Chapter 4
New School
**
Henry's POV
(A/N: siya po ang tatay ni Sab)
I've been watching the four of them since the day I sent them away from the castle 4 years ago.
At ngayon kalaban na mismo ang naghahanap sa kanila. Hindi ito maaari.
Nung umalis na si Princess sa kusina, pumasok ako ng hindi nahahalata ng tatlo.
And then I use my Ice Aura to freeze them at binura ko ang mga nangyari ngayong gabi sa utak nila..
Sinundan ko si Princess at nakita kong natuklasan na niya ang pinto papunta sa underground.
Nakita ko ang pagkalito sa mukha nya nung makita nya ang apat na simbolo para mabuksan ng lubusan ang underground..
Ginamitan ko narin sya ng Ice Aura at binura sa alaala nya ang nangyari ngayong gabi.
Kailangan may gawin na ako para maging handa sya sa kung ano man ang nakasulat sa propesiya.
"Im sorry Princess... I have to do this for you and for our clan's sake. Alam ko na maiintindihan mo rin ako."
**
Sab's POV
Nagising ako na magaan ang pakiramdam..
Bumangon na ako at ginawa ang dapat gawin tuwing umaga..
Pagkababa ko....
'Coz all of me loves all of you
love your curves and all your edges
all your perfect imperfect-" - Rocco
*PAK!*
"Aww!! Alex naman ihhh... TT^TT" - Rocco
Pano ba naman binatukan ni Alexa..
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na tigil-tigilan mo na ako??!!!! At tumigil ka sa pagkanta kung ayaw mong mabutas lalamunan mo!!!" - Alexa
Ayan na nga ba sinasabi ko. Dati tahimik itong bahay scratch that, Mansion I mean. Ngayon magulo at maingay na dahil sa kanilang dalawa.
At oo nga pala nililigawan ni Rocco si Alexa. Pero si Alexa ayun, iritang irita kay Rocco -_-
Bahala sila sa buhay nila.
Pumunta na ako sa kusina para magluto ng almusal. Marunong naman akong magluto eh, di ko lang alam kung masarap -_- paki ko ba. Basta MARUNONG AKONG MAGLUTO PERIOD.
Pagpasok ko sa kusina aba may pagkain na. Ham Omelet, Hotdog, Bacon at fried rice. Isa lang ang alam kong nagluto nito, si David. Malabo naman kung yung dalawa ang nagluto kasi halatang kagigising lang nila kasi nakapantulog pa.
May silbi din pala tong si David. May good side din naman siya..
Kumain nalang ako kesa mag isip ng kung anu ano.
"Good morning honeypie!!" - David
-___-
Binabawi ko na yung sinasabi ko kanina.
"Masarap ba yung luto ko loves?" ^_^
-____-
"Stop calling me sh*t names!!"
*pout*
Tss!! Childish.
Isa pa yan. Nanliligaw din sa akin yan. Psh!
Wala akong paki.
Kumain nalang siya ng tahimik. Buti naman.
Nakisabay naring si Alexa at Rocco na sobrang tahimik. War zone ata. Paki ko naman. Edi masaya dahil tahimik kaming kumakain.
*fast forward*
(School )
Pagpasok namin sa gate tahimik na at walang mga estudyanteng pakalat kalat. May humarang sa amin na walong mga lalaki.
Anong pakulo to?
Sumugod sila ng walang sabi sabi. Wala kaming nagawa kundi lumaban. Mapilit sila eh.
Salawa kalaban namin bawat isa.
Sumugod sa akin yung dalawa susuntukin ako dapat ng isa pero nakailag ako at sinuntok ko sya sa sikmura.
"Urghh!"
Tsk! Yung totoo? Lalaki ba talaga to?
Sinipa naman ako ng isa umilag ako. Kaya napangisi sya. Psh! Akala mo gwapo. Eh di hamak na mas gwapo si David sa kanya ehh... 0_0 di ko sinabi yun ahh.. wala akong sinabi.. -_-
Sinuntok ako ng sinikmuraan ko kanina kaya tinamaan ako sa pisngi na nakapagpabalik sa akin sa realidad.
-____-
Ginagalit talaga nila ako..
*booogshh!*
*paaakk!!*
*blaaaaam!*
*craaaackk!* (tunog ng buto na nabali)
-___- tumba silang dalawa. Mga weak. Yung isa maga yung mukha, yung isa naman maga na mukha bali pa yung kanang kamay.
Bagay lng sa kanya yan kasi tinamaan nya yung mukha ko. Ayaw na ayaw ko kasing nasusugatan yung pisngi ko. Masugatan lang ako sa ibang parti ng katawan ko. Wag lng sa mukha.
Tiningnan ko yung tatlo na kakatapos lang nilang patumbahin ang mga kalaban nila.
Mukhang hindi nga sila pinagpawisan.
*clap clap clap*
Napalingon kami sa pumalakpak. Tss! Si principal lng pala. Bakit principal? Hindi ko alam pangalan nya ehh.
"You guys amazed me. Nakapasa kayo sa pagsubok ko sa inyo. Hindi niyo ba alam na ang mga nakalaban nyo ay ang mga pinakamalalakas na miyembro ng black mamba g**g? Sila ang kinikilalang hari ng school na to. Kayo palang ang kauna unahang nakatalo sa kanila."- Principal
Eh? Hindi ko nga alam na may naghahari-harian dito sa school.. tss!! Whatever. They're all bunch of weaklings for me.
"And since you beat them, ipapalipat ko kayong apat ng school. No need to worry about the tution fee, may full scholarship kayo hanggang sa makapagtapos kayo."- Principal
-__-
Transfer to another school? Psh! Okay lang. Nababanas na rin ako sa school na to ehh.
"Okay now go home and pack all your things because you're going to stay there since it's a boarding school."
"Sir matanong ko po kung ano yung name ng school na lilipatan namin?" ^_^ - Alexa
Todo ngiti ang bruha. Isa lng ibig sabihin nyan, tuwang tuwa sya sa nangyayari.
"Winter Academy"- Principal
"Eeh?!! San yun? Hindi ko pa naririnig yun ah?"- david
Oo nga. Hindi ko pa naririnig yun.
"Just go. After 2 hours may susundo sa inyo na van. Yun yung maghahatid sa inyo sa Winter Academy. Now move"- Principal
So ayun wala kaming nagawa. Umuwi nalang kami at nag empake.
Kaming tatlo (Ako, David, Rocco) tigda-dalawang maleta yung bitbit namin. Samantalang si Alexa ayun. Tatlong maleta may handbag pa. Tss!! Siguro pati kabinet bitbit nya -___-
Bumaba na kami dahil hinihintay na kami ng sundo namin. Ilang oras pa nasa byahe na kami. Yung tatlo, tulog na tulog. Ako? Eto gising na gising yung diwa. Ilang beses ko ng pinilit matulog pero wa epek.
Tumingin nalang ako sa bintana. Nagulat ako dahil parang kanina lang nasa highway pa kami ngayon puro puno na ang makikita.
Maya maya pa ay puro patag naman yung dinadaanan namin. Good thing sementado paring yung daan dahil kung hindi baka naalog na utak ko kung lubak lubak yung daan.
Pagkatapos ng humigit kumulang isang oras ay sa gilid na kami ng bundok dumadaan. Nakakalula -____-. Yung totoo? Saang lupalop matatagpuan ang Winter Academy na yan? Tss! Hindi ako magugulat kung may bumabyahe papunta dun na mamatay sa daanan palang. -__-
Dahil busy ako sa pag iisip, hindi ko namalayang nakarating na pala kami. Nasa harap ng napakalaking gate na kulay blue yung van na sinasakyan namin. Siniko ko sa Alexa para gisingin at...
"Woooooow!!! Gate palang panalo na!"- Alexa
Tss! Ingay. Kaya nagising sina David at Rocco.
"Oh? Andito na pala tayo?"- David
Ay wala pa, di naman halata diba? Lakas ng tama, kita namang tumigil na yung van namin.
"Anu bayan kung kailan ang ganda na ng panaginip ko. Kinakasal na sana kami ni Alex kaya lang may biglang sumigaw na "woooooow!!! Gate palang panalo na!"- Rocco
"Tange!! Ako yung sumigaw! At anong kasal kasal yang sibasabi mo?!! Gusto mo nang mamatay?!!! Hah?!!!"- Alexa.
At nagsimula na naman sila sa pag bangayan. Tumahimik nalang kami ni David. Nahiya naman kami sa kanila -_-
Bumukas na yung higanteng gate at pumasok na yung van. Napatigil sa pagbangayan yung dalawa at napanga-nga.
Pati ako nga eh. Sa isip ko lang. Ang ganda kasi. Kahit parang isang kilometro ang layo mula sa gate hanggang sa mga buildings, kitang kita na ang nag gagandahan at nagtataasan na mga building. At gawa lahat sa glass. Feeling ko hindi lang yun natural na glass. At ang pangalan na Winter Academy ay parang ginawa gamit ang yelo. Basta ang ganda. Di ko alam panu e explain.
Hmmm..
Winter Academy, here we come.
**End of Chapter 4**