Nag excuse ako papunta sa Comfort Room para sana hanapin si Job pero hindi ko siya nakita. Itinuloy ko ang pag-CR, nag retouch ng kaunti at kinalma ang sarili ko.
Paglabas ko, may naririnig akong sigawan sa dining area. Sumilip ako at nakitang nagtatalo sila.
"Ako nanaman ang mali?", sabi ni Josh.
"Stop it Josh, may bisita ka.", sabi ng Papa ni Josh.
"So? We can't hide how messed up this family is. I tried so hard to make you proud Dad but you never saw it."
"You don't know what you're talking about. This is what Kaye did to you."
"Aries tama na! 'Wag mo nang isali dito ang patay na." Sabi ni Lolo na mukhang nasstress na.
"Hinde, nagsimula kang naging bastos nung nakilala mo 'yong Kaye na 'yon." Namumula na ang mata ni Josh at nakabuo na ang kamao niya. "Katulad lang siya ng nanay niyang kung sinu-sinong hinahawakan."
"Dad, tama na!", sigaw ni Job. Mukhang nabigla din ang papa ni Josh sa sinabi niya. Nahulog ang phone ko at nagtinginan silang lahat sa akin.
"S-sorry po.", sabi ko habang nanginginig. Nagmadaling lumapit sa akin si Josh at hinila ako papunta sa 2nd floor at papunta sa isang kwarto, mukhang kwarto niya 'to.
Tinulak niya ako ng mahina papasok sa kwarto at isinara ito. "Diyan ka lang.", sabi niya sa labas ng pinto at narinig kong bumaba siya sa hagdan. Ano kayang nangyayari? Inisip ko lahat ng narinig ko.
Hindi pala gusto ng Papa ni Josh kay Kaye for some reason. But why?! Because of her family background? But its not her fault.
Umupo ako sa kama at tumingin sa paligid ng kwarto. May bookcase siya sa isang corner na katabi ng work desk niya. May dalawang pintuan maliban sa pintuang palabas ng kwarto. Binuksan ko ang una at CR ang nakita ko, marami siyang pabango at kung anu-anong pang mukha sa malapit sa sink. Binuksan ko naman ang pangalawa at isang walk in closet ang nakita ko. Mas malaki ang kinaing espasyo ng mga sapatos kaysa ng mga damit niya. He's such a guy.
Nag ikot ikot ako at napansin ko ang kalendaryo niyang may mga drawing. Hindi ko inakalang mahilig pala siya magdrawing ng mga mukhang anime at cartoons. Tinignan ko ang bookshelf niya at more than half of it are comic books. Binalikan ko ang kalendaryo at may sunflower na nakasulat sa araw na 'to, sa gitna ng sunflower may letter K na nakasulat at sa baba noon may puso. K as in Kaye? Ano bang meron ngayon? It's either birthday niya, monthsary nila or- death anniversary?
Tinignan ko ang workdesk niya at may mga nakabaliktad na developed photos. Tinignan ko ang isa at mukha ni Kaye habang natutulog ang nasa litrato, ang isa naman nakangiti, at isa naka peace sign.
Lumapit ako sa pintuan at inilapit ang tenga ko sa pinto pero wala akong marinig na sigaw. Tapos na kaya? Hala baka nagpatayan na sila?!
Nagulo ako sa pagpapanic nang marinig kong may paakyat ng hagdan. Lumayo ako agad sa pinto at umupo sa kama. Ilang segundo lang nagbukas ang pinto nang dahan dahan at pumasok si Josh.
May halos isang minuto kaming nagtitigan. May lungkot at pagod sa mata niya. Huminga siya ng malalim at napaupo at nakasandal sa pintuan. Pumikit siya. Dahan dahan akong umupo sa sahig at sumandal sa kama habang nakaharap sakanya.
"Is it that hard? You look like you came from a battle."
"Hindi mo dapat nakita 'yon. This is supposed to be a peaceful family dinner but it turns out its just a test."
"What do you mean?" Tinignan niya ako may kaunting luha na gumigilid sa mata niya. Hindi ko alam pero bigla akong naawa sakanya. Kinwento niya sa akin ang tungkol kay Kaye katulad ng pagkakwento ni Job, kasama na rin kung papaano pinagpalit si Job. I acted like I didn't know the story.
"But I never regret loving her nor even stealing her away from him. Hindi masaya si Kaye kay Job and she also wanted to be with me." Hindi ako nagsalita. There's always two sides of the story, two different sides they believe is the truth. "What I regret is that I didn't wait a little longer, if I waited a little longer then hindi masyadong magagalit si Job kay Kaye, at dahil hindi siya galit, dapat sasagutin ni Job ang telepono noong araw na 'yon.", sabi niya.
"It's her death anniversary today right?"
"I knew it, you saw me a while ago."
"Huh? Saw you where?" Tinuro ko ang kalendaryo. "There. Through my deduction skills, I figured it out. I never knew you draw cutesy stuff."
"It's a hidden hobby."
"Why keep it hidden, if you keep on doing a great job, you can join InkLink and if you join you'll become a DoubleGanger. Hehehe.", sabi ko at ngumiti siya.
"Stupid."
"Sa wakas bumalik na 'yong masungit na Josh, nakakatakot 'yung madramang Joshua eh, hindi ako sanay.", sabi ko. Tumayo ako at lumapit sakanya. Iniabot ko ang kamay ko para tulungan siyang tumayo. Hinawakan niya ako pero imbes na tumayo, hinila niya akong pababa at napaluhod ako sa tabi niya.
"Aray, gago ka." Tumawa siya.
"Don't let your guard down. May mga taong magpapanggap na mahina pero may gagawing masama sayo. Always be ready to defend yourself. Got it?" Inirapan ko siya at tumayo siya mag-isa.
Iniabot niya ang kamay niya at tinulungan niya akong tumayo. "You're not that bad, you know?", sabi niya.
"Ulol, mukha mo gangster.", sabi ko at inayos ang buhok ko. "Take me home." Humingi ng tawad si lolo sa akin pero hindi na ako hinarap ng tatay at ni Job.
Parang ayoko ng mga family dinner nila, nakakatakot.