Forget
"Oh my God, Lorraine! Are they official?" hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Mel habang tinitignan nila ang mga pictures na naka-tag sa f*******: ni Isaac tungkol sa birthday surprise na inihanda sa kanya ng babae niya.
"Kinabog niya ang pa-pajama party mo samin sa surprise niya para kay Isaac," komento niya.
"That's right and I can tell that they're official already dahil nakalagay sa banner ay 'Yes, Isaac! I love you too! Happy birthday!'," feel na feel na pagkakasabi ni Kate habang titig na titig sa kanyang laptop.
"So, ibig sabihin ay nililigawan na pala siya ni Isaac..." Mel concluded.
"Nang hindi mo alam..." dagdag ni Kate. "At sila na ngayon."
Tumango-tango naman si Mel. "Nalaman mo lang nang dahil sa f*******:," ani Mel. "Mag best friend pa ba kayo ng lagay na 'yan?"
Napapikit naman ako ng mariin at malakas na binaba ang remote sa center table na halos mabasag na ito sa sobrang lakas ng pagkababa ko nito.
"Tumigil ka na nga," saway nilang dalawa sa isa't isa.
Naiiyak ako. I felt so hurt. Ramdam na ramdam ko ang sakit. Tagos na tagos at hindi ko na alam kung paano ko pa iindahin ang sakit na nararamdaman ko.
Ayos lang sana kung hindi niya maalala ang birthday ko. Pero hindi ko matanggap na parehas na nga kami ng birthday at simula palang ng ipinanganak kami'y sabay na kaming nagce-celebrate, ngayon niya pa nakalimutan?
"Baka nabigla lang siya sa pagdating ng girl niya, El..." marahang panglakas loob sa akin ni Mel.
"Eh ‘di mabigla din siya sa magiging pag-alis ko," sabi ko na lang at mabilis na umakyat papunta sa aking kwarto upang makapagbihis para sa pasok naming tatlo maya-maya.
Mabilis lang akong naligo dahil gagamitin din nila Mel at Kate ang banyo ko.
"Ako muna!" nag-aaway pa ang dalawa kung sino sa kanila ang mauunang maligo.
Napailing na lang ako nang biglang tumunog ang aking iPad at nakitang tumatawag sa Skype si mommy kaya naman lumabas ako ng kwarto upang hindi maka-istorbo ang pagtatalo nila Mel at Kate.
"Hi, mommy! Daddy!" masaya kong bati sa kanilang dalawa't kumakaway pa.
"Belated Happy Birthday, Sweetheart!" sabay niyang sabi. "We love you so much." At gumawa ng malaking heart ang magulang ko na nagpatawa sa akin.
"Lagi na lang po kayong late ng one day kung bumati," nagtatampo kong sabi.
"Para one of a kind kami ng mommy mo,” palusot ni daddy at kumindat pa sa akin. “Hindi katulad ng iba na sabay-sabay. Special ‘yong sa amin.”
Ngumuso ako at tinawanan lang nila ako. "Ang gara ninyo naman po."
"Basta call us if you receive anything okay?" pahabol ni mommy.
"I will, mom, dad.” I smiled to assure them. “Thank you po sa pagbati.”
"You're welcome, sweetheart, and magkwento ka sakin tungkol sa birthday celebration ninyo ni Isaac okay?" nakangising sabi ni mommy.
Nawala naman kaagad ang aking ngiti at agad namang napansin 'yon ni mommy.
"Is anything wrong, anak?" tanong ni mommy at pansin kong hindi na niya kasama si daddy.
Umiling naman ako at ngumiti. "Wala po. Sina Mel at Kate lang po kasi kasama kong nagcelebrate ng birthday ko. Nagsleepover po sila sa bahay for three days and two nights."
"Ganon ba?" Bahagya siyang napanguso. "How about Isaac? Where and how did he spend his birthday?"
"I don't know, mom,” sagot ko na lang. “I'll just catch up with him later para magkwento siya and then ikwe-kwento ko na lang po sa inyo."
"That'll be great, then!” masayang sabi ni mommy. “Basta let's talk if you're not busy with school work okay?"
"Yes, mom."
Matapos nang walang hanggang pagpapaalam namin ni mommy sa isa't isa'y naputol na rin ng tuluyan ang tawag namin nang sabihin niyang tinatawag na siya ni daddy. Mukhang may dinner date nanaman ang dalawa. Nakakainggit. Masyadong sweet ang mga magulang ko.
"Bye, guys! Text text na lang." Masayang pagkaway ni Kate sa amin bago siya patakbong pumunta sa kanyang building pagkababa namin sa sasakyan.
Ako na ang nagdrive ngayon papuntang school dahil gusto kong mapahinga muna si manong lalo na't kailangan ko na ring matuto ng tuluyan dahil pagkagraduate ko'y lagi ko na itong gagamitin at agaw eksena naman kung may driver pa ako.
Siguro'y bibigyan na lang ng ibang trabaho ni mommy si manong sa bahay para lang hindi ito mawalan ng trabaho bago magretiro dahil singkwenta mahigit na rin naman siya.
"Oh..." Biglang napahinto si Mel sa paglalakad kaya naman agad akong napalingon sa kanya. "Is that your best friend outside our room?"
Mabilis naman akong napalingon sa room namin at nakita ko si Isaac na nakasandal sa may pader katapat ng room namin.
"Is it because I already uploaded our sleepover pictures?"
"I don’t care," sabi ko na lang. "It doesn't matter," dagdag ko saka muli siyang nilingon. "Halika na't malapit ng magsimula ang klase. Baka maunahan pa tayo ng prof natin sa pagpasok," aya ko sa kanya at nauna na sa paglalakad.
Ramdam ko namang nakasunod sa akin agad si Mel at hindi ko ma-explain ang kabang nararamdaman ko habang papalapit ako ng papalapit sa aming room kung saan nandoon din si Isaac.
Ano ba 'yan, Lorraine? Simple lang naman ang gagawin mo. Maglalakad ka lang sa harapan niya at papasok ka sa room. Hindi mo naman siya kailangan pansinin eh. Problem solved!
Huminga ako ng malalim at nakita kong napalingon na si Isaac sa amin saka ito tumayo ng maayos. Lalapit na sana ito sa akin ng mabilis akong umiwas ng daan at parang walang nakitang pumasok sa loob ng room.
Umupo ako sa aking madalas na kinauupuan sa klaseng ito at kitang-kita ko sa aking peripheral vision na nakatingin sa akin si Isaac.
"El, Isaac's looking so... hurt..." puna ni Mel.
"Huwag ako, Mel," sabi ko na lang dahil ayoko ng magpaloko sa mga sinasabi ng iba.
"El, kahit na hindi ka niya girlfriend, best friend ka pa rin niya at malamang ay masasaktan siya dahil hindi siya pinansin ng best friend niya," pangongonsensya sa akin ni Mel.
"It's his loss, then.” Nagsuot na lang ng earphones dahil wala pa naman ang prof namin. “I have nothing to do with it."
Naging mabilis lang ang klase sa Calculus at Physics kaya no hassle kahit na nakakadugo ng utak ang mga computation na pakiramdam ko'y pati calculator ay hindi kayang sagutin sa sobrang hirap.
"Best friend alert! best friend alert!" paulit-ulit na sabi ni Mel nang makalabas kami ng room.
True enough. Nakikita kong papunta sa akin si Isaac at hindi na ako nakaiwas pa dahil agad na niyang hinaragan ang aking harapan. Alam kong kapag umiwas ako'y pipigilan niya lang ako't pilit na ihaharap sa kanya.
Sa tinagal-tagal naming magkaharap ay wala ni isang salita sa amin kaya kumuha na ako ng lakas ng loob bago nagbuga ng salita.
"Excuse me," malamig kong sabi. "You're blocking my way."
Hindi ko alam kung paano ko siya titingnan ng diretso lalo na at nakikita ko ang pagsusumamo sa kanyang mga mata.
Nakita ko namang lumipat ang tingin niya sa aking likod kaya naman napalingon ako kay Mel na ngayo'y nanginginig habang iniinda ang tingin ni Isaac.
"Uhm… L-Lorraine..." Nalilito siyang lumingon sa akin. "May nakalimutan pala akong gawin sa library. Bye!" nagmamadali niyang sabi at mabilis na tumakbo.
Susundan ko na sana siya ng biglang hawakan ni Isaac ang kamay ko at mabilis akong hinatak pasama sa kanya.
"Isaac, ano ba?" sabi ko at pilit na kumakawala sa pagkakahawak niya sa aking kamay. “Bitiwan mo nga ako.”
Para siyang walang narinig at patuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa kanyang kotse't sinakay niya ako doon na nagmamadali pang umikot siya papuntang driver's seat saka mabilis na pinaandar ang sasakyan.
"Isaac, I need to go home. Marami pa akong gagawin."
"Then we will go to your house," simpleng sabi niya at mabilis na niliko ang kotse papunta sa subdivision namin na doon din naman nakatirik ang bahay nila.
"Ako lang ang uuwi sa bahay ko, Isaac,” mariin kong sabi. “Hindi mo kailangang sumama at naiwan ko pa 'yong sasakyan ko sa school. Ibalik mo na nga ako at itigil mo na 'to."
"No, El," mariin niyang sabi. "We will not separate until we're okay. Ipapakuha ko na lang kay Manong Fred ang sasakyan mo. Give me your keys." Sabay lahad niya ng kanyang libreng kamay sa akin.
Humalukipkip ako. "Just bring me back to the school at ako mag-uuwi ng sarili kong sasakyan."
"El, you know I'll always obey you but this time let me have the cards first. Ako ang masusunod and what I want is for us to talk," sabi niya at inihinto ang kotse sa tapat ng bahay namin.
Is it true that you'll always obey me, Isaac? Kahit sabihin ko ba sa 'yong hiwalayan mo siya, gagawin mo kasi sabi ko?
Bababa na sana ako ng kotse nang mabilis niyang hinablot ang bag ko saka lumabas ng kotse at agad naman akong sumunod. Nakita kong kinukuha na niya sa bulsa ng bag ko ang susi ng kotse.
"Akin na nga 'yang bag ko!" singhal ko sa kanya.
Binalik niya naman sa akin kaagad ang bag ko ngunit nakuha na niya ang susi ko at may ni-dial siya sa kanyang phone.
"Akin na 'yong susi ko!"
Tinaas niya ang kanyang kamay kung saang hindi ko kayang abutin ang susi na kahit anong gawin kong talon ay hindi ko pa rin maabot.
"Hello. Mang Fred. Please come out of the house. Ngayon na po. As in ngayon na po. Bilisan ninyo po," nagmamadaling sabi ni Isaac at agad kong narinig na bumukas ang gate nila Isaac kung saan lumabas si Mang Fred.
Patakbong lumapit siya sa amin at agad na hinagis ni Isaac ang aking susi sa kanya na nasalo naman agad.
"Kuhanin ninyo po ang kotse ni Lorraine sa school. Iuwi ninyo po. Ito po pamasahe," utos ni Isaac at inabutan ng isang daan si Mang Fred.
"Sige po, Sir."
Napabuntong hininga naman ako at sumuko na sa mga palusot ko nang mabilis na sinunod ni Mang Fred ang kanyang utos. Tumalikod na lang ako upang makapasok na sa aming bahay. Naramdaman ko si Isaac na nakasunod lang sa akin kaya hinayaan ko na lang siya dahil alam ko namang hindi ko siya mapipigilan sa mga gusto niyang mangyari.
"Oh nandito pala kayong dalawa. Sandali lang at gagawa ako ng meryenda," sabi ni manang nang makitang kasama ko si Isaac at agad na pumasok sa kusina.
Dire-diretso akong umakyat papunta sa aking kuwarto at alam kong nakasunod pa rin si Isaac sa akin hanggang sa makapasok ako sa loob nito na siya na mismo ang nagsarado ng pintuan.
"Now, can we talk, El?" kalmado niyang tanong sa akin.
Nilapag ko naman ang aking bag sa may sofa't hinarap siya saka humalukipkip.
"Ano bang pag-uusapan natin?" tanong ko sa kanya.
"I know you're mad..." panimula niya. "I know you're mad at me dahil hindi ko sinabi sa 'yo ang nangyayari sa amin ni Rona pero—"
"Excuse me lang, Isaac," pagpigil ko sa kanya. "Who's Rona?" nagkukunwari kong tanong sa kanya na kunwari ay hindi ko alam ang pangalan ng babae niya.
Napahinga naman siya ng malalim bago sinagot ang aking tanong. "Rona's…” He was very hesitant. “Rona's my girlfriend."
Naramdaman ko na agad ang pag-iinit ng aking mga mata sa simpleng pagsagot niya sa akin kung sino si Rona. Nilabanan ko ang sakit na nararamdaman ko't taas-noo pa ring nakatingin sa kanya.
"Congratulations! Sa wakas at nagka-girlfriend ka na!” sarkastiko kong pagbati sa kanya. “Akala ko hanggang fling at mu ka na lang eh."
"El, can we stop with the sarcasm and let me explain my side first?" halos nagmamakaawa niya ng sabi sa akin.
"What if I say no?"
Napaawang ang kanyang bibig sa aking sinabi ngunit agad niya rin itong tinikom.
"I don't care. I'll still explain my side no matter how hard it is to deal with you—"
"Eh ‘di wag mo ng i-explain kung nahihirapan kang makipag-usap sa akin," sabi ko na lang. "Cause, Isaac, I honestly don't care anymore about what's happening in your life. You have your own life and I have mine. Hindi naman kailangan lahat ng bagay tungkol sa isa't-isa alam natin. May tinatawag din tayong privacy at naiintindihan kita. You don't have to deal with me anymore. We're okay. There's nothing to argue or talk about."
"But we're best friends, El..." mahina niyang sabi.
Agad ko namang naramdaman ang pagkirot sa aking puso nang sabihin niyang mag best friend lang kami.
Oo, alam ko naman 'yon. Pero ang sakit pala pag naipamukha na sa 'yo ng best friend mong ganon lang kayo at lalo na kapag mahal mo siya kasi alam mong wala ka ng pag-asa.
"Isaac... naalala mo bang birthday ko rin kahapon?" tanong ko sa kanya at hindi maiwasan ang aking hinanakit na nararamdaman.
Nakita kong nanlaki ang kanyang mga mata't alam ko na ang ibig sabihin ng kanyang reaksyon kaya binigyan ko na lamang siya ng isang ngiti.
"Makakaalis ka na," sabi ko na lang at tinalikuran siya upang pumunta sa banyo nang mabilis niya akong napigilan.
Hinarap niya ako sa kanya at mabilis niyang nahanap ang tingin ko't hindi ko na pinalis pa ang namumuong luha sa aking mga mata na mas lalong nagpalambot sa kanyang ekspresyon.
"I-I'm sorry, El..." mahina niyang sabi. "I got lost in time. Masyadong maraming nangyari kahapon. It was so thrilling and exciting na nakalimutan—"
"Na nakalimutan mo na ako?" pagdugtong ko sa kanyang tinatapos na salita.
"Of course not, El! Why would I forget you?" nafu-frustrate niyang sabi. "Birthday mo lang ang nakalimutan ko. It doesn't mean na ikaw mismo ang nakalimutan ko."
"Ganon na din 'yon, Isaac," sabi ko. "Una, makakalimutan mo birthday ko. Tapos makakalimutan mo na rin ako, eventually. Bakit pa natin uuntiin kung puwede namang isang bagsakan na lang, ‘di ba?"
"So what are you suggesting?" halos mawalan na siya ng boses sa kanyang pagtatanong.
Huminga naman ako ng malalim at pumikit ng mariin saka napayuko na lang.
"Give me some time to think for myself. I think you're already clouding my mind too much. Hindi na maganda 'tong pagkakaibigan na 'to,” pagdedesisyon ko saka siya tuluyang tinalikuran.