“MONIQUE HARRIET ARTELLANO POV ” HINDI ko naman napigilan na humagolgol, sampong taon—sampong taon din akong nag hintay sakaniya pero bakit ganun parin. Hindi parin ako ang pinili niya, bakit hindi niya parin ako kayang mahalin. “Monique” agad ko namang pinunasan ang mukha ko at tumingin naman ako sa likuran. “Monique, Sorry” tumingin naman ako sa ibang direksyon habang pinipigilan na maiyak muli, kinagat ko naman ang ibabang labi ko upang maikalma ang sarili ko. “Alam ko nag antay ka, alam ko na hindi mo inaasahan ito pero pwede mo ba akong pakinggan muna” di naman ako nag salita, tumango lang ako at nauna na akong mag lakad patungo sa dating tambayan namin. Nang makarating naman kami ay umupo naman ako sa kahoy na upuan gawa pa ito ni Liam, matagal na rin na panahon isang dekada na

