“MONIQUE HARRIET ARTELLANO POV” NAGISING naman ako ng maaga at nabigla naman ako ng nasa gilid ko si Benjamin, nakatingin naman siya sakin kaya agad naman akong tumalikod. “Wag ka ngang tumingin sakin ng ganiyan, nakakainis ka naman” tumawa naman siya ng bahagya. “Naiinis ka sakin, pero kagabi niyayakap mo ako habang umiiyak ka. Hindi ka pa lasing no’n broken hearted ka lang” di naman ako umimik at agad ko naman siyang tinitigan ng seryuso. “ Wala ka bang plano na sundan ang lalaki na iyon, kung mahal mo siya—” “Ayuko na, hindi na ako mag aantay pa. Tama nga lang na uusad na ako, hindi lang ako maka usad noon dahil nga hindi ko pa alam ang sagot pero ngayon ay ayos na ang lahat nalaman ko na ang lahat ng sagot na matagal ko ng hinihintay” nakangiti ko namang wika. Agad naman akong bum

