Stranger
Sinundan ko lang si Rona kung saan niya man gustong makipag-usap. Umabot kami sa may parking kung saan malapit ang aking sasakyan. Namataan ko rin ang sasakyan ni Isaac na katapat lamang ng sa akin. Nang huminto siya ay agad rin akong huminto at hindi rin nagtagal ay humarap na siya sa akin.
"Uhm, I’m sorry to disturb your evening," paghingi niya ng paumanhin sa akin. "I'm planning on talking to you bukas sana pero ito na 'yong chance at alam kong oras para kausapin kita."
Napakunot naman ang noo ko at binalak niya na pala ang schedule na kausapin ako.
"No, it's okay," sabi ko na lang. "Ano ba ang gusto mong pag-usapan?"
Kinagat niya naman ang kanyang ibabang labi't pansin ko ang hindi mapakaling mga daliri niya't alam kong nag-aalangan siya ngayong kausapin ako.
Guess, I'm intimidating her too much.
"You look so nervous..." puna ko sa kanya at napa-angat naman siya agad ng tingin sa akin. "Huwag kang mag-alala. I wont bite." at binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti.
Sa tingin ko'y mas napanginig ko lang ang buong sistema niya nang ngitian ko siya.
I didn't know that Isaac's now into cowardly girls. But I guess, it didn't matter dahil ang hinahanap naman na katangian ni Isaac may motherly love, care and instinct. Guess she has all those traits.
"Yes..." mahina niyang sabi at taas noong tumingin sa akin. "Yes, I know that you're special and important to Isaac. That you're his best friend. That you're his childhood buddies and sweetheart… But everything's different now."
Naningkit ang aking mga mata sa kanya. "What do you mean?"
"May girlfriend na siya…” Bahagya siyang huminto at muling huminga ng malalim bago nagpatuloy. “At ako 'yon."
"Alam ko,” simpleng sabi ko sa kanya. “You don't have to tell me about your relationship with him."
"Alam kong sasabihin mo 'yan. Of course, you know it dahil mag bestfriend kayo. Pero hindi 'yon ang punto ko," paglilinaw niya. "Ang gusto kong sabihin ay sana mabigyan mo ako ng pagkakataon na ako naman. Iyong ako lang.."
Hindi ako makapaniwala ngayon sa mga naririnig ko galing sa kanya. Para siyang nanghihingi ng limos sa akin.
"Ilang taon mo na siyang nakasama. Parang magkapatid na nga kayo. ‘Di ba? Pero alam mo ba 'yong sinasabi ng mga tao sa paligid ko?" naiiyak niyang tanong sa akin. "They're telling me na sagabal ako sa lovelife ninyo. Na kaya lang naging kami ni Cole dahil hindi pa kayo. Na iiwan din ako ni Cole dahil kayong dalawa talaga ang para sa isa't isa. That I'm nothing compared to you dahil mas mahal ka raw ni Cole kaysa sa akin. Alam mo ba kung gaano kasakit 'yon?"
Imbes na maawa ako sa kanya, hindi ko alam kung bakit umiinit lang ang ulo ko nang dahil sa mga sinasabi niya sa akin.
"Ako 'yong girlfriend eh... pero bakit puro ikaw na lang?” iyak niya sa akin. “Ang sakit at ang hirap makumpara sa 'yo dahil alam kong wala naman akong laban.”
"Why are you so insecure about me?" Hindi ko na mapigilang tanungin siya at awatin na siya sa kanyang pagdadrama.
Nakita ko naman na napatigil siya. Hindi niya inaasahan ang tanong ko sa kanya.
"If you'll answer that you're insecure dahil mas matagal kong kilala si Isaac, hindi 'yon sapat na dahilan," sabi ko. "Can't you see it, Rona? Ikaw ang girlfriend niya."
Bahagya akong lumapit sa kanya at huminga ng malalim saka nagsimula muling magsalita nang napigilan ko ang sarili kong mahawakan siya sa inis na nararamdaman ko.
"Rona, nasa’yo siya,” paalala ko sa kanya. “Nasa’yo si Isaac at hindi ko alam kung bakit kailangan mo pang ma-insecure sa akin. Sa tinagal-tagal naming magkasama, did he hit on me? ‘Di ba hindi? He hit on other girls but just for flings. After that, nangako siya sa aking ang susunod na babaeng popormahan niya ay pang seryosohan na—at ikaw 'yon. Ikaw ang babaeng seseryosohin niya at hindi ko alam kung bakit nagrereklamo ka pa."
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking luha at alam kong ako naman ang kinakain ng libo-libong insecurities na nararamdaman ko.
"Rona, ang daming babaeng nangangarap na mapunta sa puwestong nasa'yo ngayon,” sabi ko. “Ang daming babaeng umiyak at nasaktan dahil sa pangarap na 'yon. Why can't you be happy and contented?"
Hindi ko naman itatangging isa ako sa mga babaeng umiyak, nangarap at nasaktan nang dahil sa pag-aasam na ako 'yong babaeng seseryosohin niya pagdating ng tamang panahon. Pero hindi pala ako... at ang sakit-sakit tanggapin no’n.
Unti-unti naman siyang lumapit sa akin at halos manigas ako sa aking kinatatayuan nang bigyan niya ako ng isang yakap.
"Thank you, Lorraine..." she uttered. "Thank you for making me realize my worth."
Napapikit naman ako ng mariin at bahagyang inilayo sa akin si Rona.
"You don't have to thank me," sabi ko na lang sa kanya at iniwan ko na siyang nakatayo doon upang bumalik sa loob.
Nang makabalik ako'y sumalubong agad sa akin sina Mel at Kate.
"What did your mom told you? Pinagalitan ka ba?" nag-aalalang tanong ni Mel sa akin.
"Pinapauwi na ba tayo?" malungkot naman na tanong ni Kate.
Ang alam nga lang pala ng dalawa ay kaya ako lumabas ng campus ay nang dahil sa tawag ni mommy. Hindi nila alam na nasalubong ko sa labas si Rona at nag-usap pa kami and I like to keep it that way. Ayokong may makaalam ng pag-uusap namin ni Rona.
"Nope. Everything's okay. Punta na tayo sa harap?" masayang tanong ko sa kanila.
Agad namang napalitan ng mga ngiti ang kanilang nag-aalalang expression at dali-dali kaming hinila ni Kate sa harapan kung saang nakipagsiksikan pa kami at lahat para lang marating ang magandang pwesto.
"Let's take it slow!" sigaw ng DJ at agad tumunog ang kantang pinaka-ayokong marinig.
Intro palang ay agad ng kinukurot ang aking puso't hindi ko maintindihan ang sakit na nararamdaman ko.
"For all the best friends who are in love with each other out there! Mag-aminan na kayo!" sigaw ng DJ at napakalakas ng naging sukling hiyawan nito.
Do you remember when I said I'll always be there
Ever since we were ten, baby
When we were out on the playground, playing pretend
I didn't know it back then
"Uhmm... what a song..." naiilang na komento ni Kate na hindi na rin nakikisabay sa ibang taong nakikisabay sa kanta.
Now I realize you were the only one
It's never too late to show it
Grow old together the feelings we have before
Back when we were so innocent
But now it's too late. He already found the girl that he will take seriously at hindi ako 'yon.
I pray for all your love
Girl your love is so unreal
I just wanna reach and touch you
Squeeze you
Somebody pinch me
It is something like a movie
And I don't know how it ends, girl
But I fell in love with my best friend
Nagulat ng may biglang kamay na humaplos sa aking bewang kaya naman agad akong lumayo sa pagkakahawak na 'yon upang lingunin kung tama ang aking hinala.
Nagtama ang mga mata namin ni Isaac at parang hinihigop nito ang lahat ng lakas ko na dahilan kung bakit parang nanlalambot ang aking tuhod nang dahil sa enerhiyang nakuha niya sa simpleng pagtitig niya lang sa akin.
I think I'm in love
I fell in love with my best friend
Naramdaman ko na ang pag-iinit ng aking mga mata na hudyat ng malapit ng tumulo ang aking luha. Umiwas ako ng tingin kay Isaac at lalapit na sana siya sa akin nang pigilan ko siya.
"Stay away from me..." nahihirapan kong sabi.
Nakita kong napatigil siya sa aking sinabi at ibinaba niya ang kanyang kamay na umaabot sa aking braso.
"Just please stay away from me, Isaac..." naiiyak ko nang sabi. "Nahihirapan na ako..."
Kinagat ko ang aking ibabang labi saka pumihit na upang makatakbo at makalayo sa kanya. Napaupo ako habang nakasandal sa pader. Napahawak ako sa aking dibdib at pinakiramdaman ang mabilis na pagtibok nito.
I was amazed at how my heart could still beat so fast even when I was hurting so much. But then, I was surprised when someone suddenly offered a handkerchief. Agad akong napaangat ng tingin sa taong naglahad no’n sa akin.
Binigyan ako ng isang tipid na ngiti. "A handkerchief for a crying beautiful girl.”
He looked so familiar at hindi ko alam kung lagi ko ba siyang nakikita o nadadaanan but I was pretty sure na dito rin siya nag-aaral dahil hindi ko naman siya mamumukhaan kung hindi siya dito nag-aaral.
"Don't worry.” Mas lalong lumawak ang kanyang ngiti sa akin. “Walang pampatulog 'yan."
I hated to admit it but he made me smile with that line kaya naman kinuha ko ang kanyang panyo.
"Thank you..." I uttered.
Kinagat ko ang aking ibabang labi habang pinupunasan at inaayos ang mukha ko gamit ang kanyang mabangong panyo.
"You're welcome.." aniya't naglahad ng kamay sa akin na binigyan ko naman siya agad ng isang nagtatakang ekspresyon. "You should stand up now. It's dirty even though you're wearing black."
"Oh! Uhmm.." hindi ko na dinugtungan pa't tinanggap ko na ang kanyang kamay at inalalayan niya naman ako patayo. "Uh... Isosoli ko na lang ang panyo mo sa 'yo kapag malinis na." sabi ko na lang.
Ngumiti siya sa akin at umiling. "No. You can keep it."
Magpapasalamat na sana ako ulit nang may isang boses na nagpagulo ng lahat.
"El..."
Sabay kaming napalingon nitong lalaking nasa harapan ko kay Isaac na nakatayo sa gilid namin at diretsong nakatingin sa lalaking kasama ko.
"Your mom told me to take you home," malamig niyang sabi.
"Huwag na," pagtanggi ko. "Mawawalan ng kasama ang girlfriend mo. And besides, I have my own car with me."
Nalipat naman ang kanyang tingin sa akin. "I need to take you home and you have to listen to me because it's your mom's order," sabi niya. "Just give your car key to Mel or ipapakuha ko na lang ulit kay manong."
"Isaac, kaya kong umuwi ng mag-isa. I can talk to mommy. You don't have to leave your girlfriend for me." sabi ko.
"Bakit na lagi mong pinapasok si Rona sa usapan natin?" naiirita niya ng tanong.
Napatigil naman ako sa kanyang tanong.
Kaya ko lang naman sinasabi 'yon ay para pumasok sa kokote niyang may girlfriend siya't hindi na niya dapat ako pinoproblema pa. Dapat ay ang girlfriend niya ang problemahin niya. Not me.
"I can just take her home, pare. No hassle."
Napalingon naman ako sa lalaking katabi ko na biglang nagsalita at nakita kong bumalik ang matalim na titig ni Isaac sa kanya.
"And who are you?" mariing tanong ni Isaac sa kanya.
"A nice guy who wanted to help sort out whatever you two are arguing about."
"And you helping means—"
"I wanted to take Lorraine home," simpleng sabi niya at pinutol ang kung anumang sasabihin ni Isaac. "Is it already enough? I've already stated my point."
"Lorraine doesn't even know you.” Napakunot ang noo ni Isaac sa kanya. “Why would I hand her to you?"
"Hindi niya rin naman kilala ang naging girlfriend mo pero bakit hinayaan ka ni Lorraine?"
Nagulat ako sa sinabi niya at pakiramdam ko ay alam na alam niya ang nangyayari sa aming dalawa ni Isaac.
Nagtaas ng kilay ang lalaki. "Hindi ba puwedeng ganoon din ang gawin mo para sa kanya?”
"Are you hitting on my best friend?" tumaas na ang tono ng boses ni Isaac at umakmang lalapit na.
Mabilis kong hinawakan ang braso ng lalaking katabi ko't napalingon naman siya sa akin kaya binigyan ko siya ng isang ngiti.
"Please take me home," sabi ko na lang sa kanya.
Nakita ko sa gilid ng aking mata na napatigil si Isaac sa paglapit sa amin.
"El, are you insane?! He's a stranger!" hindi makapaniwalang sabi sa akin ni Isaac. "Sasama ka sa taong hindi mo kilala?!"
Matapang kong nilingon si Isaac. "I’d rather be with him than be with you,” walang pag-aalinlangan kong sabi at agad siyang natahimik. "Let's go," aya ko sa lalaki at hinila na siya papalayo.