CHAPTER 3

1364 Words
“MONIQUE HARRIET ARTELLANO POV” HALOS gusto ko Silang utusan lahat, naiinis Kasi ako kapag nakikita ko Sila na pakupad kupad sa pag gagawa ng mga bagay bagay. “Sige push up ka pa diyan!” sigaw ko Naman habang natatawa na nakatingin kay Kuya gilbert natutuwa ako habang pinagmamasdan siya na nakapush up, mahigit isang Oras na din siya diyan at naiiyak na. Andito lang Naman ako sa harapan ng Bahay namin naka upo at nakatitig sakanila, kumakain din ako ng dragon seed pinagmamasdan ko Sila na nahihirapan. “Bes parang sobra Naman yata, tingnan mo siya nahihirapan na Ang kuya mo baka may mangyayaring masama sakaniya. Ayaw mo Naman na mangyayari yan diba?” tumango Naman agad ako bilang tugon sa sinabi ni Conchi. Bumuntong hininga naman ako kahit labag sa loob ko na patigilin siya ay ginawa ko na lamang dahil ayuko namang mahimatay siya ng dahil saakin. “Salamat Naman at natapos na din, Ang sakit na ng katawan at kamay ko” wika ni kuya habang naiiyak na. Wala Dito Ang ibang Kapatid ko dahil pinaakyat ko sa bundok at pinapakuha ko ng maraming prutas, si kuya balong Naman ay nasa taas ng niyog ngayon inaabangan ang pag dilim ng langit tiyaka Niya ibagsak ang dalawang buko. Yan Kasi Ang gusto ko na mangyari e, kaya Wala Silang pagpipilian dahil ginusto ng pamangkin nila Ang lahat ng ito. Tuwang tuwa pa talaga Sila na buntis ako, ngayon ko Sila papahirapan dahil paiba iba Ang trip ng utak ko. “Apo, ayos na ba ito. Kanina pa ako naliligo dito” wika Naman ni Lola habang nilalamig na. “Bes, parang sobra Naman na Ang bango ni Lola Tama na iyan kawawa Naman siya” sambit Naman ni Conchi, sakaniya lang ako minsan nakikinig kung sa tingin niya nakakaawa na Ang mga tao sa paligid ko ay tinatapos ko na Ang mga ginagawa nila. “Oh sige mag bihis kana po Lola” nakangiti ko namang wika at inamoy Amoy siya, nagustuhan ko Naman Ang bango Niya kaya Hindi ko na ulit siya pinaligo. “Bes maawa ka Naman sa mga kuya mo at pauwiin mo na Sila, ipababa mo na din iyong nasa taas ng niyog baka kasi mahulog. Gusto mo ba na Wala ka ng mga kuya” naiyak naman ako ng dahil sa sinabi Sakin ni Conchi at umiling Naman kaagad ako. Ayuko naman na mawalan ng kuya kaya agad ko Naman siyang inutusan na pauwiin na Sila at pababain na din si kuya balong na nasa taas ng niyog. Nakapikit lamang Ang mga mata ko habang nakahawak sa abaniko, Maya maya pa ay nakarating na din Silang lahat. Tumayo Naman ako at natuwa ng Makita ko Ang mga Dala nila, Ang iba ay may mga sugat Ang iba naman ay pulang pula dahil sa sobrang init. “kailan mo ba kami paparusahan. Tama na sana Ang sakit na ng balat ko, natatakot na ako sa taas ng niyog” naiiyak Naman na wika ni kuya balong, kita sa mga Mukha nila na napapagod na Sila ng husto pero Wala Silang magawa ginusto kasi nila na mabuntis ako kaya dapat panindigan nila Ang desisyon nila sa buhay. “Yan lang muna sa ngayon, mag pahinga na kayong lahat at Ako Naman ay matutulog na!” masayang wika ko at agad ng pumasok sa loob ng kwarto ko. Rinig ko Naman na nag hihiyawan. Sila sa tuwa dahil matutulog na ako. Iiling iling na lamang ako at agad na binalot Ang katawan ko sa kumot. ....... ....... Lumipas Ang mga buwan at dumating na din Ang Araw na kinatatakutan ko. “Teka muna bakit Ikaw sumakay diyan sa tricycle k*ng*mo balong Hindi Ikaw Ang buntis bumalik kayo Dito! Nasa loob pa si monique” rinig ko namang sigaw ni kuya Berting. Nag papanic na Kasi Sila, iyong iba kung kapatid ay halos mahimatay na sa sobrang kaba nila. Ako Naman ay tinitiis Ang sakit at palakad lakad lamang ako, minsan Naman ay naka upo at tulala lamang. “Ayos ka lang ba apo? May sakit ka ba na nararamdaman sa katawan mo Sabihin mo Sakin?” sambit Naman ni Lola, bitbit Niya Ang abaniko at binibigyan Niya Naman ako ng hangin baka daw Kasi bigla na lamang akong mahimatay. “Ayos lang po ako, asan na ba Ang tricycle gusto ko ng umire” wika ko Naman. Gusto ko na kasing lumiit ulit Ang tiyan ko at Makita ko na din Ang Bata na ginawa namin ng lalaking Hindi ko Kilala. Nang makabalik na Ang tricycle ay tumakbo Naman Papasok sa loob Ang mga Kapatid ko tiyaka kinarga na ako nila kahit kaya ko pa Naman sana Ang mag lakad. Maya maya pa ay sumakay na din si kuya Gilbert at kuya Devon. Iyong iba ko namang Kasama ay sumunod na lamang samin. Nakatulala lamang ako at Hindi gumawa ng kahit na Anong ingay. Hindi ko Kasi alam kung paano mag react sa sakit, masakit pero kaya ko Naman at Wala Naman akong dapat ikabahala ngayon. “ayos ka lang ba, bakit Hindi ka nag sasalita? Monique Naman” naiiyak Naman na wika ni kuya Gilbert si kuya Devon Naman ay nakaalalay ito Sakin at hinahaplos haplos Naman Niya Ang aking tiyan. Di ko Naman pinansin si kuya Gilbert at napapikit Naman ako, gusto ko muna matulog pero ramdam ko parin Ang kirot sa tiyan ko. “Oy naku naman Monique! Wag ka namang pumikit. Kuya bilisan mo naman” sigaw at tarantang wika Naman ni kuya Gilbert. “Monique ayos ka lang ba, wag ka matulog. Monique!!” sigaw Naman ni kuya devon kaya nainis Naman ako dahil sa Tenga ko siya sumisigaw. “Ano ba Naman kayong dalawa, nag papahinga nga ako pwede niyo namang hinaan yang boses niyo gusto niyo bang sapakin ko kayo naiinis ako sa inyong dalawa” wika ko Naman habang nakapamewang na. Nakaramadam Naman ako ng kakaibang kirot kaya Napabuga Naman ako ng hangin. Di na ulit Sila umimik at hinayaan ko na lang din Sila. Maya maya pa ay nakarating Naman kami sa hospital at bumaba Naman agad ako, inalalayan Naman ako ni kuya Devon tiyaka kami pumasok sa loob. “Kuya wag mo na nga ako hawakan kayang kaya ko Naman Ang Sarili ko!” inis ko namang wika para na Kasi akong walang paa kulang na lamang ay buhatin nila ulit ako. Maya maya pa ay pinapasok Naman ako sa loob, ramdam ko na Kailangan ko na talagang ilabas Ang Bata. Hindi Naman ako gumawa ng kahit Anong ingay ngunit ramdam ko Naman Ang sakit ng tiyan ko humihilab ito kaya bumubuga Naman ako ng hangin. “Hindi ka ba nakakaramdam ng sakit bakit Ang chill mo lang ata” natatawang wika Naman ng nurse. Di ko Naman siya pinansin at humiga Naman ako. “Iire ko na ba itong anak ko, parang gusto ko nalang siyang ilabas agad e” wika ko Naman Dito. Natawa Naman siya ng dahil sa sinabi ko sakaniya. “Pwede na” wika Naman Niya Sakin. Inipon ko Naman Ang lakas ko ng sa ganun ay mailabas ko na Ang anak ko. Maya maya pa ay nag simula Naman ako na iire Ang anak ko, Wala parin akong ginawang ingay bawat ire ko ay kalmado lamang ako. “Push pa konti na lang” nakangiti namang wika ng nurse kaya sinunod ko Naman siya. Tagatak Ang pawis ko ng mailabas ko na Ang anak ko ng tuluyan, halos mawalan ako ng lakas. “Congratulation Miss, lalaki Ang anak mo” iiling iling naman ako. Panigurado na matutuwa na Naman Ang mga kapatid ko dahil may tuturuan na Naman Sila ng kalokohan. Agad Naman niyang nilinisan ang anak ko, Ako Naman ay pinapahinga na muna nila dahil Marami daw Ang nawala Sakin na lakas ngunit Hindi ko Naman ramdam iyon. Maya maya pa ay pumasok Naman si conchi. “Bes!” natutuwa namang wika nito. Tumingin Naman ako sa likuran Niya ngunit Wala namang sumunod sakaniya kaya nag taka Naman ako. “Asan Sila?” “Ah-eh, nahimatay sila” natatawa namang wika niya Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD