Pinapapunta ako ni Josh sa tambayan. Ano nanamang ipapagawa nito? Nilulubos niya na ba kasi malapit nang matapos 'to? Papasok na sana ako nang nakita kong magkaharap si Josh at Job na parang may seryosong pinag-uusapan. "Mag-usap nga tayo.", sabi ni Job. "Ano ba sa tingin mong ginagawa natin?" "Nililigawan ko na si Cassie." Mukhang hindi surprised ang mukha ni Josh. Tinignan niya lang si Job na parang wala siyang pakialam. "Oh? That's not a brand new information.", sabi ni Josh. "Tapusin mo na kasi 'yang pinapagawa mo sakanya at ibigay mo na din 'yung kwintas niya. Napaniwala niyo na si lolo na kayo, na-achieve mo ang gusto mo.", sabi niya. Ang bilis ng t***k ng puso ko at may konting kilig akong naramdaman, ganito ba ako kagusto ni Job? "Bakit ba? Nagseselos ka ba sa akin?", sabi n

