Chapter 8

1671 Words
Answer Inaayos ko ang aking buhok at tinali ito into half ponytail ngunit hinayaan ko pa ring nakalaglag ang aking bangs nang biglang tumunog ang aking cellphone. "Hello?" sagot ko nang maitapat ko sa aking tainga. "Hello, bae!" masayang bati niya at inilayo ko muna ang cellphone sa aking tenga sa sobrang lakas ng pagkakabati niya sa akin. "Bae? Bae mo mukha mo!" sabi ko sa kanya nang mabalik ko ang cellphone sa tapat ng tenga ko. Napahalakhak siya sa akin reaksyon. "Mahal na mahal mo talaga ako eh, no?" "Puwede ba, Martin?” iritado kong sabi habang sinusubukang habaan ang pasensya. “Tigil-tigilan mo muna ako dahil baka hindi kita matantya at masapak kita." "You can't do that, bae," sabi niya at dinig na dinig ko ang kanyang muling pagtawa ng mahina. "I'm not with you. You can't touch my body." "Halika dito at sasapakin kita at hindi na ako magdadalawang isip na gawin 'yon." "Yiee! Gusto niya akong makasama,” patuloy niya sa pang-aasar. "Magtigil ka nga, Martin, at bilisan mo na dahil naiinip na ako," sabi ko sa kanya at umupo sa aking kama. Muli na naman siyang tumawa dahil alam niyang nagtagumpay siya sa pang-aasar sa akin. "Okay na po. Just wait." "Ingat. Bye," sabi ko at binaba ko na ang tawag bago pa siya makapagsalita ulit. Napailing na lamang ako. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na bahagyang matawa nang dahil sa kakulitan ni Martin. Kahit na madalas siyang nakakainis kaysa nakakatuwa ay hindi ko pa rin maitatangging napapasaya niya ako kahit papaano. "El?" Halos mapatalon ako sa boses na aking narinig at mabilis na napalingon sa pintuan ng aking kuwarto kung saang nakasilip doon si Isaac na nag-aalangang pumasok sa loob. "Isaac..." marahan kong pagkakasambit ng kanyang pangalan. Hindi ko inaasahan na pupunta siya dito ngayon sa amin dahil halos isang linggo na rin kaming hindi nagkakausap at nagkikita. "Can I... uhm... Can I come in?" tanong niya sa akin at akmang bubuksan na ng tuluyan ang aking pintuan upang makapasok na sa loob. Tumango ako at tipid na ngumiti sa kanya. "Okay."  Ang sabi ni Martin, kapag gustong makipag-usap sa akin ni Isaac ay pumayag ako ngunit kailangan kong limitahan ang aking sarili. Hindi puwedeng katulad pa rin kami ng dati. Dapat ay iparamdam ko pa rin kay Isaac ang mga nawala at nagbago sa aming dalawa. "Uhm, mukhang may lakad ka ah," puna niya nang makaupo siya sa bean bag. "Oo eh," sagot ko na lang saka umupo sa aking kama at hinarap siya upang mas makita ko siya ng maayos. Hindi ko maipagkakailang nakakamiss siya. Sobrang nakakamiss siya dahil ilang araw din kaming hindi nagkita at nagkausap. Hindi pa rin ako sanay na ganito ang aming sitwasyon kahit na ako naman ang humiling ng distansya sa pagitan naming dalawa. Sino ba naman ang agad-agad na masasanay kung nawala ang isang bagay na nakasanayan mo na? "Then I guess, I can't have you all day, right?" he asked, still sounding hopeful. Umiling ako agad. "Sorry. I already have my plans for today," paliwanag ko sa kanya. "Why don't you just go out with Rona?" Pangalawang sinabi sa akin ni Martin ay lagi ko daw ib-brought up si Rona tuwing magkausap kami ni Isaac upang maipakita ko kay Isaac na okay ako sa relasyon nila ni Rona kahit na hindi naman upang mapalagay ang loob ni Isaac. Tinanong ko nga kay Martin kung bakit dapat mapalagay ang loob ni Isaac gayong gusto nga namin silang maghiwalay. Ang tanging sagot lang sa akin ni Martin ay mare-realize din daw ni Isaac yun sa tamang panahon. Tinatamad daw kasi siyang mag-explain pa ng mas makabuluhan at binatukan ko siya noon nang dahil doon. "She's busy today,” he told me. “She's doing some research and I just want to spend this day with you. Sadyang minalas lang ata ako sa araw at may lakad ka pala ngayon." "Wala eh. Ganoon talaga.” Ngumiti ako sa kanya at tumayo na sa aking kama upang ayusin na ang sling bag ko. “Minsan minamalas tayo, minsan sinuswerte." Panandalian kaming binalot ng katahimikan at tanging ang pag-ugong lang ng aircon ang aming nadidinig nang muli siyang magsalita kasabay ng paninigas ng aking katawan ng maramdaman ko ang marahan niyang paghaplos sa aking braso. Dati pa naman niya iyon ginagawa sa akin pero sadyang iba na ang epekto ng lahat sa akin magmula nang aminin ko sa sarili ko ang nararamdaman ko para sa kanya. "But... we're okay right?" pabulong niyang tanong sa akin at dama na dama ko ang pag-asang nahimigan ko sa kanyang boses. "You're still my El, right?" Napapikit ako nang dahil sa kanyang tanong at hindi ko alam kung ano ang aking isasagot. Napakasarap pakinggan na sa kanya ako pero ang sakit dahil kahit na sa kanya ako ay alam kong hindi naman siya sa akin. Mayroon nang nagmamay-ari sa kanya at hindi ako 'yon. Pagkatapos kong bumuntong hininga ay matapang ko siyang hinarap. Bahagya naman siyang napaatras sa akin nang dahil sa biglaan kong pagharap sa kanya. To assure him, I smiled. "We're okay, Isaac." Nakita kong sumilay ang mas masiglang ngiti galing sa kanya na para bang muli siyang nabuhayan ng loob hindi katulad ng aura at ngiting ipinapakita niya kanina. "Lorraine, nandyan na sa baba si Martin at hinihintay ka na," biglang sabi ni manang mula sa labas ng aking kuwarto. Nilingon ko si Isaac na parang hindi makapaniwala sa sinabi ni manang. "Tara na sa baba, Isaac," nakangiting pag-aya ko sa kanya. "O-Okay..." nauutal niyang sabi at nauna na akong lumabas ng aking kuwarto bago siya sumunod na nakatabi sa akin na parang ayaw niya ng lumayo. Habang pababa kami ng hagdanan ay mas lumapit pa si Isaac na dikit na ang kanyang katawan sa akin saka bumulong. "Who's Martin?" he asked. "You'll see..." I just vaguely answered. Nang makarating na kami sa aming tanggapan ay agad na napansin ni Martin ang aming presensya at humarap siya sa amin na hawak-hawak niya ang picture frame ko noong bata pa ako. Bumungad sa pandinig ko ang kanyang halakhak. "Kamukha mo si piglet dito!" pang-inis niya agad sa akin. Mabilis kong kinuha ang throw pillow na nasa aming sofa at binato sa kanya na agad naman siyang nakaiwas. "Princess costume 'yan, stupid! I'm princess Aurora," iritado kong sabi. "Princess my ass." Umirap siya sa akin saka bumalik sa dating kinalalagyan ng picture frame bago siya pormal na humarap sa amin ni Isaac. Ngumiti siya sa akin at ang ngiting 'yon ay hudyat na kailangan na naming umalis na dalawa upang maiwan si Isaac. "So uhm.. Isaac." Nilingon ko si Isaac na ngayo'y pirming nakatingin kay Martin na nawala nang tawagin ko siya. "We better go," paalam ko sa kanya at tinuro na ang pintuan. "If I said no, would you still go with him?" I was slightly taken aback nang dahil sa tanong niya sa akin but I immediately composed myself saka ngumisi sa kanya. "Silly, Isaac! Of course not," sabi ko. "We plan this day for us at hindi puwedeng maudlot ‘to, right, Martin?" Nilingon ko naman ngayon si Martin na nakangiti at hindi makapaniwala sa sinasabi ko't pinandilatan ko siya ng mga mata ko para ayusin niya ang sagot. "Yes, bae." Ngisi niya at lumapit sa akin saka ako hinapit sa aking bewang upang mas mapalapit sa kanya. Nakita ko namang nalipat ang atensyon at tingin ni Isaac sa kamay ni Martin na nakahawak sa aking bewang. Kung wala lang si Isaac ay baka nabali ko na ang kamay ni Martin pero dahil nandito siya ay hahayaan ko na lang. "Don't worry, pre. I'll take care of her," Martin assured Isaac but I knew otherwise. Naningkit ang mga mata ni Isaac sa kanya. "I'll let you pass for this day," sabi niya. "But to be honest, I don't want you for her. I don't trust you," walang preno at dire-diretsong dagdag niya. Ngumisi naman si Martin sa sinabi ni Isaac. "Then, where even. That's fine with me." Nakita kong nagkakainitan na ang dalawa't bago pa mapunta kung saan ang palitan nila ng salita ay agad na akong umextra. Ayokong umabot na magpisikalan pa ang away ng dalawa. "Bae, tara na," inaya ko na agad si Martin at saka lumingon kay Isaac. "Una na talaga kami, Isaac. Kailangan naming sulitin 'yong araw na walang pasok eh." Hinawakan ko ang kamay ni Martin kahit na labag ito sa aking kalooban at mabilis siyang hinatak palabas ng bahay namin bago pa ulit magsalita si Isaac at sumagot si Martin hudyat na hahaba na naman ang usapan ng dalawa at pagpapalitan ng mga may double meaning na salita. "El, please be home early!" sigaw ni Isaac bago pa ako makapasok ng tuluyan sa loob ng sasakyan ni Martin. "Early?" Natawa si Martin. "It means we're going home late then dahil mukhang hihintayin ka niyang dumating." Ang totoo niyan ay hindi ko na alam sa sarili ko kung tama ba itong ginagawa namin ni Martin. "Text him and tell him that we're going home early dahil sinabi niya," utos sa akin ni Martin. "Kailangan ko pa bang gawin 'yon?" tanong ko at sabay baling kay Martin na seryosong nagmamaneho. "The more na kailangan mo pang gawin 'yon," sabi niya lang sa akin. "Why do I have to do that?" tanong ko. "At least answer that question at huwag mong sabihing tinatamad kang sumagot dahil magkakapasa ka talaga sa pisngi ng ‘di oras." Tumawa naman siya't napailing sa aking sinabi ngunit agad din namang nagseryoso. "Para masaktan siya," simpleng sagot niya sa akin. "Bakit kailangan natin siyang saktan?" Alam kong nasaktan ako ni Isaac but he doesn't know that fact at hindi rin porket nasaktan ako ay kailangan ko rin siyang saktan. "Dahil kapag nasaktan siya, tatanungin niya ang sarili niya kung bakit siya nasasaktan. And you know what answer he'll get?" Lumingon siya sa akin at ngumisi. "Is he loves you," pagpapatuloy niya at dama ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD