CHAPTER 4

1403 Words
“ MONIQUE HARRIET ARTELLANO POV” AFTER 3 years..... “Conrad! Anak halika na dito” inis ko namang wika. Lagi na Lang talaga akong naiinis dahil kung saan saan na nila dinadala Ang anak ko. Ni minsan dalawang Oras ko lang nakikita si Conrad dito sa bahay namin. Halos lahat ng Taga baryo ay gusto siyang Bantayan kaya lumaki Ang anak ko na pilyo at sobrang hilig makipag halubilo, Akala mo nga malaking tao kung makapag salita. “Mama naman, nag push up pa po kami ni Paps” wika Naman Niya habang naka upo sa likuran ni kuya balong. “Kuya!!”sigaw ko habang inis na nakatingin Kay kuya balong na tuwang tuwa dahil sinusunod siya ni Conrad. “Conrad makinig ka Naman sa mama mo, bawal mo siyang galitin” wika ni kuya, kahit alam ko namang tuwang tuwa ito na nababanas ako. Nakanguso Naman Ang anak ko at agad na siyang nag tungo sa kinaroroonan ko. Agad ko namang kinurot Ang pisngi niya, maputi Ang anak ko parang may lahi din Ang Mukha Niya dahil matangos Ang iling maganda Ang kaniyang labi. Ang kulay ng mata niya ay katulad ng kulay ng mata noong lalaki na iyon. “Kain kana, Papasok ka pa sa paaralan ” tatango tango Naman siya at agad Naman Niya akong hinalikan sa pisngi.. Napangiti Naman ako ng dahil sa ginawa niya Sakin. Kung noon ay takot pa ako maging Ina ng anak ko ngayon Naman ay nawala nalang bigla, ginawa ko ng Mundo Ang anak ko at ayuko naman na mawala siya Sakin. Panatag nga Ang loob ko na Hindi na ulit nag kita Ang landas namin ng lalaki na iyon baka Kasi Kunin Niya pa Sakin si Conrad. Maya maya pa ay natapos na din Ang anak ko kaya pinaliguan Naman ito agad ni kuya at si Conchi na din Ang mag hahatid sakaniya. Hindi Naman ako nahirapan sa pag papalaki sakaniya dahil andito Ang mga Kapatid ko at Ang mga kaibigan ko. Wala din akong problema Minsan sa mga bayarin sa paaralan dahil Kilala Naman Ang pamilya namin at kami Ang may Ari ng lupa na pinagtatayuan ng paaralan. Halos lahat ng lupa Dito ay pag mamay Ari ng Lolo ko kaya Malaki din Ang respeto nila saamin. “ Monique!” gulat Naman ako ng biglang pumasok si conchi. “Ano ba! pabigla bigla ka Naman, ayus ka lang ba” wika ko Naman Dito dahil hinahabol Niya Ang kaniyang pag hinga. “Isinugod Ang Lola mo sa hospital, bilisan mo na doon... ako na ang bahala Kay Conrad” tumakbo Naman agad ako patungo sa labas at tinawag na agad Ang kakilala ko na may tricycle. Nang makasakay na ako ay nag tungo Naman agad kami sa hospital, kinakabahan na ako ng husto at nanginginig na din ako. Hindi ko alam kung ayos lang ba si Lola, nakakabahala na Ang kaniyang kalusugan Minsan Kasi nanghihina na lamang siya bigla bigla. “Salamat kuya ambo babayaran na lamang kita Mamaya ” “Ayos lang Monique wag na, oh siya tawagan mo lang ako kapag may Kailangan ka” tatango tango Naman agad ako at nag tungo na kaagad ako sa loob. Nang makapasok na ako ng tuluyan ay hinanap ko Naman kaagad si Lola, ayuko namang mag hintay na lamang Dito sa labas. “Miss Ikaw ba Ang apo ng pasyente?” tumango Naman ako agad. “Kailangan operahan Ang Lola mo, sa ngayon wag niyo muna poproblemahin Ang Pera Kailangan munang mailigtas Ang pasyente sa kapahamakan” wika Naman ng doctor kaya tumango Naman agad ako. Nag paalam Naman siya agad saakin at nag tungo na sa operating room. Bumuntong hininga naman ako at umupo na sa upuan, iniisip ko ngayon kung saan ako kukuha ng Pera. “Monique” napaangat naman agad ako ng tingin at Nakita ko Naman Sila kuya na pawisan pa. Marahil ay kagagaling lang nila sa bundok. “Ayos lang ba si Lola?” Tanong naman Sakin ni kuya berting, umiyak Naman ako at umiling. Agad Naman Silang nag tungo Sakin at pinatahan Naman nila kaagad ako. “Wag Kang mag aalala, magiging okay din Ang lahat. Wag ka ng mag isip ng kung ano ano” wika Naman Niya. Kahit panatag Ang loob ko ngunit ayaw ko namang tumunganga lang Dito at walang gagawin. Gusto ko na Hindi na mahihirapan Ang mga Kapatid ko na humanap ng Pera. Ilang Oras kaming nasa labas at Maya maya pa ay lumabas Naman kaagad Ang doctor. May ibinigay Naman siya samin na papel at tiningnan Naman namin ito. “Nasa magandang sitwasyon na Ang pasyente. Wag na kayong mag aalala dahil ligtas na siya, sa ngayon ay hihingi muna kami ng down payment Malaki laki din Ang babayaran niyo dahil mag tatagal pa Dito Ang Lola niyo. Pag usapan niyo muna iyan at iiwan ko muna kayo” Napabuga Naman ako ng Makita ko Ang mga Numero na andito. Kahit Wala akong pinag aralan ay alam ko Naman kung gaano kalaki Ang kakailanganin namin. “Saan Tayo kukuha nito?” wika Naman ni kuya Gilbert. “Mang hihiram na lang muna Tayo sa kakakilala natin, 150k din Ang Kailangan natin bayaran dito.” bumuga Naman ako ng hangin. “Wag kayong mag aalala kuya, pag naibigay niyo na Ang Pera na iyan ay mag hahanap ako ng trabaho sa siyudad upang mabayaran lahat ng utang natin” problemado ko namang wika. “Wag mo na munang isipin Ang tungkol diyan Monique. Hayaan mo muna kami na gawan namin ng paraan Ang lahat ng ito. Mag hintay ka lang Dito at aayusin namin Ang lahat” tumango Naman ako at di na umimik. Kinakain ako ng pagsisisi dahil Wala man lang akong magawa, Wala akong lakas para mag hanap ng Pera tingin ko sa Sarili ko ngayon Isang napakawalang kwentang bagay. Napaiyak Naman agad ako, naiisip ko kung paano ko kaya bubuhayin si Conrad sa ganitong sitwasyon. Kung noon na mag isa ako at kuntento na ako sa Buhay pero sa ganitong sitwasyon Napa isip na naman ako kung Kailangan ko ba talaga na manatili sa ganitong sitwasyon o Kailangan kung umalis. Tuloy tuloy lamang Ang patak ng aking mga luha, Hanggang sa dumating si conchi Kasama Ang anak ko. Agad ko namang pinunasan ang mga mata ko ,ayuko namang Makita niya na mahina Ang mama Niya..lumaki siya na lagi akong nakikitang matapang at palaban kaya Hindi ko ipapakita sakaniya na nahihirapan ako. “Ma, ayus lang po ba si Granny?” Tanong naman ng anak ko, niyakap ko Naman siya ng mahigpit. “Ayos lang siya anak, kumusta ka Naman sa paaralan?” pag iiba ko Naman ng usapan dahil ayukong mag aalala siya sa Lola Niya. “Okay lang Naman po nakakuha ako ng perfect na score” pag mamalaki Niya kaya naibsan Naman Ang kaninang malungkot na nararamdaman ko. Nang dumating Sila kuya ay pinapunta ko na muna sa labas si Conrad Kasama si Kuya Devon. “Ito na Ang Pera” napatingin Naman ako sa inabot Sakin ni kuya balong mag tatanong sana ako kung saan ito nanggagaling ngunit hinayaan ko na lamang, Ang importante ay mabayaran Namin lahat. “dalawang buwan Naman Ang pagbabayad ng Pera na ito Kailangan lang namin na mag hanap ng maraming part time ngayon” wika Naman ni kuya berting, kita ko sa Mukha nila na napapagod Sila ngunit nakangiti parin Sila. Alam ko Naman na ayaw lang nila akong mag aalala, ngunit Hindi parin nila maiitatago ito ng matagal Sakin dahil alam na alam ko Ang mga Kapatid ko. “Wag kayong mag aalala kuya tutulong ako, iiwanan ko nalang siguro si Conrad Dito at lilisanin ko na muna Ang Lugar na ito” bumuntong hininga naman ako. “Monique kung ayaw mong umalis wag mong pilitin, kaya Naman namin hanapin Ang Pera at ibabalik Naman namin iyan. Hindi mo kailangan na iwan si conrad.” wika nito ngunit umiling Naman ako dahil Hindi dapat na mananatili at mag hihintay na lamang ako Dito habang Buhay. “Hindi kuya, Kailangan ko talaga na makaalis. Sa ngayon po Kailangan ko na munang umalis sa nakasanayan ko ng sa ganun ay maibigay ko Ang magandang Buhay Kay Conrad Hindi lang ito tungkol sa Pera na ibabalik natin, kundi Kay Conrad din” niyakap Naman ako ng mahigpit ni kuya kaya napapikit na lamang ako Ako at bumuga ng hangin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD