Chapter Nine

1212 Words
"ANO PO ang masasabi niyo, Sir?" Pukaw ni Angel na siyang marketing manager kay Rome. Naputol ang paglalakbay ng isip niya sa tanong na iyon. Napatitig siya sa babae at sa ibang empleyado na nasa loob ng meeting room na iyon. Nawala sa isip niya na nasa meeting pala siya. Tumikhim siya at tumango. Kunway may naintindihan siya sa mga pinag-usapan kahit wala naman talaga. "Ayos 'yang naisip niya." Nangunot ang noo ni Angel. "Are you sure, Sir?" "Yeah. Gawin niyo 'yan." Tumayo na siya. "meeting adjourn," aniya na humakbang na palabas ng meeting room at dumiretso sa pribado niyang opisina. Natigilan siya sa pagpasok nang madatnan niya roon si Kylie. Lalong nawalan siya sa mood nang makita ang dalaga. "What are you doing here, Kylie?" walang emosyon na tanong niya rito. Matamis itong ngumiti. "Katatapos lang ng klase ko. Do you want to join me for lunch?" "No," mabilis niyang sagot. "May importante pa akong gagawin." "Wala kasi ako kasabay kumain." "Pwede kang mag-imbita ng iba, Kylie. Ginagawa mo naman 'yan noon bakit hindi mo gawin ngayon?" Nagbuntong-hininga ito. Tumayo at humakbang palapit sa kanya. Sinara niya ang pinto para hindi sila makita mula sa labas. "Gusto ko ikaw ang kasama ko, Rome," maarte nitong sabi. Akmang hahawakan siya nito ay mabilis siyang humakbang palayo. "Gusto ko lang naman makipag-bonding sa'yo, Rome. Bawal ba 'yun?" Sarkastiko siyang natawa. "Bakit hindi mo ginawa 'yan noong nabubuhay pa si Tanya? Bakit ngayon mo lang naisipan na gawin 'yan?" "Simple lang, dahil nirerespeto ko si mommy." Napakunot noo siya. "What?" She rolled her eyes. "Rome, manhid ka ba o bulag ka lang talaga? Noon pa ako may lihim na pagtingin sa'yo." Lalo siyang natawa. Paano nito nasasabi ang mga bagay na 'yon samantalang nasa murang edad pa lang ito. Ngayon niya talaga masasabi na iba na talaga ang henerasyon ngayon. Nang muli siyang hahawakan nito ay agad siyang umiwas. "Wala akong panahon para sa mga kalokohan mo, Kylie. Umalis ka na at kumain kang mag-isa mo." "Ouch ha! Ako na nga ang nag-aaya sa'yo na kumain sa labas tinatanggihan mo pa 'ko." "Kasi hindi ako interisado. Isa pa, may mas importante pa akong gagawin kaysa samahan ka." Akmang lalapitan siya ulit nito nang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Jerusalem. Natigilan ito nang madatnan si Kylie na nasa loob ng opisina niya. "May bisita ka pala. Babalik na lang ako ma—" "No. It's okay. Paalis na rin naman na si Kylie. Right, Kylie?" aniya sa akmang pag-alis ng kaibigan. Inirapan siya ni Kylie. Galit nitong kinuha ang bag pero bago ito tuluyang umalis ay may huli itong salita na sinabi. "Magbabago rin ang lahat," anito at nagpatuloy sa paglabas ng opisina niya. "What was that?" naguguluhang tanong ni Jerusalem nang tuluyang nawala ang dalawa. Tila pagod siyang naupo sa swivel chair niya. "Inaaya lang niya akong kumain ng lunch." "And?" "I refuse her." Napailing ito. "Nasabi sa akin ni Angel na parang wala ka raw sa sarili mo kanina sa meeting. Sigurado ka bang okay ka lang?" Marahas siyang nagbuntong-hininga. "Honestly I'm stressed about Kylie." "Ano ba ang nangyari?" "Bago namatay si Tanya, inamin nitong alam niya na may lihim na gusto sa akin si Kylie." "What?! Pero ginusto pa rin niya na ikaw ang mag-alaga sa anak niya?" "Yeah." Tinitigan siya nito na para bang inaaral siya nito. "Huwag mong sabihin sa akin na unti-onti ka ng naakit sa anak-anakan mo?" "What? No way!" hindi niya alam kung bakit nito iyon nasabi gayong walang katotohanan ang hinala nito. "Iyan ang bagay na hinding-hindi ko gagawin, Jer. Parang anak ko na si Kylie." "Huwag kang magsalita ng tapos. Sana nga Rome kaya mong mapanindigan ang sinabi mo. Baka sa huli kainin mo lang lahat ng mga sinabi mo." "No. Konting panahon na lang din naman at magiging ganap na eighteen years old na si Kylie. Kaya na niyang bumukod at mamuhay ng mag-isa." Pero base sa mga tingin ni Jerusalem sa kanya halatang hindi pa rin ito kumbinsido sa sinabi niya. No. I will never fall for her. Mariin niyang sabi sa kanyang sarili. PABAGSAK na isinara ni Kylie ang pintuan ng sasakyan niya. Tinakas niya ang sasakyan nia at siya mismo ang nag-drive. Hindi siya takot mahuli dahil alam niyang kapag nahulinsiya aalegrohin iyon ni Rome. Kinuha niya ang cellphone mula sa bag at agad na tinawagan si Olga. "Napatawag ka?" "Samahan mo 'kong kumain ng lunch," aniya. "Ha? Bakit? Anong meron?" "Sunduin kita ngayon na," aniya na binaba na ang tawag ni hindi na niya hinintay na makasagot ito. Minaniobra na niya ang sasakyan papunta sa bahay ni Olga para sunduin ito. "Kaloka ka! Bigla-bigla ka naman nagdedesisyon. Kung anong damit lang tuloy ang nasuot ko. Ni hindi pa ako nakapag-ayos ng mukha," reklamo ni Olga pagkasakay nito sa sasakyan. Tiningnan niya ito. Wala naman siyang nakitang problema sa suot at itsura nito dahil masasabi rin niya na may angking ganda ang kaibigan niyang si Olga. "You look okay," aniya. "Ano bang meron at bigla-bigla ka na lang nag-aayang kumain sa labas?" tanong nito nang pinaandar na niya ang sasakyan. "Naiinis lang ako. Tinanggihan kasi ako ni Rome." "Kaya ginambala mo ang aking kagandahan? So, option lang ako ganu'n?" "Kung sumama sa'kin si Rome never naman kita yayayain." "Ewan ko ba naman kasi sa'yo bakit di ka pa rin tumitigil sa pangungulit mo dyan sa stepfather mo?" "Dahil gusto ko siya," lakas niyang sagot. "Sus maryosep ka, Kylie. Akala ko naman naintindihan mo ang lahat ng mga sinabi ko sa'yo, ayun pala hindi." Nagbuntong-hininga siya. "Naiintindihan ko lahat mg mga sinabi mo sa'kin. Pero wala naman akong sinabi na ititigil ko na rin kung ano ang nararamdaman ko para kay Rome." Sinapo nito ang noo at marahan na umiling. "Hindi ko na talaga alam kung anong advice pa ba ang dapat kong sabihin para sunduin mo kung ano ang tama." "Ano bang mali?" Nanlaki ang mga mata nito. "Talaga hindi mo alam kung ano ang mali? Mali yang nararamdaman mo. Mali rin na inaakit mo ang asawa ng mama mo at lalong maling-mali na mahalin mo ang lalaking minahal ng mama mo!" "May mali pa ba gayong wala na si mommy? Rome is now single. Kung tutuosin pwede n ulit siyang mag-asawa kung gugustohin niya." "Pero hindi ganu'n ang stepfather mo. Masyado niyang minahal ang mommy mo para makahanap agad siya ng iba. Kung makakahanap man siya, siguradong pampalipas oras lang niya. Kung patulan niya ang pang-aakit mo sa kanya, nasisiguro kong gagawin ka rin niyang pampalipas oras." Hindi na niya pinansin pa kung ano ang mga sinabi nito kahit pa nakakaramdam siya ng pagkainis. Basta ang alam niya desidido siyang makuha ang loob ni Rome at gagawin niya ang lahat mahalin lang siya nito. "Good luck na lang talaga sa'yo, girl. Hindi ko alam kung saan ka pwedeng pulutin kapag pamilya na ni Rome ang kakalabam sa'yo." Minsan na niyang na-meet ang pamilya ni Rome. Mabait naman ang mga ito dahil buong pusong tinanggap ang mommy niya, ewan ko lang pagdating sa kanya. Pakiramdam kasi niya parang hindi siya gusto ng mga ito dahil kakaiba ang tingin na ibinigay ng pamilya ni Rome pagdating sa kanya. Basta ang goal niya ay gagawin niya kahit na anong mangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD