Realize "Kuya Marts, I'm going to go home now,” Rona told her cousin. “Are you coming with me or..." Nilingon ko silang dalawang magpinsan na nag-uusap at nakita kong tumingin sa akin si Rona at bahagya akong nginuso bago muling bumaling kay Martin. "I'll stay here for a while," sabi ni Martin. "Your driver's with you, right?" "Yes, Kuya," simpleng sagot ni Rona. "Okay. Now go home and please take care," sabi ni Martin at hinalikan sa noo si Rona na nagpangiti sa akin. Siguro'y kung kapatid ko itong si Martin ay sobrang maalaga at sweet siya dahil kahit pinsan niya lang si Rona ay kitang-kita ko kung paano niya ito alagaan. Lumapit naman si Rona kay Isaac at ngumiti bago siya hinalikan sa pisngi habang natutulog. Napalunok na lang ako upang hindi maramdaman ang sakit na nararamdaman

