CHAPTER 1

1370 Words
“MONIQUE HARRIET ARTELLANO POV” DAHIL sa sobrang iyak ay hindi ko namalayan na Nakatulog pala ako. Hindi ko kasi lubos maisip kung bakit ganiyan Sila kuya, totoo na hindi ako nakapag aral kaya medyo may katangahan din ako pero hindi ibig Sabihin no’n ay b*bo na ako marunong naman ako mag basa at mag sulat. “Princess” nabigla naman ako at napatayo ng walang oras. Iba Ang pakiramdam ko ngayon mainit Ang katawan ko mukhang nilalagnat ata ako. “Anong ginagawa mo dito? Diba Sabi ko sainyo ayuko ko kayong makita” inis Naman na wika kay Kuya Devon. Bumuntong hininga naman si kuya Devon, agad Naman niyang hinawakan Ang noo ko dahil kita ata sa Mukha ko na Hindi ako ayos sa ngayon. “Grabe siguro Ang lalaki na iyon, nilagnat ka ba naman” natatawa namang wika Niya sakin kaya sinamaan ko Naman agad siya ng tingin, natahimik Naman kaagad siya. “Inaasar mo ba ako? Gusto mo bang sapakin kita?” inis Naman na wika ko Dito, napakaaga pa para ako'y pag tawanan ng siraulo na ito. Niyakap Naman agad ako ni kuya Devon. “Wag ka ng Magalit princess, may ginawa kami oh. Paborito mo na tinola at pancit, wag ka ng Magalit samin” Napabuga Naman ako ng hangin at kumalas sa pagkakayakap niya. “Wag niyo nalang po ulitin Ang nangyari dahil Hindi ko na kayo patatawarin sa susunod” Agad Naman siyang tumayo at sumulado Naman siya Sakin. “Masusunod aming kamahalan” Iiling iling naman ako ng dahil sa sinabi niya. Tumayo Naman agad ako at agad Naman akong nag tungo sa pinto binuksan ko Naman kaagad ito at isa isa namang nadapa Ang mga kuya ko. Nakikinig pala Sila sa usapan namin ni kuya Devon, Marahil ay inutusan na Naman nila ito na suyuin ako dahil Hindi marunong Ang mga ito manuyo. “Prinsesa namin pinaghanda ka namin ng makakain at iyong tubig na pang ligo” sambit Naman ni Kuya balong. Si Kuya Gilbert Naman ay namamaga pa Ang kaniyang pisngi. Tumango lang Naman ako at dumiretso na agad sa hapagkainan tiyaka ako Kumain. “Bilhan niyo ng gamot yan, nilagnat e” agad namang nag tungo si kuya berting sa loob ng kwarto nila at kinuha Ang Pera Niya. “Wag na kuya kaya ko na ito, wag mo ng aksayahin Ang Pera mo” sambit ko Naman dito habang patuloy parin sa pagkain. “Ano ka ba Naman prinsesa namin, wag Kang mag alala ayos lang—” “Sabing wag na e!”inis ko namang wika kaya napabalik Naman kaagad siya, seryuso lamang ako habang kumakain. Wala ako sa mood ngayon Marahil dahil nilalagnat ako. Nang matapos na ako ay nakabuntot Naman Sila Sakin. “Ano ba, Hindi niyo ba ako tatantanan?” Tanong ko Naman sakanila. Umiling Naman Sila at agad na lumuhod sa harapan ko, niyakap Naman nila Ang mga paa ko na para bang inalipusta ko Ang mga lalaki na ito. Ang lalaki ng mga katawan pero tiklop Sila pagdating sakin. “Pasensya na talaga prinsesa namin patawarin mo na kami, Anong gusto mo paparusahan mo ba kami? O di kaya ay wag papakainin...pansinin mo lang kami please lang” sambit Naman ni kuya Gilbert habang nakanguso ito. napakamot Naman ako sa ulo ko at pinatayo Naman Silang lahat, Hindi ko alam bakit ganito na lamang Ang kukute nila. “Oh siya ayos na, wag niyo akong sundan maliligo pa ako ” banas ko namang wika. Bago Naman Sila umalis ay isa isa Naman nila akong hinalikan sa may pisnge ko. Iiling iling na lamang ako at nag tungo na agad sa paliguan namin, naka hiwalay kasi Ang paligoan namin yari ito sa kawayan at dahon ng niyog Naman Ang bubong nito. Masaya Ako sa pamumuhay ko Dito, kahit Wala na kaming mga magulang ng mga kuya ko ay ayos lang Basta Kasama ko Sila. Hindi ko Naman nararamdaman na nakulangan ako sa pagmamahal dahil sobra sobra ako kung mahalin ng mga Kapatid pati na din Ang Lola ko. Noong umayaw ako sa Pag aaral ay Hindi Naman nila ako pinagalitan Ang Sabi lang nila Marahil iyon talaga Ang para Sakin ang hindi makapag tapos ng pag aaral dahil tamad akong pumasok. Nang matapos na ako sa pag ligo ay nag bihis Naman kaagad ako, suot ko Naman Ang jersey ni kuya balong. Marami akong damit na jersey halos lahat ng damit ko ay ganito, lagi Kasi Silang nag lalaro ng basketball at kapag nagsasawa sila ay ibibigay nila Sakin Ang mga jersey nila, para tuloy akong may koleksyon. Nang makalabas na ako ay dali dali Naman akong nag tungo sa loob ng kwarto ko para mag ayos, Hindi paman ako natapos ay bigla Naman akong nagulat ng may humila saakin. “K*ng*na!” sigaw ko Naman. “Bes iyong Lola mo!” sigaw ni conchi habang naiiyak. Kinabahan Naman ako ng husto at tumakbo narin Kasama siya, kahit iba Ang aking pakiramdam ay Wala na akong pakealam gusto ko lang na Makita Ang Lola ko. Nang makarating ako sa paroroonan ni Lola ay kumabog Naman Ang dibdib ko ng Hindi ko siya mahanap. “ Anong nangyayari Kay lola?” Tanong ko Naman Kay conchi. Naiwan Kasi ito dahil mabilis akong nakatakbo Wala na akong suot na tsenilas at iyong buhok ko ay Hindi ko pa nasuklayan, tinitingnan tuloy ako ng ibang kabaryo namin. “Walang tutulong sakaniya na mag Dala ng mga gulay galing sa bundok bigay ni papa e” napapikit Naman ako ng dahil sa sobrang inis. Ito talagang si conchi, pinapakaba ako. Gusto ko tuloy siyang upakan, agad naman kaming nag tungo sa kinaroroonan ni Lola. Nakikichismiss ito sa mga kabaryo namin na mga marites din. “Ay Ayan na si Monique, naku iha Anong pakiramdam ng nawarak kumusta Naman iyang ibabang bahagi mo ayos lang ba yan?” Nanlaki Naman Ang mga mata ni Conchita at napatakip pa ito ng bibig. Napangiwi Naman ako ng dahil sa reaction niya napaka Arte Naman ng babae na ito. Bigla namang tumulo Ang kaniyang luha at niyakap ako ng sobrang higpit na animo’y nanalo ako sa lotto. “Bes! I'm so proud of you! Akalain mo iyon nawarak kana sa wakas” umiiyak nitong wika. Napabuga na lamang ako ng hangin at tatango tango, Hindi ko alam kung bakit sobrang ikinatuwa nila na nakuha Ang puri ko sa ganitong edad, Hindi Naman talaga biro Ang edad ko dahil 26 na din ako. Hindi pa ako nagka boyfriend, ni manliligaw ay takot Sakin bukod Kasi sa malalaki at matitinik tingnan Ang mga kuya ko nanununtok din Kasi ako kaya walang niisang nag tangka na lumapit Sakin kahit Marami Naman daw Ang nag kakagusto sakin. “ Oh siya, tigilan niyo na yang kakachismiss ninyo sa púke ko. Ano Naman kung nawarak na ako” inis ko namang wika at agad ko namang kinuha Ang mga gulay na nasa Sako at kinarga ko Naman kaagad ito. “Naku iha, ipagdadasal namin na sana ay nakabuo kayo ng lalaking nakawarak sa iyo. Gwapo pa Naman daw iyon at Taga siyudad. ” inirapan ko na lamang Sila dahil Hindi ako natutuwa sa mga sinasabi nila Sakin. “Lola Tara na, tigil tigilan mo na yang kakabalita mo na nawarak na ako” inis ko namang wika dahil halos buong baryo na ata Ang nakaalam na nawarak ako noong Isang gabi. Umalis Naman kaagad kami ni Lola Kasama si Conchi, sobrang init ng panahon sa baryo kaya maraming gulay na Naman Ang ipamimigay dahil Wala naman masyadong bumibili nito, mahirap na Naman Ang kitaan ngayon kaya kadalasan Ang mga tao samin Dito ay nagiging mangingisda na naman. Ganun lamang Ang kanilang pamumuhay at masasabi ko na kontento na talaga Sila sa kung ano Mang binigay sakanila, natutuwa na ako dahil Minsan din akong nangarap maging Isang mayaman na babae ngunit noong Nakita ko Ang mga masasayang Mukha ng mga tao Dito ay nag iba Ang pananaw ko sa Buhay. “Lola! Lola!” nabigla Naman ako sa sigaw ni Conchi kaya agad Naman akong napatingin sa likuran ko nanlaki Naman Ang mga mata ko ng Makita ko si Lola na nakahandusay at walang Malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD