After class, pumunta muna ako sa tambayan para hintayin si Josh. Pagpasok ko doon, nagulat ako dahil patay lahat ng ilaw, walang tao. May klase kaya silang lahat? Pwede kaya akong pumasok?
Bukas ang pinto at may mahinang ilaw mula sa conference room, parang ilaw ng projector. Pumasok ako ng dahan dahan at sinilip ang nasa conference room.
Isang lalaki ang nakaupo at nanunuod ng isang videoclip na naka project. Pinanuod ko ang video na may babaeng tumatakbo at tumatawa, may boses ng lalake sa background, mukha silang masaya. Ilang segundo pa, lumbas sa video si Joshua. 'Yung babae ba si Kaye?
"Anong plano mo kapag grumaduate ka?", tanong ni Joshua dun sa babae sa video.
"Mag-aaral ako ng medicine tapos pupunta ako sa mga remote areas para sa mga taong hindi kayang maka-afford ng pangpa-check up." By the looks of it, mukhang yayamanin si ate girl. "Ikaw?" Tanong niya kay Josh.
"I'm going to be a lawyer."
"Talaga? Papayagan ka kaya ng Papa mo eh ikaw nga ang magmamana ng lahat ng negosyo niyo."
"Si Job na bahala don.", sabi niya at pinisil ang ilong nung babae. Gusto kong masuka sa nakita ko, nakakakilabot na may ganitong side si Josh. "Basta, sabay nating tatapusin 'to at aabutin mga pangarap natin. Walang iwanan ha?"
"Basta tutuparin mo 'yung sinabi mong magq-quit ka na sa WS? I hate what you're all doing, it's too dangerous. "
"Oo, basta natapos lang 'tong last activity namin mags-submit na ako ng resignation."
"Promise?"
"Promise?" Nagyakapan sila sa video at narinig kong mahinang umiiyak si Josh. Isinara ko ang pintuan sa conference room at lumabas ng tambayan.
Paglabas ko gulat na gulat akong tinignan ng isang member ng WS na naghihintay sa labas ng tambayan nila.
"Magpapakamatay ka ba?! Bakit ka pumasok?!"
"Huh? Bakit? Bawal ba? Pinapunta ako ni Josh."
"Umupo ka na dito bago ka pa niya makitang nandiyan ka, dali!" Dali dali akong umupo sa tabi niya. Ayaw niyang sabihin kung bakit hindi ako pwedeng pumasok. May dumaang isa pang slayer. "Hoy alam mo ba 'tong si Cassie, pumasok sa loob."
"Hala tangina ang tapang." sabi niya. Ha? Bakit?! "Naalala ko 'yung nandistorbo sa kanya last year hindi tinanggap eh, namura tsaka nabugbog pa niya. Buti hindi ka nakita, baka kung ano nang nangyari sayo. "
"Bakit?", tanong ko. Hindi nila ako sinasagot. Anong meron?!
Nagbukas ang ilaw ng tambayan at lumabas si Josh na parang walang nangyari. Hindi rin mugto ang mata niya. Sure akong umiiyak siya kanina!
"Pasok.", sabi niya sa akin. Umupo ako sa sofa nila at tinitigan niya lang ako habang nakasandal sa poste. "How long have you been here?"
"Kararating ko lang.", sabi ko in a straight face.
"Okay. There are a few things you need to know about my family. First, Me and my Dad are not in good terms, so kung nakita mong nagsasagutan kami over dinner, its normal. Second, we have to please my grandfather. My lolo is the greatest influencer in our family, he has to like you."
"Napakamatrabaho naman 'tong pinapagawa mo."
"You can do this, for your necklace." Okay then, use that card again. Inirapan ko siya at huminga. "Don't give me that attitude, its not helping. Third, just act natural, if you're too relaxed they'll think its scripted, if you're too nervous they'll think I just got you from the street. You're smart and witty Cassie, you can do this.", sabi niya sa akin na para siyang coach sa isang basketball team na nange-encourage ng player.
"Okay coach.", sabi ko.
"Lastly, Job is my half brother.", sabi niya at tumango ako. "By the looks of it alam mo na, and I can't believe you're already that close to him."
"Yeah, 'yun lang ba ang kailangan kong malaman?"
"Oo, and, change your clothes." Tinuro niya ang box na nasa counter. Naka ripped jeans ako tsaka oversized shirt. "You look like a street gangster."
"Mas mukha kang gangster.", sabi ko. Binuksan ko ang box at may nakita akong red dress, yung pangpa cute lang.
"Why do you love red?"
"It suits you.", sabi niya. "Magpalit ka na, maglagay ka rin ng konting make-up.
"Akala ko ba act natural eh etong mukhang' to ang natural ko. Omg wait, what if they'll ask me about my family?!"
"Don't worry, nasabihan ko na silang sensitive ang topic ng family and I made up a few details."
"Loko ka ba?! Maliit ang mundo paano kung magkita kami o kakilala nila si Dad. Hindi mo ba naisip 'yon?"
"Ang sinabi ko lang naman masakit pa rin sayo 'yung death ng mama mo, tapos medyo hindi kayo okay ng sister mo kasi ampon siya."
"Are you crazy? You made me look like a shallow brat!"
"That's the only way to keep them out of that topic. They should only know a few things about you. Don't overshare."
"Yes coach.", sabi ko. Kinuha ko ang damit at nagpalit. Kinuha niya ang isang pares ng sandals at isinuot sa akin.
"Let's go.", sabi niya. Sumunod ako sakanya, buti nalang naka shoulder bag ako na medyo bagay sa suot ko ngayon. Naka paperbag ang damit ko. "Huwag mo na 'yang isama sa bahay ah."
"Sa bahay?!"
"Oo, hindi ko ba nasabi." Umiling ako."Sa bahay."
"Woah what?! Akala ko sa restaurant?!" Umakyat dugo ko at nanlamig ako bigla. "Hindi mo sa akin sinabi 'yan.
"Why? What's the difference?"
"What's the difference?! It's a hundred times more uncomfortable. You're all in your comfort zones while I'm in somebody else's freaking home. How can I calm down?! Paano kung gusto kong tumakas?! Hindi ako makakatakas kasi naririnig niyong magbubukas yung freaking gate!", sabi ko. Tumawa si Josh. "You think this is funny?!"
Hindi siya nagsalita at nag-drive lang. " Calm down, I'm here.", sabi niya at mabilis na tumingin sa akin na may kasamang creepy smirk.
"I'm more nervous because it's you. Buti nalang nandoon si Job. At least I know, he'll protect me for real." Nagpreno siya bigla.
"Don't act chummy with him around them, I'm warning you. Don't ruin this." Nawala 'yung ngiti niya in just 10 seconds at galit na tumingin sa akin. Ganon ba siya kagalit talaga kay Job?
"Okay.", sabi ko at nag drive uli siya. Hindi na kami ulit nag-usap hanggang makarating kami sa bahay nila. Pinagbuksan niya ako ng pinto.
"Ready?" Tumango ako at lumabas ng sasakyan. May malaki silang front yard na may small pool na mukhang walang gumagamit. Mukhang mamahalin ang grass nila at may nakaparadang tatlong luxury car sa malaki nilang garahe. Malaki ang front door nila parang doon sa mga napapanuod ko sa TV. Hindi kalakihan ang bahay katulad ng ineexpect ko, pero syempre, malaki pa rin kumpara sa mga normal na bahay dito sa Maynila.
"Mamaya ka na magobserve. Naghihintay na sila." Ipinatong niya ang kamay ko sa braso niya. "Remember, act naturally." Sure ka Josh? Awkward kaya ako.
Kinakabahan akong pumasok sa pintuan nilang mas malaki pa sa pintuan ng mall. Joke, OA. Malaki ang living room nila. Pumunta kami sa dining area.
"Apo!", sabi ng isang lalaking may katandaan na pero makikita mong pogi noong kabataan niya. "Is this the girl?", sabi niya.
"Hello, good evening po sir."
"You're so beautiful. Don't call me sir, you can call me lolo.", sabi niya. Ngumiti ako at pinisil ng bahagya si Josh.
"Dad.", sabi ni Josh. Seryosong tingin sa akin ng Papa niya. Ngumiti ako at ngumiti siya pero para isang centimeter lang ang inexpand ng labi niya. So sakanya talaga nagmana si Josh sa kasupladuhan.
"Cheer up! Mukha kang mangangain ng tao, this is your son's new girlfriend, are you not happy? After years napalitan na si-" Hindi itinuloy ni lolo ang sentence at kunwaring umubo nalang at biglang pinalitan ang topic.
"This is me being happy for him.", sabi nung papa ni Josh. Umupo kami sa left side ni lolo habang nasa harap namin si Job at yung papa niya. Ngumiti sa akin si Job.
Kumain kami at nagkwentuhan tungkol sa course ko at mga pangarap ko sa buhay. Syempre, totoo naman na 'yung mga kinukwento ko, mukhang natutuwa sa akin si Lolo dahil nakikita kong tumatawa siya sa mga sinabi ko.
"Huwag mo nang papakawalan 'to Josh ha. Bihira kang makahanap ng isang babaeng maganda, matalino ay may unbelievable sense of humor." Hinawakan ni Josh ang kamay ko, aalisin ko na sana 'yon dahil sa pagkabigla pero hinawakan niya ng mahigpit yon.
"Hindi na talaga lolo.", sabi ni Josh. Yuck, plastic. Ibinaba ko ang kamay naming magkahawak sa ilalim ng mesa at kinurot siya.
"Aray.", sabi niya ng mahina. Tumingin siya sa akin nang nagbabanta at tinignan ko rin siya nang nagbabanta.
"Excuse me.", sabi ni Job. Nagulo ako nang bigla siyang tumayo. Seryoso ang mukha niya. Sinundan ko siya ng tingin pero hindi niya ako tiningnan pabalik. Tatayo na rin sana ako pero pinigilan ako ni Josh.
"Don't.", sabi niya. Hindi ako tumayo at kumain habang nagkkwento pa rin si lolo ng mga experience niya noong World War 2.
Okay lang kaya si Job?