lawyer."
"Ayun pa rin ba ang problema mo?" tanong niya rito.
"Ano pa nga ba? My f*****g dad wanted me to have a child with or without a wife," umiiling nitong sabi.
"Bakit ba kasi ayaw mong mag-asawa?" tanong niya.
"You know I'm not into marriage thing. And you know I'm afraid that I might end up like my father. Ayokong mangyari 'yun."
"Then maghanap ka na lang ng babaeng handang magpabayad mabigyan ka lang ng anak?" Pangit man pakinggap pero iyon ang suhestyon niya.
"Ganu'n na nga. Pero sino naman kaya ang papayag na gawin 'yon na hindi mahuhulog ang loob sa'kin?"
Nagkibit siya ng balikat. "Wag kang mag-alala, kung may kakilala ako sasabihin ko sa'yo," nakangiting sabi niya.
Tinapik siya nito sa balikat. "Sige, bud, alis na 'ko."
"See you when you see me."
Nang siya na lang ang naiwan sa opisina niya, hindi niya mapigilan ang mapaisip ulit sa sinabi ni Jerusalem. Magagawa nga ba talaga niya ang sinasabi nito? Magagawa nga ba niyang magpadala sa tukso dulot ni Kylie? Magagawa nga ba niyang pumatol sa anak ng asawa niyang si Tanya?
"Stop it, Rome! Stop thinking those f*****g s**t. You'll not ended up f*****g your wife's daughter. Never."