Napapadalas ang mga labas namin ni Josh. Nagiging thrice a week na. Madalas para takasan ang mga responsibilidad niya, ginagamit niya ako. Hindi niya naman na ako iniwanan katulad ng ginawa niya noon. Naglakad kami sa park ng mga alas-syete ng gabi para pagmasdan ang mga ilaw ng mga buildings. "Ano nanamang rason mo ngayon?", tanong ko. "Bakit ka nanaman tumakas?" "Wala. Ngayon, gusto ko lang lumabas.", sabi niya. Hindi na ako sumagot at tahimik na pinagmasadan ang mga buildings. "Malapit nang matapos 'tong pagpapanggap mo, alam kong excited ka na." "Oo naman.", sabi ko. "Pero maniwala ka man o sa hinde, kahit hindi mo ako tinuturing na utusan at hired worker mo lang ako, I found a peculiar peace in you. Naeenjoy ko 'yong parang ako lang mag-isa kapag kasama kita. Kumbaga, may kasama a

