Home "I'm coming home." Halos mabitawan ko ang aking cellphone at napabangon ako sa kama nang marinig ang binitawang salita ni mommy. "You're kidding me right, mom?" tanong ko't bahagya pa akong natawa't umaasang nagbibiro lang si mommy. "Did I sound like I'm joking?" seryosong tanong ni mommy. Napayuko ako. "Nope." "I already talked to your dad." sabi ni mommy. "Nakakuha na ako ng plane ticket. Naka-book na ang flight ko. Sa makalawa na ang alis ko papunta sa diyan. I'm expecting you to fetch me at the airport. Ibibigay ko sa'yo ang flight details ko." "Mom, please.. you don't have to go home." sabi ko. "I do, Lorraine and you can't stop me anymore." mariing sabi ni mommy. "Once I got home, I'll help you fix your applications para kasama na kita pagbalik dito." "Mom.. I already t

