Chapter Ten

1241 Words
MAINIT nag ulong gumising si Kylie ng umaang iyon. Paanong hindi iinit ang ulo niya? Isang Lingo na halos hindi umuuwi si Rome sa mansion. Halata namang iniiwasan siya nito. Kahit masakit ang ulo niya dahil ilang araw na rin siyang kulang sa tulog ay napilitan siyang bumangon dahil kinakailangan niyang pumasok. Marami silang gagawin ngayon sa school dahil graduating na siya. Kinakailangan na rin niyang maghanap ng kumpanyang mapagtatrabahuhan para sa immersion niya. Pagkatayo niya ay agad siyang dumiretso sa banyo para maligo at pagkatapos ay isinuot na niya ang uniporme niya. Pagkatapos niyang mag-ayos ng sarili tsaka siya nagdesisyon ng lumabas ng kwarto at dumiretso sa kusina para kumain ng umagahan. Tinanong niya sa mga kasambahay kung umuwi ba si Rome kagabi, pero hindi pa rin daw. Dahil 'dun lalong sumama ang loob niya sa lalaki. Naisip tuloy niya masyado ba siyang naging agresibo? Pagkatapos niyang kumain ay nagpahatid na siya sa school. "May company ka bang mapaga-applyan ng ojt, Olga?" tanong ni Czarina. Si Czarina ay isa sa malapit nilang kaibigan ni Olga. Hindi nila ito nakakasama sa galaan dahil masyadong istrikto ang magulang. "Meron. Syempre sa company na namin," sagot ni Olga. "Ikaw, Kylie? May napili ka na bang kumpanya?" tanong naman sa kanya ni Czarina. "Wala pa," wala sa mood niyang sagot. "Bakit lalayo ka pa? Bakit hindi na lang sa company ng stepfather mo?" anito. Naisip na rin niya iyon pero hindi niya sigurado kung papayagan ba siya ni Rome na mag-ojt sa kumpanya nito. Isa pa, madaling natanong ni Czarina ang ganu'n dahil wala itong kaalam-alam sa nangyayari sa kanya ngayon. "Pwede rin naman, pero hindi ko pa alam. Pwede naman siguro ako sa kumpanya nila Olga kung hindi ako pwede 'dun," aniya. "Bakit naman hindi? Hindi ba kayo okay ng stepfather mo?" Nagkatinginan sila ni Olga paano ito lang naman ang may alam sa mga kalokohan niya pagdating sa stepfather niya. "We're fine. Pupunta pa lang ako dun ngayon para tanungin kung pwede ako dun mag ojt," aniya. Tumango-tango na lang ito at hindi na nagsalita pa. Pagkatapos ng huling subject nila ay inutusan ni Kylie sa driver niya na idaan siya sa company ni Rome. Pagkapos niya sa building ay pinagtitinginan siya ng mga empleyadong nandoon. "Si Rome?" tanong niya sa sekretarya ni Rome na si Mayet pagkarating niya sa floor kung nasaan ang pribadong opisina ng lalaki. "Nasa opisina ho niya. Hindi ho tumatanggap ng bisita si Sir Rome ngayon-" Hindi na niya pinatapos ang ibang sasabihin nito dahil bigla na lang siyang pumasok sa opisina ni Rome. Ganu'n na lang ang paghinto niya nang makita niya ang tagpo na nangyayari sa loob. May babaeng bisita si Rome at nakayakap ito sa leeg ng lalaki habang dikit na dikit ang katawan ng babae rito. Pagkakita sa kanya ni Rome ay mabilis nitong inilayo ang babae mula rito. "Kylie, what brings you here?" tanong nito nang makabawi sa pagkagulat. Matalim ang mga matang tiningnan niya ang babae at muling ibinalik kay Rome. Tumikhim si Rome. "Yvonne, I want you to meet Kylie, my stepdaughter. Kylie si Yv-" "I'm not interested to know," mataray niyang putol sa iba pa nitong sasabihin. Alam niyang na-offend ang babae sa sinabi niya, pero wala siyang pakialam. Tumikhim ang babae. "Sige, Rome, balik na lang ako sa ibang araw. Don't forget to call me, hmm?" Tipid na ngumiti si Rome sa babae. "Yeah." "Bye, Kylie," paalam nito sa kanya bago ito lumabas ng kwarto. "Bakit ka nandito, Kylie?" walang imosyong tanong sa kanya ni Rome nang silang dalawa na lang ang nasa kwarto. "Sino ang babaeng 'yon, Rome?" tanong niya imbis na sagutin ang tanong nito. Umupo si Rome sa swivel chair nito. "It's none of youe business." "Not my business? Kamamatay lang ni mommy, Rome. Nakakaya mo na agad siyang ipagpalit sa iba?" Matalim ang mga matang tiningnan siya nito. "Really? Coming from you? Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo, Kylie?" Natigilan siya. Alam niya ang ibig nitong sabihin. Hindi naman siya tanga para hindi makuha ang gusto nitong iparating sa kanya. Hindi siya nakasagot dahil alam niyang wala siyang laban 'dun. "Bakit ka nandito?" muling tanong nito. Nagbuntong-hininga siya. "I need a company for my ojt," sabi niya sa talaga namang pakay niya kung bakit siya nagpunta sa mga oras na iyon. Nangunot ang noo nito. "Gusto mo dito mag ojt?" "Kung pwede sana. Pero kung hindi naman ayos lang din. Dun na lang ako sa company nila Olga magtatrabaho." Hinilot nito ang sentido. "Wala pa akong sinasabi." Nagdial ito sa intercom. "Mayet, pumasok ka rito saglit," anito bago muling binaba ang telepono sa cradle. Agad namang pumasok si Mayet. "Yes, Sir?" "Tumatanggap ba ang company ngayon ng ojt?" tanong ni Rome rito. "Yes po, Sir. Na-inform na po iyon sa'yo last week. Bakit ho, Sir?" "Kylie need a company for her immersion." "Ganu'n ba sir? Bakit hindi mo siya kunin bilang secretary mo pansamantala, Sir? Habang wala po ako for a week." "She can't handle it-" "I can," agad na sagot niya. "You can teach me. Madali naman akong matuto." "See. Pwede ko siyang turuan ng ilang araw, Sir, kaysa maghanap pa ho kayo ng iba?" Halatang nag-aalangan na sumagot si Rome hindi ito agad makapagdesisyon. Pero hinihiling niyang sana pumayag ito. Pero sa huli ay tumango ang lalaki dahilan para lihim niyang ikangiti. "Sige. Ikaw na ang bahala sa kanya, and you." Tiningnan siya nito. "Lakarin mo na agad ang mga requirements mo for your immersion at nang makapagsimula ka na." Nginitian niya ito. "Okay. Thank you, Rome." NAPAKASAYA niya dahil hinayaan siya ni Rome na mag-ojt sa kumpanya nito, jaya inayos niya lahat ng mga requirements para makapag-umpisa na siya. Isang Lingo silang walang pasok sa school para mas mag-focus sila sa immersion at para agad na matapos ang oras na required para sa ojt. Monday ang unang araw niya sa kumpanya ni Rome at si Mayet ang mag oorient sa kanya para sa mga dapat at hindi niya dapat gawin. Dalawang araw siyang tuturuan ni Mayet bago ito mag-leave sa trabaho. Pagkatapos siyang ma-orient ni Mayet ay pinatawag siya ni Rome sa pribadong opisina nito. "Pinatawag mo raw ako?" tanong niya sa lalaki pagkapasok sa kwarto. "Yes. Please sit down." Iminuwestra nito sa kanya ang kaharap na upuan at agad naman siyang umupo. "First, I want to make it clear to you that this is not a joke why you are here," pag-uumpisa nito. "Second, When you are here in my company you must call me sir. Being my daughter in law is not an exemption. And lastly, be responsible. Ayokong malalaman na gumagawa ka ng karantanduhan o kalokohan sa kumpanya ko. Nagkakaintindihan ba tayo, Ms. Alcantara?" Base sa pagtawag nito sa kanya halatang gusto nito na professional ang mamagitan sa kanila. "Nagkakaintindihan ba tayo, Ms. Alcantara?" ulit ni Rome. "Yes, Sir." sagot niya. Kailangan niyang makuha ang loob ni Rome kaya bigla niyang naisip na kailangan huwag niya itong pilitin sa mga bagay na ayaw nito. Iyon ang bagong strategy na gagawin niya. Mataimtim siya nitong tinitigan bago ito muling nagsalita. "Thank you. Si Mayet na ang bahalang mag orient sa mga dapat mong gagawin bilang sekretarya ko." "Yes, Sir." "Masyado akong maselan sa trabaho kaya makinig ka ng mabuti sa mga ituturo sa'yo ni Mayet." "Noted, Sir." "Good. You can leave now." Kahit gusto pa niya itong makausap ay tumayo na siya at lumabas na ng opisina nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD