“MONIQUE HARRIET ARTELLANO POV”
NGUMITI naman ako ng pilit sa mga kuya ko, kagabi pa ako umiiyak dahil Hindi ko lubos maisip na Isang Araw ay lilisan din ako sa kinalakihan ko na Lugar. Halos Wala akong matinong tulog kakaisip na iiwan ko si Conrad, Ang Lola ko, Sila kuya pati na din Ang bff ko at mga kabaryo ko na nag bigay Sakin ng magandang Buhay.
“Monique wag ka nalang kaya umalis” sambit ni kuya Devon, tahimik siya ngunit alam ko na ayaw na ayaw Niya akong umalis sa Lugar na ito pero Wala akong pag pipilian dahil Kailangan talaga na makaalis ako at makatulong sakanila para mag karoon kami ng Pera.
“Mama, babalik ka pa po ba?” inosenteng Tanong naman ng anak ko. Bumuntong hininga naman ako at agad na akong lumapit Dito, niyakap ko Naman kaagad siya ng sobrang higpit at hinalikan Ang kaniyang noo.
“ Wag Kang mag aalala anak, babalik si mama. Kailangan muna mag hanap ng Pera ni mama para mailabas na si Lola sa hospital” tumango tango Naman si Conrad, agad Naman siyang yumakap Sakin ng sobrang higpit kaya di ko na napigilan na tumulo Ang luha ko. Pinunasan ko Naman kaagad ito at kumalas na ako sa pagkakayakap Niya Sakin.
“Bes, Ikaw na bahala sa anak ko. Alagaan mo Naman siya, tawagan mo ako lagi” lumapit Naman agad Sakin si conchi at niyakap ako ng sobrang higpit.
“Oo bes, wag Kang mag aalala tatawagan kita lagi. Mamimiss ka namin mag ingat ka doon balitaan mo kami pagkarating na pagkarating mo sa siyudad” ngumiti naman ako at tumango.
Lumapit Naman ako sa mga kuya ko at agad ko Naman Silang niyakap ng napakahigpit. “Kuya alagaan niyo si Lola at Ang anak ko, tatawag ako lagi sa inyo”
“Mag ingat ka prinsesa namin kung Hindi mo kaya ay umuwi ka kaagad at susunduin ka namin” tumango Naman ako bilang tugon sa sinabi nila.
Kumalas naman ako sa pagkakayakap sakanila at agad ko Naman Silang nginitian ng sobrang lapad. “Aalis na ako mag ingat kayo” sambit ko at tumalikod na.
Di na ako Tumingin pa ulit sa gawi nila baka Kasi di na talaga ako makaalis ng tuluyan, masyado ko Silang mamimiss ngunit Kailangan ko talaga na makaalis kaagad at makahanap ng Pera. Hindi pwede na Hanggang tunganga at mag hihintay lang ako sa Wala ngayon.
Maya maya pa ay pumasok na din ako sa loob ng bus bitbit Ang bag ko na damit lamang Ang Dala, Hindi ko na dinamihan pa dahil mahihirapan lang ako mas dinamihan ko pa Ang pagkain na Dala Dala ko.
Maya maya pa ay umandar Naman ito, sumilip Naman ako sa bintana at kita ko Naman na umiyak si Conrad kaya napaiyak na din ako. Humagolgol ako ng malakas kaya napatingin Naman Sakin Ang mga pasahero.
Wala Naman akong pakealam kung Anong iniisip nila, miss ko na Kasi kaagad Ang anak ko at mga Kapatid ko. Hindi ko alam kung ano Ang mangyayari Sakin kung nandoon na ako , Wala pa Naman akong kakilala doon at ito Ang Pinaka unang punta ko sa siyudad. Bahala na Lang talaga si batman kung ano man Ang mangyayari saakin.
“Miss saan ka bababa?” Tanong naman Sakin ng kundoktor, tumingin Naman ako sa gawi niya at agad ko namang pinunasan Ang sipon ko na tumutulo dahil sa kakaiyak ko.
“Sa terminal lang po” wika ko Naman at tumango naman siya, sinabihan Kasi ako ni kuya berting sa kung saan dapat Ako bababa. Ginuhit pa nila talaga ito at binigay sakin upang di daw ako mawala.
Habang nasa byahe Naman kami ay bigla namang nag iba ang tiyan ko, Hindi ko alam kung natat*e ako o nasusuka dahil sa tindi ng Amoy.
“Ang baho Naman ng hangin, sino ba ang nag labas ng makamandag na hangin ngayon ” sambit ng pasahero na nasa likuran namin, Hindi Naman ako umimik at tinikom ko nalang Ang bibig ko. Nag Patay malisya na lamang ako ngunit Ang katabi ko Panay tingin saakin na parang bang may suspetya siya na ako Ang may gawa ng matinding Amoy.
“Anong tinitingin tingin mo diyan?” wika ko Naman habang nakatingin sakaniya ng seryuso.
“W-wala” sambit Naman Niya at di na ulit siya tumingin sa gawi ko. Bumuga Naman ako ng hangin at inirapan siya.
Ilang minuto lamang Ang byahe at nakarating na din kami sa terminal, bumaba Naman kaagad ako.
Nakangiti Naman ako ng malapad habang bitbit Ang bag ko. “Andito na talaga ako, ganito pala Dito Ang iingay ng mga tao” sambit ko Naman habang palinga linga.
“Miss asan Ang tsenilas mo?” Tanong Sakin ng konduktor habang nakatingin sa mga paa ko.
Hinanap ko Naman kaagad Ang tsenilas ko dahil Ang alam ko hinubad ko ito at iniwan Dito sa baba bakit nawala at mukhang may nag Dala ng tsenilas ko kaya kwenelyuhan ko Naman kaagad Ang konduktor ng bus.
“May tumangay sa tsenilas ko, iniwan ko lang Dito sa labas e” napakamot Naman siya ng ulo ng dahil sa sinabi ko.
“Miss Naman, hindi mo na iyon makikita dahil doon iyon sa kabilang terminal kaya mag paa ka nalang paalis” inis na wika Naman Niya Sakin at kinuha Ang kamay ko sa kwelyo Niya. Natawa Naman ako ng pilit ng dahil sa sinabi niya.
“Pasensya na po” natatawa ko namang sambit. “Matanong ko lang kuya, saan po ba Ang madaming nag hahanap ng trabaho Dito?”
“Di ko alam” masungit na wika Niya kaya pasimple ko Naman siyang inambahan ng suntok.
Agad Naman akong umalis at Hindi ko na siya pinansin, nag tungo Naman agad ako sa maraming tricycle na nakapila dahil gusto kung pumunta sa mga mall baka sakali ay nag hahanap Sila ng mga bagong trabahador. Kailangan kong makahanap ng trabaho sa ngayon dahil Wala Naman akong matutulugan.
“Manong saan ba pwedeng mag apply ng trabaho ngayon kahit Ano po, kahit construction pa yan” natatawa namang wika ko.
Nag isip Naman Ang matanda, Hindi Naman siya gaanong katanda pero ganun parin matanda parin siya sa paningin ko.
“Ay may. Kakilala ako, Tara” sambit Naman Niya Sakin. Ngumiti naman siya ng nakakaloko ngunit di ko na iyon pinansin.
Sumakay Naman agad ako at nag tungo na kami sa kung saan man, nag taka Naman ako dahil kanina pa ako nakasakay sa tricycle Niya. Maya maya pa ay huminto naman kami sa isang Kanto na walang masyadong tao kaya naisip ko na iba Ang gagawin ng lalaki na ito Sakin. Bumaba Naman kaagad siya at tinutukan ako ng kutsilyo.
“Bumaba ka diyan!” sigaw nito Sakin kaya bumuntong hininga naman ako at bumaba.
“Ngayong Araw na ito ay siguradong liligaya ako” nakangisi namang wika Niya Sakin.
Napapikit Naman ako ng dahil sa sinabi niya. Agad ko namang ibinaba Ang bag ko at inihanda Ang kamao ko.
“Gusto mo talagang lumigaya” nakangiti ko namang wika.
“Oo! Oo!” tuwang tuwa namang wika Niya agad ko namang sinipa Ang tiyan Niya dahilan upang mapaluhod siya. Sinuntok ko Naman Ang kaniyang Mukha kaya napaangat Naman Ang Mukha Niya, hinawakan ko Naman Ang kaniyang kamay at binali ko Naman kaagad ito.
“K*ng*na mo! Wag ako dahil Hindi mo ako Kilala”
“Aray ko, aray ko Tama na tama na. Dadalhin na kita sa pag tatrabahuan mo” naiiyak Naman niyang wika kaya binitawan ko Naman Ang kamay niya, agad Naman akong pumasok sa loob ng tricycle at tumayo Naman siya habang iika ika.
Tinapon ko na Ang kutsilyo na hawak Niya kanina kaya Wala na siyang pang takot Sakin. Maya maya pa ay pinaandar Naman Niya kaagad Ang tricycle Niya at nag tungo Naman kami sa mataas na mga building.
“Andito na tayo” wika Naman Niya Sakin, bumaba Naman agad ako at inilibot ang aking paningin.
“Sa susunod wag mo ng gagawin iyon sa kahit na sino, iyang putotoy mo talaga Ang puputolin ko” sambit ko Naman habang nakatingin sa putotoy Niya ng masama.
“Pasensya na miss Hindi na mauulit!” nanginginig na wika nito at agad Naman siyang nag paalam at umalis na ito kaagad.