CHAPTER 10

1768 Words
“Sir Don… eh, Boss Don… eh… Bossing Don Quixotte—uhm…” Ay, bakit ba ang hirap sabihin? Nakatayo ako ngayon sa may gilid ng kusina habang hinihintay ko siyang matapos uminom ng kape niya. Ang bango niya, amoy imported na kape at mamahaling pabango. Ako naman, amoy Joy dishwashing liquid at mantika mula sa kusina. Hindi bagay, pero push pa rin ako. Kanina pa ako kinakabahan. Pero bahala na, para kay Miko ‘to. Huminga ako nang malalim at tinapangan ang loob ko. “Sir… ano kasi… Miko… eh… I think Miko will happy if… if we go to the parking!” Napalingon siya sa akin. Naka-upo siya sa high chair sa counter, suot pa rin ‘yung formal shirt niya kahit nasa bahay lang. Nakaayos ang buhok, serious face as always. Laging parang may hawak na kontrata ng isang bilyong piso kahit kape lang ang nasa harap niya. “Ano raw?” malamig niyang tanong. Ngumiti ako, ‘yung best smile ko na pang beauty queen kahit amoy suka ako. “Sa park po. You know, playground? Swings, slides… and maybe sand na madumi? Pero it’s okay po, I will cleaning him after, promise! Swear to my shampoo.” Napakunot ang noo niya. Oh-oh. “Miss Marinduque,” sabay baba niya ng tasa ng kape. ‘Yung clink ng tasa parang warning bell na. “Who told you to decide things like that?” “Ah… wala naman po nagsabi. But you know, sir, Miko look at the window every days. Like… like longing! You know longing? As in… parang the heart is… ano… hungry for freedoms? Like that po.” Napapikit siya sandali, huminga ng malalim, at tiningnan ako na parang may sinusukat sa utak ko kung may laman ba ‘to. “You don’t understand anything,” malamig niyang sabi. “Wala kang alam sa pamilya namin, Mira. Don’t meddle with things you know nothing about.” Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Pero push pa rin. “But sir, Miko is sad—” “Enough.” Naputol agad ang dila ko sa tono niya. Mababa pero parang pako na tumusok sa tenga ko. “Hindi mo alam kung anong pinagdadaanan ng bata. Kung anong nangyari sa kanya. So don’t act like you know what’s best for him.” Napakagat ako sa labi ko. “I just… I just want him happy po.” Tiningnan niya ako, matalim pero kalmado pa rin. “Happy is not simple, Miss Marinduque. Hindi lahat ng gusto niya ibibigay ko. At lalong hindi ako papayag na basta-basta mo siyang dalhin sa labas. Hindi mo alam kung gaano siya kasensitibo sa mga lugar na may mabigat na ala-ala.” Gusto kong umiyak sa hiya, pero pinigilan ko. Hindi pwedeng iiyak agad. Laban Mira! Tumango ako ng mabilis. “Yes po, sir. I understanding… but…” “Mira.” Tinawag niya ako ulit, pero this time mas malamig pa sa aircon. “Do your job. Huwag kang umasta na parang alam mo kung paano palakihin ang anak ko. Wala kang alam sa amin.” Doon na talaga ako napayuko. Ouch. Ang sakit. Pero wala akong nagawa. “Yes, sir. Copy paste po,” sagot ko kahit nanginginig na ang boses ko. Binalik niya ang tingin sa kape niya, parang wala lang nangyari. Ako naman, nakatayo pa rin sa gilid, parang tanga na hindi alam kung aalis ba o magdi-dishwash na lang ulit. Finally, tumalikod na lang ako, bitbit ang sarili kong hiya, at bumalik sa kusina. Pagdating ko sa kusina, hinampas ko ng marahan ang sariling noo ko. “Ano ba, Mira? Ang boba mo minsan. Akala mo kasi close na kayo ni Bossing Don, eh cold as refrigerator pa rin siya.” Pero kahit gano’n, napatingin ako sa tray ng kinain ni Miko kanina. Naalala ko ‘yung dalawang beses niyang blink. He wants it… I know he wants it. Napaupo ako sa bangkito sa gilid at huminga ng malalim. “Miko want parking,” bulong ko sa sarili ko, English mode activated kahit mali-mali. “Don’t worry baby prince… one day, we go there. Maybe not now, but someday. Because me, Mira… I will doing everything… for you.” Napatingin ako sa labas ng bintana ng kusina, tanaw ang parehong lumang parke na tinitingnan ni Miko araw-araw. Tahimik, kalawangin, parang haunted. Pero para sa isang batang kagaya niya… baka iyon ang tanging lugar na may alaala ng saya. At kahit hindi ako allowed… kahit hindi ako paborito ni Bossing Don… kahit palagi akong napapagalitan at sablay— I will try again. For Miko. Always. Pero syempre dahil mahal ko ang bata, I will find a way para makalabas kami. Ako pa ba? Maliban sa Reyna ako ng mga sablay, matalino rin ako. Lalo na sa planning. “Okay, baby prince, quiet mode tayo ha?” bulong ko kay Miko habang dahan-dahan kaming naglalakad sa hallway ng mansyon. Suot niya ang paborito niyang jacket, at bitbit ko ang maliit na backpack na puno ng wipes, tubig, at biscuit. Prepared ako, parang field trip lang sa baryo! Miko held my hand tight habang lumalakad kami papunta sa side gate. Ang tahimik niya pero ramdam ko—excited siya. His little fingers kept squeezing mine, parang sinasabi niyang, “Thank you, Tita Mira.” “Don’t worry, Miko,” bulong ko ulit, confident mode. “We going to the park, just nearing only, promisely. We come back before your Daddy knowing. He will not angry because we fast… like ninja!” Napangiti ako kahit kinakabahan. Kasi for the first time, nakita ko ang konting kislap sa mata niya. Hindi man siya ngumiti nang todo, pero nakita ko ‘yung hope. And that’s enough for me to risk my life… or my trabaho. Malapit na kami sa pintuan ng side gate nang biglang— “Mira Marinduque!” Parang tumunog ang kulog sa buong mansyon. Napatigil ako, si Miko napakapit sa akin nang mas mahigpit. Slowly, dahan-dahan akong lumingon… At doon ko nakita si Don Quixotte. Nakatayo siya sa gitna ng hallway, naka-cross arms. Matalim ang tingin, parang laser beam na papatagos sa balat ko. “Sir Don!” pilit kong ngiti, trying to act casual kahit para akong tinamaan ng kidlat. “Good afternoon, sir! We just… uh… walk lang… exercise for the body, you know, healthy body healthy… soul.” Lumapit siya. Mabigat bawat hakbang, parang sa bawat apak niya ay iniisip ko na kung saan ko isusuksok ang sarili ko. “Walk? Healthy body?” malamig niyang sabi. “Where are you going? At bakit kasama mo ang anak ko? At bakit may dala kang backpack na parang may balak kang mag-camping?” “Ah… eh… nothing po, sir. Just… fresh air lang sa labas. Sa parking… small only.” “Park?” Tumataas na ang boses niya. “I told you, Mira, hindi siya pwedeng basta lumabas! At lalo na, hindi ikaw ang magdedesisyon kung anong makakabuti sa kanya!” Napayuko ako, pero pilit pa rin akong nagpapaliwanag. “I just… I just want him happy, sir. He blink twice kaya, it means yes. He wanting go.” “Blink?” Napairap siya, at mas lumalim ang boses niya. “Do you think you understand him just because of one stupid blink? You don’t know anything, Mira! Stop acting like you know my son better than me!” Ang sakit sa tenga, pero ang sakit lalo sa puso. Nakita kong kumapit si Miko sa akin nang mas mahigpit, parang natatakot sa galit ng daddy niya. Huminga siya nang malalim, tapos mariin niyang sinabi: “Enough. This time, I’ve had enough of your nonsense. You’re fired.” Napasinghap ako. “F-fired? Sir, no please! Don’t fire me! I need this job— I need money for… family—” Pero malamig pa rin ang mukha niya, walang bakas ng awa. “Mabuti pa sa’yo, umalis ka na. You’re crossing the line too many times.” Parang biglang bumigat ang paligid ko. Nilingon ko si Miko, at nakita kong nakatingin lang siya sa akin, tahimik pero may halong takot. “Sir… please, just give me chancing,” halos pabulong kong sabi, nanginginig na ang boses ko. “I promise no more kalokohan.” Huminga siya nang malalim, at tumingin sa anak niya. Napatingin siya kay Miko ng matagal. Napansin kong parang nagbago ang ilaw sa mata niya—worried, protective, parang ayaw niyang makita ang anak niya na nalulungkot. Then finally, he sighed. “Fine,” mariin niyang sabi. “Hindi kita tatanggalin. For now.” Napatingin ako sa kanya, parang gusto kong sumigaw ng “thank you Lord,” pero hindi ko nagawa kasi tiningnan niya ako nang mas malamig pa sa ref. “But listen carefully, Mira. This is not for you. This is because may malaking event sa Q Newspapers and Magazines Company. Kailangan ang presence ng pamilya ko. At kailangan ng taong magbabantay kay Miko.” Napatingin ako kay Miko, at bumuntong-hininga ako. At least… chance pa rin ‘to. Nagpatuloy siya, matalim ang tingin. “So you’ll come. You’ll take care of him at the venue. But if you make one mistake… just one more mistake, you’re out. Do you understand?” Tumango ako nang mabilis, parang toy na may spring sa leeg. “Yes po, sir! I understanding everything! Totally completely hundred percent!” Tumingin siya sa akin ng diretso. “Then don’t embarrass me, Mira. No funny business. No stupid ideas. Do your job and stay quiet.” “Yes po, sir. Promise. Quiet like… like stone.” Tumingin ulit siya kay Miko, at kahit saglit, nakita kong lumambot ang tingin niya. Inabot niya ang anak niya, at kinuha sa kamay ko. “Come, Miko.” Si Miko tumingin sa akin, parang ayaw niyang bitiwan ang kamay ko, pero wala akong magawa. I smiled at him kahit mahigpit ang dibdib ko. “It’s okay baby prince,” bulong ko habang dahan-dahan niyang binitiwan ang kamay ko. “We will go to parking… someday. Promise.” Tiningnan ako ni Don Quixotte, malamig ulit ang mukha niya. “Prepare yourself. We leave for the company event tomorrow morning. And Mira… wag kang gagawa ng kalokohan doon.” Tumango ako ulit, pilit na ngumiti. “Yes po, sir. No kalokohan. I will be the most behave girl in the world.” Pero sa loob ko, habang papalayo sila, napahigpit ako ng kapit sa bag ko. Hindi man ngayon… pero balang araw, dadalhin pa rin kita sa park, Miko. Kahit palagi akong napapagalitan, kahit pa… kahit pa mapalayas ako sa mansyon na ‘to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD