“MONIQUE HARRIET ARTELLANO POV” NASA labas na kami dahil pupunta daw kami sa hindi ko alam na lugar kukuha daw kami ng Marriage certificate, Minsan iniisip ko na sobrang hindi kapani paniwala ang mga nangyayari sakin. Akalain mo yan, ilang minuto at Oras lang ang lumipas dahil bigla na lamang akong naging Asawa ng boss. “Ehem, ano nga pala ang gagawin ko ngayon?” sambit ko habang naka cross ang mga kamay. Tinuro naman niya Ang kotse. Tumingin Naman ako sa gawi niya habang nag tataka, Anong gagawin ko sa kotse na ito, Hindi Naman ito akin baka gusto niyang Kunin ko at itakas? Sobrang bigat niyan paano ko kukunin ang bagay na ito. “O-oy nag bibiro ka ba!” wika ko naman habang natatawa ng pilit. Tumingin Naman siya Sakin ng seryoso. “What are you thinking Miss Slow, sumakay ka sa loob”

