Play Kinagat ko ang aking ibabang labi nang makita ang bumungad sa aking singsing nang buksan ko ang paghuling drawer ng aking study table dito sa bahay. Umuwi muna ako ngayon para kunin ang importanteng gamit na nakalimutan kong dalin sa aking condo at kahapon ko lang din naalala. Kinuha ko ito't sinuri sa aking paningin at isasara na sana ang drawer nang makita ko ang pamilyar na photobook ko noong bata pa kaming dalawa ni Isaac. Pagkabukas ko ay tumambad sa akin ang picture naming tatlo ni Isaac at Tita Alessandra, ang kaniyang mommy. Naka-akbay si Tita sa aming dalawa ni Isaac habang nakaluhod ito upang pumantay sa laki namin. May mga iba pang litrato na magkasama ang dalawang pamilya namin ni Isaac in different occasions. Napatigil ako nang ilipat ko sa huling pahina ang photoboo

