Best Friends
Pagkapasok namin sa aking kotse ay nagulat ako sa biglang paghalakhak niya.
Bakit nga ba ako ulit sumama sa kanya kahit na hindi ko siya kilala? Mukhang nababaliw na ata siya.
"You should've seen his face," natatawa niyang sabi at napapailing-iling pa.
Napakunot ang aking noo. "Excuse me?"
Nilingon niya ako nang nakangiti. Hindi ko makita nang maayos ang kanyang itsura nang dahil sa bumabalot na dilim sa aming dalawa ngunit kitang-kita ko ang magandang kurba ng kanyang mga matang kumikinang habang tinitignan.
"Oh! I mean, you should've seen Cole's face,” paglilinaw niya sa akin na bahagyang natatawa pa rin. “He's so pissed off lalo na noong pinili mong sumama sa akin kaysa sa kanya."
Mas lalo lang napakunot sa aking noo ang kanyang sagot.
"What's with you and Isaac?" naguguluhan kong tanong sa kanya.
"Isaac? Oh, Cole..." Ngisi niya na medyo naguluhan pa. "Nothing. We're not acquainted or something. We're absolutely strangers," sabi niya at pinagkadiin-diinan pa ang salitang 'strangers'.
"Eh bakit parang kilalang-kilala mo kaming dalawa o kung anumang nangyayari sa amin?" hindi ko na napigilang itanong.
Ngumiti ito at inalis ang pagkakatingin sa akin saka pinaandar ang aking sasakyan. "Well, that's an easy question."
Muli siyang humarap sa akin nang mai-start na ang kotse at seryoso akong tinignan.
"I'm Martin,” he answered. “Rona's my cousin.”
Napaawang naman ang aking bibig sa kanyang sagot at hindi ko inaasahang pinsan niya pala si Rona.
"But don’t worry. Hindi ka naman niya sinisiraan sa akin,” pahabol niya at nagsimula ng magdrive. “She's just scared of you. That's all."
"Scared of me?"
"Yup!" Tumango naman siya sa akin. "Parehas kayo ng subdivision ni Cole right? Magkatabi ang bahay ninyo?"
"Oo..." sagot ko na lang. "Pero akit natatakot sa akin si Rona?"
Gusto kong malaman kung bakit dahil wala naman akong nakikitang dahilan para matakot siya sa akin. I never gave her a threat or something. Am I that intimidating for her?
"My cousin's scared because she can feel that you don't like her for Cole. And she got more scared dahil alam niyang kung papipiliin mo si Cole ay ikaw ang pipiliin niya at hindi ang pinsan ko." sumeryoso na ang tono ng boses niya.
Kinagat ko naman ang aking ibabang labi at gusto kong sabihing lumayo na ako kay Isaac ngunit hindi niya pa rin itinitigil ang relasyon nila ni Rona kaya hindi na dapat siya matakot dahil siya ang pinili ni Isaac at hindi ako.
"To be honest, I don't like him for Rona," he stated na dahilan kung bakit ako napatingin sa kanya. "My cousin loves him too much at sa tingin ko ay hindi na maganda ang nakikita ko. It's like she's depending her life to Cole. That when Cole's going to break her, it will never be fixed."
Sa tingin ko'y hindi kakayanin ng konsensya ko ang paghiwalayin sila Isaac at Rona nang dahil sa naririnig ko. Pakiramdam ko'y kapag nagpatuloy pa ako sa pag-iwas kay Isaac ay baka madamay si Rona. Minahal niya lang naman si Isaac at nagkataon na pareho kami ng nararamdaman sa iisang tao.
If I'm going to sacrifice, dapat ay lubos-lubusin ko na. Dapat ay wala ng iba pang masasaktan. Dapat ay ako lang.
"How about you?" Biglang baling sa akin ni Martin nang huminto kami sa tapat ng aking bahay. "Do you like my cousin for your best friend?"
Huminga ako ng malalim at masakit man ay kailangan kong aminin kung ano ang tingin ko sa kanilang dalawa.
"Yes..." sagot ko at nakita kong hindi siya makapaniwala sa naging sagot ko. "I can see that she takes really good care of Isaac. She loves him so much. If Isaac's girlfriend is someone like her, I think I'll be at ease."
Napabuntong hininga naman siya. "I thought we're on the same page…”
Napatingin ako sa kanya dahil tunog problemado siya.
"I thought you could help me tear them down,” he continued.
"Gusto mong paghiwalayin sila?"
"Yes," mabilis niyang sagot na para bang hindi na niya pa kailangang pag-isipan. "It's for my cousin's good too. I've thought of a plan pero kasama ka sana sa plano ko na 'yon. But I think I need to make a Plan B because you're in favor of their relationship."
"What kind of plan?"
He grinned at me. "Will you be a part of it when I tell you what my plan is?"
I could tell that he was tempting me. Na tinitignan niya kung hanggang saan ako aabot para malaman ko ang plano niya. He was tricking me to be a part of it and I was falling for that trap.
"Tell me about it first.”
Lumawak ang kanyang ngiti at tumingin sa labas kung saan tanaw ang aming bahay.
"Puwede bang pumasok muna tayo sa inyo?” nahihiya niyang sabi ngunit kitang-kita ang pilyong ngiti. “Naiihi na ako eh."
Napailing na lamang ako sa kanyang sinabi at hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o hindi.
"Please..." Ngiti niya at ngumuso saka pinagsalikop ang kanyang mga kamay.
Napabuntong hininga ako. "Tara na nga," sabi ko na lang at lumabas na ng kotse at agad naman siyang sumunod sa akin.
Pagkapasok na pagkapasok namin sa bahay ay tinuro ko sa kanya ang common bathroom at agad niya namang tinakbo ang distansya ng baninyo't pumasok na sa loob.
"Sino 'yon, Lorraine?" tanong ni manang sa akin.
"Kaibigan ko lang po," sagot ko. "Naki-ihi lang po dahil hinatid niya ako dito at may pag-uusapan lang po."
"Nako, Lorraine ah!” Babala sa akin ni manang na nanlalaki pa ang kanyang mga mata. “Kapag nakita kong umakyat kayo sa kuwarto at hindi ako magdadalawang isip na tawagan ang mommy mo."
"Manang! Kung anu-ano naman pong pumapasok sa isipan ninyo. Hindi ko po gagawin 'yon!" agad kong pagtutol sa ideyang tumatakbo sa isipan niya.
"Aba't siguraduhin mo lang, Lorraine. Baka mamaya'y nag-iibang landas ka na rin katulad ng mga ibang kabataan diyan ngayon," ani manang. "Tiyak nang mapapalipad ka kaagad sa Canada at magiging preso ka doon ng mommy at daddy mo kapag nagkataon."
Iniisip ko pa lang ang sinasabi ni manang na magiging taong bahay ako at home school kasama nina mommy at daddy ay hindi na pumapasok sa aking isipan ang magkamali.
"Don't worry, manang. Hinding-hindi ko po 'yon gagawin," sabi ko at nilagay ko pa ang aking kamay sa aking dibdib. "Mahal ko po ang sarili ko at lalong-lalo na po ang puri ko."
"At hindi ko rin po siya type kaya don't worry po."
Napalingon naman kami ni manang kay Martin na pinupunasan ang kamay niya gamit ang kanyang panyo.
"Hindi rin naman kita type!" sigaw ko pabalik. "I don't like you, duh?!"
"Well, I don't like you more.” Hindi siya nagpatalo at saka humalukipkip. "You're not even likeable."
Bahagya naman akong napahinto sa kanyang sinabi sa akin at para akong tinamaan ng katotohanang I wasn’t likeable. Iyong kaya walang nanliligaw sa akin; iyong ilang taon na akong nabubuhay sa mundong 'to pero wala pa ring nagkakagusto sa akin ni isa.
Siguro nga ay totoo ang sinabi niya. I'm not really likeable.
"Oh sige na! Naniniwala na ako sa inyong dalawa. Doon na lang kayo sa sala at tinignan-tignan ko kayong dalawa," sabi ni manang saka pumunta sa kusina.
Panandaliang kaming binalot ng katahimikan ni Martin kaya naman ako na ang bumasag dito.
"Halika. Upo tayo," pag-aaya ko na lang sa kanya saka nauna ng umupo sa mga sofa na agad naman siyang umupo sa aking tapat.
Lumabas naman ulit si manang mula sa kusina na may dala-dalang juice at cookies bago na umalis din naman agad.
"Uhm,.. ano nga pala 'yong plano mo?" tanong ko sa kanya at pinipilit ko ang sarili kong ngumiti.
"Gusto kong pagselosin mo si Cole," seryoso niyang sabi sa akin.
"Pagselosin ko si Cole?" nagtataka kong tanong.
Tumango-tango siya saka uminom ng juice. "Yup."
"How can I do that? Paano ko siya pagseselosin at bakit naman siya magseselos?"
Gulong-gulo na ako sa kanyang mga sinasabi't pakiramdam ko'y pinapaikot niya lamang ang pag-iisip ko.
"That's why I'm here," sagot niya. "Pagseselosin natin siya. You and me."
"Tayo?" My forehead creased. "That's impossible. Hindi siya magseselos. Walang dahilan para magselos siya."
"Meron, Lorraine." Ngiti niya sa akin. "Merong dahilan para magselos siya sa ating dalawa."
"At ano naman 'yon?"
"It's because he loves you, Lorraine," simpleng sagot niya sa akin. "He loves you at hindi niya pa 'yon naaamin sa sarili niya kaya ginagamit niya ang pinsan ko para mapatunayan niyang mali ang nararamdaman niya tungkol sa 'yo."
Napailing naman ako sa kanyang sinabi at kahit anong pilit ko sa sarili kong maniwala sa kanyang sinasabi ay wala talaga.
"That's nonsense, Martin!” Napataas ang tono ng aking boses. “Huwag mo akong lokohin."
"Okay. Let's just say na sige hindi ka niya mahal," sabi niya at muli na namang nakaramdam ng pagkirot ang aking puso. "But you're his best friend. Sa tingin mo ba'y hindi siya magseselos kapag may bagong lalaking kaibigan na ang kanyang best friend na puwede siyang mapalitan?"
Kinagat ko naman ang aking ibabang labi habang pinapakinggan ang kanyang mga sinasabi.
"So, are you in?" tanong niya sa akin. "I swear that I'll be the best friend you'll ever have."
Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakita kong nakangiti siya sa akin. Napabuntong hininga na lamang ako at tumango upang ipaalam na sumasang-ayon ako sa gusto niyang mangyari.
This is my last card. Kapag wala pa ring mangyayari after this plan ay hahayaan ko na talaga silang dalawa at hindi na ako makikialam pa. I'll just support and be happy for them.
"Pero, Martin..." I heaved a sigh as I couldn’t take his words off from my mind. "Am I really not likeable?"
Nakita kong nawala ang kanyang ngiti at diretsong tumingin sa aking mga mata.
"You have beautiful eyes and long wavy hair. You have a thin and pinkish lips. I really like how long your eyelashes are. You're beautiful, Lorraine." He sincerely smiled at me. "I'm sorry kung nasabi ko 'yon. I never thought that you'll take it seriously. It's just a joke. If anyone tells you that you're not likeable, just tell me at hindi ako magdadalawang isip na itali sila at patitigin sila sa 'yo dahil maganda ka at bulag na lang siguro ang hindi makakapagsabi no’n."
Napangiti naman ako sa kanyang sinabi at lumapit ako sa kanya upang bigyan siya ng isang yakap ng pagpapasalamat.
"Thank you, Martin," I uttered. "You made me feel so special. I admire you for that."
He slowly and gently patted my back. "I'm just stating the truth."
Humiwalay naman ako sa pagkakayakap sa kanya. Inilahad ko ang aking kamay saka ngumiti.
"Friends?" I asked him.
Without ado, he smiled back and shook my hand. "Best friends."