Chapter 5

2139 Words
Talk "El, nandyan si Isaac sa baba. Sinusundo ka niya. Sabay na daw kayong pumasok," sabi ni manang pagkabihis ko. Napabuntong hininga naman ako at tinignan si Manang. "Pakisabi pong nakaalis na ako. Na akala ninyo po nandito pa ako pero nakaalis na po pala ako. Kapag tinanong niya po kung bakit nandyan pa 'yong kotse, pakisabi na lang pong naalala ninyo po na sabi ko kagabi'y susunduin ako ni Mel dito sa bahay para sabay kaming umalis upang tapusin ang project namin." Nagtaas ng kilay sa akin si manang. "El, inuutusan mo ba akong magsinungaling?" "Alam ko pong masamang magsinungaling pero please po, Manang…” Nagmakaawa na ako. “I just really need to stay away from him." Napabuntong hininga naman si manang. "Oh sige!" pagpayag niya. "Pero sana'y kung ano man ang alitan ninyong magkaibigan ay maayos ninyo na. Kung kailang matatanda na kayo, saka pa kayo nag-away ng ganyan," pangaral sa akin ni manang saka lumabas ng aking kwarto. Yun na nga, Manang eh. Tumanda na kami kaya alam na namin ngayon kung ano talaga ang gusto namin. Alam na namin ngayon kung saan kami dapat lumugar at hindi na 'yon sa tabi ng isa't-isa dahil may kanya-kanya na kaming buhay. Nagpalipas muna ako ng ilang minuto bago nagpasiyang bumaba na upang kumain ng almusal at nakahinga naman ako ng maluwag nang makita kong wala si Isaac pagkalabas ko ng bahay. Masaya akong nagdrive papuntang school at pagkababa ko ng sasakyan ay parang gusto ko na lang ulit na pumasok sa loob nang makita ko siyang naghihintay sa may gate at nakahalukipkip. Nang mapalingon siya sa akin ay agad akong umiwas ng tingin at nag-isip kung papaanong pag-iwas ang dapat kong gawin. Huminga naman ako ng malalim at nagdire-diretso papasok na para bang hindi ko siya nakitang nakatayo doon. "I thought you already went to school with Mel pero nakita ko siyang kasama si Kate sa loob and there's no sign of you." Salubong niya sa akin at sinundan pa ako kahit na nilagpasan ko na siya. "That's what you thought.” Nagkibit-balikat na lang ako. “Not my problem anymore." Mabuti na lang at nakita sila Mel at Kate sa ‘di kalayuan. Mabilis kong nilihis ang aking daan papunta sa kanila. "That's what manang told me,” sabi niya. “Of course maniniwala ako sa kanya. Never pa siyang nag sinungaling." Agad naman akong nakaramdam ng konsensya sa kanyang sinabi dahil ako ang dahilan kung bakit nagsisinungaling si manang. "Hindi nga. Siguro hindi ang napansin ni manang na nandoon pa ako kaya kala niya umalis na ako,” palusot ko.” Hindi kasi natuloy pagsundo nila Mel sa akin kanina. Kaya pala nagulat siya ng makita niya akong pababa papuntang kusina kanina." "Did she told you na pumunta ako?" umaasa niyang tanong. "Oo," simple kong sagot sa kanya. "Then why didn't you call after that para masundo kita?" tanong niya sa akin. "Why would I do that?" sabi ko na lang at naramdaman ko ang paghinto niya. Hindi na siya sumabay sa aking paglalakad. "El, why are you being like this?" tanong niya sa akin at napahinto rin ako. Nakita kong tinuro ako ni Mel. Mabilis na lumingon sa amin si Kate bago ko nilingon si Isaac. "This is also for you, Isaac," sabi ko na lang. "One day, you will thank me for this." Binigyan ko siya ng isang ngiti bago siya tinalikuran at nagmadaling pumunta kila Mel. Pagkarating ko sa kanilang puwesto ay agad nila akong pinagtatadtad ng mga tanong. "Did you really end it between you and Cole?" tanong sa akin ni Kate. "Iyong tanong mo naman, Kate.” Siniko siya ni Mel. “Akala mong romantic relationship ang meron sa kanila ni Cole." "Ganoon na rin ‘yon, Mel," sabi na lang ni Kate kay Mel at saka muling lumingon sa akin. "Now what, El? Answer my question." Pumikit ako ng mariin at dahan-dahang tumango upang sagutin ang kanyang tanong. "Can you really go on with your life without him?" nag-aalalang tanong niya sa akin. Nag-angat naman ako sa aking kaibigan at kitang-kita ko ang sincerity sa kanyang mga mata na nag-aalala siya para sa akin at ganoon din ang ipinapakita ni Mel sa akin. "Nagagawa ko na…” sagot ko. “Hindi ako sigurado kung hanggang kailan ko kaya pero... alam kong kaya ko. Kasi iyon 'yong kailangan eh." "How sure are you, El?" paninigurado ni Kate sa akin. How sure am I? "Kate, just let El decide on her own. Alam na niya 'yang ginagawa niya," pagsuway naman ni Mel kay Kate. Actually, for once in my life simula nang maging kaibigan ko si Kate, ngayon lang nagkaroon ng sense ang mga sinasabi niya. Nang dahil sa mga sinasabi niya, ang dami kong bagay na naiisip na hindi ko naman pinoproblema dapat. I should be firm with my decision pero nang dahil sa kanya'y sumasaliwa ang mga desisyon ko. Kate's actually making a point. "I just want her to be sure,” giit ni Kate. “Sa buhay, mahirap makakuha ng second chances. Once you made a decision, kailangan mong panindigan 'yon. Ayokong kung kailang huli na ang lahat, saka siya magsisisi” "God, Kate! Saan mo ba nakukuha 'yang mga pinagsasasabi mong 'yan?" sabi ni Mel at hinawakan sa balikat si Kate. "Nasaan si Kate at ano ang ginagawa mo sa kanya?"  "Gaga!" singhal na lang ni Kate kay Mel at saka ito binigyan ng isang batok. Nagpapasalamat ako ngayong kasama ko ang mga kaibigan ko't nandyan sila para mapasaya ako. Siguro'y kaya sila binigay sa akin dahil hindi rin magtatagal ang pagkakaibigan na mayroon kami ni Isaac. 'yong sila 'yong papalit kay Isaac para mapasaya't makasama ko. Sana hindi sila mawala sa akin. Yun na lang ang tanging hiling ko. "Can someone please explain what trade off is?" tanong ng economics professor namin. Nagtaas naman ang katabi ko't taas noo siyang sumagot sa tanong ng aking professor. "Trade off po ay 'yong willing kang i-give up 'yong isang bagay para makuha mo 'yong isang bagay na gusto mong makamit. Iyong magbibigay din sa 'yo ng kasiyahan," sagot niya. "Parang give and take po." Agad naman akong napatingin sa kaklase kong sumagot at alam kong kaparehas ko rin siyang mayroong pinanghuhugutan. Siguro nga'y parang trade off ang ginawa kong desisyon. Ginive up ko ang ilang taong pagkakaibigan namin ni Isaac para maibigay sa kanya ang kasiyahan at kalayaang kailangan niya. Kasabay rin noon ang kasiyahan ko dahil hindi ko na kailangan pang masaktan dahil pinakawalan ko siya at wala na akong panghahawakan pa sa aming dalawa na mas magpapadali sa aking pagmomove-on. Kung may trade off sa ekonomiks, meron ding trade off sa love and that kind of move in love is an unselfish love. I think this is the best decision I've ever made in my entire life. "Oh? Humuhugot ka nanaman sa sagot ni Krystal noh?" mapang-inis na tanong sa akin ni Mel matapos ang aming klase sa economics. "Not really," sabi ko na lang upang maiwasan na ang kanyang pagtatanong dahil alam kong uungkatin niya pa ang kung anuman ang iniisip ko kung saka-sakali. Napagdesisyunan na lang namin ni Mel na umuwi muna sa bahay ko at doon na lang hintayin si Kate dahil mamaya pa ang uwian nito. Balak kasi naming umattend sa magaganap na open party mamaya sa unibersidad at dito na lang naming balak mag-ayos sa bahay kaya dinala na nila ni Mel ang kanilang damit na susuotin para mamaya. Nang dumating si Kaye kalaunan ay nagsimula na kaming maligo ng mabilis upang maging fresh kami mamaya at hinayaan na naming tumakbo ang natitirang oras sa pag-aayos namin sa aming sarili. "Mas bagay sa 'yo ang pink lipstick, Lorraine." pag-aangal ni Kaye. "It's time for a change kaya red lipstick ang ilagay mo." bigla namang sabi ni Mel. "But that's Lorraine's trend. Pink lipstick is a must for her. Hindi kumpleto ang night get out niya kapag hindi pink lipstick," pagpo-point out ni Kate. "Kaya nga babaguhin natin, ‘di ba? Dahil she's a brand new, Lorraine Quinelle—" "Mel, Kate! Tama na, okay? Pati ba naman sa kulay ng lipstick na ilalagay ko, pagdedebatihan ninyo pa?" pag-awat ko sa kanilang dalawa. "I'll wear whatever I want to wear," sabi ko na lang at kinuha ang isang medyo violet-red na lipstick. I applied it a little bit darker than it's usual color para hindi ako magmukhang nag-eemo. Naglagay rin ako ng eyeliner upang mas ma-emphasize ang aking mga mata't matakpan ang kung anumang nararamdaman ko. It's a good instrument to hide all your emotions that can be seen through your eyes. "Nako! Agahan mo ang uwi, Lorraine ah," paalala sa akin ni manang nang pasakay na kami sa aking sasakyan. Gusto ni manang na ihatid na kami ni manong pero ayoko namang abalahin pa siya at hindi ko maipapangako na maaga ang magiging uwi ko. "Opo, manang," sabi ko na lang at binigyan siya ng halik sa pisngi bago ako pumasok sa driver's seat at bumusina muna kay manang bago simulang patakbuhin ang sasakyan. Naging mabilis lang ang biyahe papunta sa school dahil nga malapit naman iyon sa amin at wala ng gaanong sasakyan ng ganitong oras. Pagkarating namin ay nagsisimula na ang tugtugan at sayawan sa grounds. Ang iba't ibang klase ng ilaw na tumatama sa aming mga mata'y nakakasilaw dahil sa madilim na paligid. Mash-up ng Trap Queen at Dessert ang sumunod na pinapatugtog ng DJ at nagsimula ng maging rak ang buong grounds na napuno na ng hiyawan kasabay ng pagbukas ng tubig sa mga hose na nakakalat na hawak ng mga officers ng bawat department or institute. Nasa bandang likuran palang kami kaya hindi na namin inabala ang sarili naming umiwas sa tubig dahil hindi naman kami inabot nito. Naramdaman ko namang nagvibrate sa bulsa ko ang aking cellphone na agad kong kinuha at nanlaki ang aking mga mata nang makita kong tumatawag sa akin si mommy. "Diyan lang kayong dalawa. I'll just answer mom's call," paalam ko kila Mel at Kate saka pinakita sa kanila ang screen ng phone ko na tumatawag talaga si mommy para maniwala sila sa akin. "Okay! We'll stay here," sabi ni Mel habang naghe-headbang at si Kate naman ay busy lang sa pagse-selfie. Tumalikod na ako at nakitang nawala ang tawag ni mommy kaya napahinto ako sa paglalakad saka napahinga ng malalim. Nang mag-angat naman ako ng tingin ay bumungad sa akin si Isaac na naka-akbay pa sa kanyang girlfriend na ngayo'y tuwang-tuwang may binubulong kay Isaac habang si Isaac naman ay seryoso lang ang itsura't nang malingon siya sa aking gawi'y agad napalitan ang kanyang expression at napabitaw sa pagkaka-akbay kay Rona. Alam kong napansin ni Rona ang biglang pagbabago ng kilos ni Isaac kaya naman nang sinundan niya ang tingin ng kanyang boyfriend ay nakitang sa akin ito nakatingin. "El—" Napatigil si Isaac nang tumunog at nagvibrate muli sa kamay ko ang aking cellphone at mabilis na lumihis ng daan mula kila Isaac upang makalabas ng campus at masagot ang tawag ni mommy. "Mom?" nag-aalangan kong pagsagot sa kanyang tawag. "You're having a night out party, Lorraine?" seryosong tanong ni mommy. "Just for tonight, mom, at dito lang naman po siya sa campus. Malapit lang po sa bahay and it's safe here," paliwanag ko at sa tingin ko'y tumawag sa bahay si mommy at nakausap niya si manang kaya niya nalaman. "El, pinalampas ko na ang pag-inom ninyo nila Mel sa bahay noong birthday mo but I hope you wont drink for tonight," paalala ni mommy sa akin. "Yes, mom. I won't drink. And besides, kung gagabihin man po kami, may hihintayin lang po kaming band na magpeperform tapos uuwi na rin po kami," sabi ko. "Sige na po, 'mmy. Just for tonight lang naman po eh."  "Okay.” Napabuntong hininga siya. “Pero madami pa tayong pag-uusapan at kasama na doon ang pagda-drive mo. Isaac told me about it." Napapikit naman ako ng mariin dahil hirap na hirap akong mapakiusapan si manang takpan ang pagd-drive ko pero si Isaac lang pala ang magbubuking sa akin. I sighed. "Sige po, 'mmy..." "Okay. Bye, sweetheart," malambing napagpapaalam ni mommy at mabilis na pinutol ang aming tawag. Napabuntong hininga naman ako at muling ibinulsa ang aking cellphone saka tumalikod na upang bumalik sa loob ng campus nang makita ko si Rona na nakatingin lang sa akin. Lumingon ako sa paligid at hinahanap kung nandito lang sa malapit si Isaac ngunit siya lang ang nakikita ko. "Lorraine... right?" paninigurado niya. Kumunot naman ang noo ko't unti-unting tumango. "Ako nga." She gave me a tight smile. "Can we... have a girl talk?" nag-aalangan niyang tanong. "It won't take long, I promise." Napahinga naman ako ng malalim at tumango bilang pagsang-ayon sa gusto niyang mangyari. I'll talk to her.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD