Fever "Mukha kang tanga alam mo ba ‘yon?" natatawang sabi sa akin Martin nang may sinukat akong damit. Sumimangot ako sa kanya. "Puwede bang sabihin mo na lang kung bagay sa akin o hindi at hindi 'yong kung ano-ano pa 'yang kino-comment mo?" Ngumisi naman siya sa akin at nag peace sign. I just rolled my eyes at him. "Try this one,” sabi niya at binigay sa akin ang isang black casual dress. “I think this one's good on you." "Pag ako ininis mo na naman, kakaltukan na talaga kita," banta ko sa kanya at bumalot sa tenga ko ang kanyang pagtawa bago pa ako tuluyang nakapasok sa fitting room. "Why are you so hard on me?" natatawa niyang sigaw habang sinusubukan kong suotin ang ibinigay niyang dress. Hindi na lang ako nagsalita at inayos ang laylayan ng dress at nilagay sa isang side ng bal

