“MONIQUE HARRIET ARTELLANO POV”
AGAD Naman naming sinugod si Lola sa Pinaka malapit na hospital, kahit Wala akong Pera ay Hindi na ako nag dalawang isip na isugod siya ayuko namang Makita Ang lola ko na nag aagaw ng Buhay. Iniwan ko na Ang mga gulay sa daan, Wala namang kukuha doon dahil alam nila na uupakan ko Sila pag nangyari iyon.
“Hanggang diyan lang kayo, kami na Ang bahala sa pasyente” bumuga Naman ako ng hangin ng dahil sa sinabi ng doctor ,sobrang kinakabahan ako. Kahit Sabihin pa natin na malakas ako sa suntukan at sakitan pero sa mga ganitong pangyayari ay nanghihina talaga Ang loob ko.
“Bes, uminom ka muna ng tubig umupo kana muna” pagpapakalma naman Sakin ng bestie ko. Umiling Naman ako dahil kinakabahan ako.
Maya maya pa ay bigla namang tumakbo patungo Sakin Ang mga kuya ko at niyakap Naman kaagad ako ni kuya berting. “Pasensya na prinsesa namin, wag ka ng matakot andito na kami”
Tumango Naman ako at napanatag Naman Ang loob ko, may mga trabaho Kasi itong mga Kapatid ko sa bukid Ang iba Naman ay mangingisda kaya dalawa lang talaga kami ni lola na magkasama. Maya maya pa ay lumabas Naman Ang doctor kaya lumapit Naman ako sakaniya.
“Ayos Naman Ang Lola mo nag usap lang kami Kasi Marami siyang nakakatawa na joke e, dahil lang sa init kaya siya nahimatay. Ibibigay ko na lang Mamaya Ang kaniyang gamot at pwede na kayong maka uwi” tumango tango Naman ako bilang tugon sa sinabi ng doctor natuwa Naman ako at nag tungo na kaagad sa loob ng kwarto. Niyakap ko Naman kaagad si Lola dahil takot na takot ako, isa sa kahinaan ko sa Buhay ay Ang Lola ko kaya gagawin ko talaga Ang lahat maibigay lamang ang gusto niya.
“Apo! Akala ko ay mag sasama na kami ng lolo at mga magulang mo. Jusporsanto! Mabuti na lamang talaga at Hindi ako paborito ni kamatayan kaya andito pa ako ngayon. Iuwi mo na ako at nababanas ako sa pangit na doctor na iyon, patawa tawa pa siya sa mga joke ko” inis Naman na wika ni Lola Sakin.
Iiling iling na lamang ako at inalalayan Naman kaagad Namin siya ni Conchi palabas ng kwarto niya, nag tungo Naman kami sa pharmacy para kumuha ng kaniyang mga gamot. Nang makauwi Naman kami ay nag pahinga na lang din si Lola pati na din ako dahil masakit pa Ang katawan ko.
........
DALAWANG linggo Ang nakalipas at Ako naman ay ayos lang ngunit may nararamdaman lang ako na kakaiba sa katawan ko, Hindi ko na lamang ito pinansin dahil Sabi Sakin ni Conchi ganiyan talaga daw pag nag iiba Ang hormones.
“Anong Plano mo ngayon bes, pwede ka Naman mag aral ulit Wala ka pa namang anak” natatawang wika Niya, nasa paaralan ako ngayon Kasama si Conchi nag titinda Kasi kami ng mga kakanin dito dahil ito din Ang Pera na ginagamit ni conchi pang paaral sa mga Kapatid Niya.
“Ayuko na, Hindi ka din Naman nag aral e. Tatanggapin ko na lamang na ganito na ako habang Buhay ayos lang din Naman Sakin dahil Masaya Ako at kuntento na ako sa kung Anong meron ako ngayon. Marahil ito Ang ipinagkaloob saakin” nakangiti ko namang wika sa best friend ko.
Mag sasalita pa sana ako ngunit bigla Naman akong nahilo, Hindi ko Naman namalayan na natumba na pala ako at kinain na ako ng dilim.
.......
NAGISING naman ako sa maingay na paligid, Hindi ko alam kung bakit parang nag kakasagutan Ang mga Kapatid ko na lalaki.
“K-kuya” utal ko namang wika dahil bababgon na sana ako ngunit bigla Naman akong pinahiga ulit ng mga Kapatid ko.
“wag mong subukan na tumayo, baka mapano Ang pamangkin namin!” nakangiti namang wika ni Kuya balong habang inaayos Ang pagkakahiga ko.
“Ano bang sinasabi mo diyan kuya” inis namang wika ko dahil hindi ko Sila maintindihan.
“Buntis ka,kaya ka laging Galit, ayos lang Naman Ang importante may pamangkin na kami!” nanlaki Naman Ang mga mata ko ng dahil sa sinabi nila.
“Hindi ba kayo nag bibiro? Gusto niyo bang upakan ko kayo! Wag niyo Naman ako binibiro ng ganito” naiiyak ko namang tugon, sa edad ko na ito ay natatakot parin akong mabuntis. Iniisip ko Kasi na Ang Bata bata ko pa para magkaroon ng anak. Alam ko sa Sarili ko na napakahirap bumuhay ng Bata kaya Wala akong lakas ng loob na mag buntis.
“Ano ka ba Naman Monique wag ka ngang maging sadista baka lalaki Ang anak mo na mainitin din Ang ulo. uminom ka muna ng tubig at mag relax ka dahil Mamaya uuwi na tayo” nakangiti namang wika ni kuya berting at inabot kaagad saakin Ang tubig.
Maya maya pa ay kumalma Naman ako, Hindi parin maproseso ng utak ko na buntis ako. Bakit ganito na lamang ang ibinigay Sakin, bumuga na lamang ulit ako ng hangin at nakatunganga na nakatingin sa blangkong pader na nasa harapan ko.
“Apo ko! Salamat talaga sa diyos at binigyan na din ako ng magiging apo sa tuhod. Dininig Niya Ang panalangin ko” naiiyak Naman na wika ni Lola Sakin at niyakap ako ng napakahigpit.
“Teka Lola, bakit mo naman pinapanalangin na mabubuntis ako dapat pinapanalangin mo na mabuhay pa ako ng matagal” sambit ko Naman Dito. Siya pala Ang may kasalanan bakit ako nabuntis ngayon. Iiling iling na lamang ako kahit mag tampo ako sa Lola ko ay Hindi ko na mababago na ganap na akong buntis.
“Bes! Salamat Naman at maging Tita na ako. Titang maganda, bes wag Kang mag aalala andito lang ako palagi para Bantayan Ang anak mo walang ibang mananakit sakaniya kundi Ikaw lang” wika nito na nag painis Sakin.
Hindi ko alam kung Anong irereact ko sa mga sinasabi nila Sakin. Nakatulala lang ako habang Sila Naman ay tuwang tuwa, naiisip ko na Naman Kasi iyong matanda na nag kwento Sakin na masakit daw manganak. Tiklop talaga ako pag dating sa mga ganitong Bagay, gusto ko nalang mag tago sa loob ng panty ni Lola dahil sa sobrang kaba.
“Monique ayos ka lang bakit namumutla ka ata, Conchita tawagin mo nga iyong doctor at Sabihin mo na suriin ng mabuti Ang apo ko. Siya Ang tatamapalin ko kung may mangyayaring masama sa apo ko” inis namang wika ni Lola at agad na hinagod hagod Ang likuran ko.
“Apo ano bang naiisip mo?” wika Naman Niya habang nag aalala Sakin.
“Lola, masakit po Ang manganak pwede po bang Ikaw na muna Ang iire para Sakin. ” agad ko namang hinawakan Ang kamay ng Lola ko.
“Ayuko po Kasi, kwento ng babae Sakin sa palengke ay halos daw tagawin Niya lahat ng Santo sa langit para mabuhay siya. Alam mo Naman po na marami akong kasalanan, Hindi Sila papabor Sakin pag Ako Ang tatawag sakanila.” naiiyak ko namang wika.
Naalala ko na Naman noong Bata ako ay Hindi ko sinasadya na batohin Ang simbahan, nag lalaro Kasi kami at sa inis ko dahil natalo ako ay binato ko sana Ang kalaro ko...ngunit lumipad ito patungong simbahan at may mga tao pala doon. Nabutas tuloy Ang bubong ng simbahan.
“Apo, Hindi Naman pwede iyon. Ikaw Ang iire... nasa tiyan mo iyan. Kung pwede lang na ako Ang iire ginawa a
ko na para Hindi ka mahihirapan dahil Hindi na kasing laki ng butas ng karayom itong akin” bumuntong hininga naman ako at di na ulit nag salita.
Hindi ko parin lubos na maunawaan Ang mga nangyayari sakin ngayon, bahala na si batman kung Anong mangyayari Sakin.